CHAPTER THIRTY TWO: The Confession

59 5 0
                                    


Alvaro's POV

I was doomed and been hurt.
Wala akong naintindihan sa drama ni AJ kanina pero isa lang ang tiyak, hindi siya nagdadrama. She's never been hurt katulad ng nangyari kanina. Kaya ngayon, nangangapa ako ng sagot sa tanong kung bakit siya nagkagano'n?

Dumiritso agad ako sa bahay ni Tito Vince. Pagkakita sakin ni Goldie ay agad niya kong sinalubong sa may tarangkahan. Mukhang alam na niya ang nangyari samin ni AJ.

Puno ng sempatiya ang kaniyang mga mata dahil sa nangyari. "Pinsan, follow me. Nandito si Mayeth kanina." Nagpatyuna si Goldie sa gawing likod ng bahay, at tumigil sa lilim ng puno na may ilaw.

Si Mayeth! So, siya ang may pakana ng lahat ng ito! "Nandiyan na sila Papa kaya dinala kita rito dahil ayaw kong marinig nila ang pag-uusapan natin. Yun na nga, dumating si Mayeth at nagdrama. Inerecord ko lahat rito sa cp ang acting niya kaya ikaw na ang bahalang magsabe kung tama ang sinabe niya." Nagsimulang manginig sa galit ang mga kamay ko habang iniabot ni Goldie sakin ang Cp.

At matapos kung marinig ang lahat na kasinungalungang pinagtatahe ni Mayeth ay nanggigil ako sa galit. Saan kaya siya kumukuha ng lakas ng loob na gawin 'to? "Hindi totoo ang alegasyon niyang binuntis ko siya. Isang taon na kaming hindi nagsisiping dahil may pagdududa na ko sa feelings ko sa kaniya. And Yes, nagkita man kami noong nakipaghiwalay ako sa kaniya pero walang nangyari. Ni hindi ko pinayagan na yakapin niya ko sa huling sandali, tapos mabubuntis ko siya? What the fuck!" Sinipa ko ang monobloc sa harap ko kaya't tumilapon iyon.

"So, anong plano mo ngayon? Dahil alam kong hindi na sayo makikinig si AJ, kahit pa anong paliwanag ang gawin mo at sabihin mong walang katotohanan ang sinabe ni Mayeth." Alam ko. After all the lies na binunyag ni Mayeth, AJ wouldn't care to listen to me. Ang hirap pa namang suyuin no'n. Kailangang dumistansiya muna ko kay AJ. Hindi niya ko mapapatawad hangga't may sama ng loob siya sa'kin.
"Hindi muna ako magpapakita kay AJ hangga't hindi pa humugupa ang galit niya." Nasaktan ma'y sagot ko. Isang araw ko nga lang na di siya nakikita ay di ko na kaya mas lalo pa kaya yung iwasan ko na siya, na di ko alam hanggang kailan ko yun gagawin.

"Okay, pinsan. Wag kang mag-alala sa kaniya, ika nga sabe niya sakin kanina nang tumawag siya, hindi naman raw siya magpapakamatay nang dahil lang sa isang lalaking cheater at mas lalong hindi niya sisirain ang buhay niya nang dahil rito. " So, pinanindigan talaga niyang cheater ako. Ang sakit lang. All ears siyang makinig sa kasinungalingan ni Mayeth tapos hindi manlang siya nakinig sa paliwanag ko? "So, lie low ka muna pinsan. Ako na ang bahala sa kaibigan ko. Kasi tiwalang tiwala talaga siya sa kasinungalingan ni Mayeth." Paseseguro pa ni Gold.

"Thanks, pinsan. Siya nga pala, mawawala muna ako ng ilang araw sa Aklan. Susundan ko si Mayeth. Hindi ko mapapalampas itong ginawa niya. Mananagot siya sakin!"

Matapos naming mag-usap ni Goldie ay umuwi akong new washington. Kailangang malaman ko kung anong oras ang flight ni Mayeth bukas ng umaga.

Pagdating sa bahay ay agad kong inaalam kong nasaan siya ngayon. At ayon sa locator app ko ay nasa isang hotel sa kalibo siya naka-check in. Ang sunod kong ginawa ay tumawag ako sa airlines company at inaalam ang details ng flight niya. Nang makompirma ang details niya ay nagpabook na rin ako. Bukas ay magtutuos kami ng babaeng iyon.

__________________________

Nakailang shots ako ng beer sa aking minibar nang may tumawag na long distance sa landline. Segurado akong si General na naman 'to.
"Good evening, Sir!"

"May ipinadala akong dagdag information hinggil sa special assignment mo Major Tornido. And hopefully, as soon as possible ay makapinetrate ka sa Area."

"Copy that Sir!"

" And one more thing Major Tornido, once you gathered any leads, please let me know para makakontak agad ako ng back up." Dagdag pa niya.

"Copy that sir!"

Pagkababa ko ng telepono ay napabuntong hininga ako. Timing ang special assignment na binigay ni Sir sakin, atleast may pagbabalingan ako ng atensiyon ko. At makalimutan sandali itong heartbreak ko.

Pagkaubos ko ng tatlong botilya ay nagdesisyon na 'kong matulog. Pero bago yun, magsesend ako ng message kay AJ for the last time.

Sa totoo lang, sobra akong nagtampo sa kaniya. Five months na kaming mag-on ngunit di parin buo ang tiwala niya sakin. Nako-confuse parin siya sa pag-ibig ko. Samantalang ako, binigay ko ng buo ang tiwala at pag-ibig ko sa kaniya. But never mind! Kung ito ang gusto niyang mangyari between us, so be it. Hindi ko ipagpilitan ang sarili ko sa taong sarado na ang isip na makinig sa paliwanag ko. At mas lalong hindi manghahabol sa kaniya.

Here's the composition of my text message.

-Hi. Nasaktan ako sa mga sinabe mo sakin kanina dahil pinangunahan mo ako without even asking kung totoo ang mga alegasyon ni Mayeth. Sana, sinabe mo muna sakin kung anuman man yun para madepensahan ko manlang ang sarili ko hinggil sa sinabe niya. Pero hindi eh. Anyway, I think hindi na mahalaga kung may katotohanan man o wala ang sinabe niya dahil sinarado mo na ang isip mo sa posibleng eksplenasyon ko.Ikaw na rin ang kusang nagputol ng relasyon natin. It really hurts. But I think sa una lang 'to. I still wish you a happiness in life. Take care. Good bye.
-From your ex, from now on.



______________________________
A/N: Thank you for reading. Please do vote po. Salamuch. 😊

-AgentLoree-



The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon