Married To A Sasaeng Fan
Chapter 8
Kasal
Franzine's POV
Okay na siguro tong Vow na ginawa ko na galing sa puso. Dami kong alam. Hihihi. Atleast ako gumawa kesa naman yung iba gumawa tapos hindi naman galing sa puso. Pero may problema ako. Galing nga sa puso ko yung Vow ko pero yung kay GD...ako gumawa...galing sa puso ko...hindi sa kanya.
"Tapos mo na ba yan?" Tanong ni Unnie.
Tumango ako at pinabasa sa kanya. "Basahin mo nga Unnie baka ang baduy ng pagkagawa ko."
Kumunot ang noo niya. "Maganda naman. Pero bakit ikaw ang gumawa ng Vow para kay GD. Bakit hindi na lang siya?"
"Alam mo namang ayaw niya sa akin diba? Kaya ako na lang gumawa. Pakakabisaduhin ko na lang sa kanya." Paliwanag ko.
"Ah okay. Teka next week na kasal niyo. Kailangan mo ng maghanap ng gown. Ako gagawa ng gown para sayo. Alam mo naman fashion designer ako. Hihihi. So halika na...susukatin na kita para makagawa na ako agad ng sobrang ganda na gown yung parang biglang mastastar track si GD sayo kapag nakita ka miyang suot ko yung ginawa kong gown." Aniya.
Sinukatan na niya ako. Siya naman ay nagdidesign ng kung ano sa ginawa niyang gown. Ang bilis niyang gumawa. Kakasukat pa lang sa akin.
"Bukas samahan mo akong bumili ng gamit panggawa ng gown mo. Mall tayo hah pagkatapos ko." Aya niya.
Nagvibrate ang phone ko kaya sinilip ko muna iyon habang naghihintay kay Unnie.
From Unknown Number :
Meet tayo sa YG building. Malapit lang toh sa bahay niyo. Pinapapunta ka ni Sir Jiyong, gusto ka yata makausap. Ako naman gusto kitang makita at makausap. See you Baby Lei :)
Nanlaki ang mata ko. Alam ko kung sino toh. This is Mr. Chismoso. Si Kerwin. Ayan na naman siya sa Baby Lei niya. Grr...Kung di lang si GD ang nagsabi na pumunta ako sa YG, hindi ako pupunta. Hindi na lang muna ako sasama kay Unnie ngayon.
"Unnie...Hindi muna ako sasama. Pinapapunta ako ni GD sa YG building eh. Bukas na lang kita samahan. Annyeong!" Umalis na ako sa bahay namin at dumiretso sa YG building.
"Good morning Madame! How may I help you?" Bati sa akin nung babae.
"Where's Jiyong? I mean GD?" Tanong ko.
"In the studio Madame." Sagot niya. "Ano po bang kailangan niyo kay Sir Jiyong?" Tanong niya.
"Ahm...Sabi niya kasi pumunta daw ako dito para kausapin siya." Sagot ko.
"Pero Madame...Hindi po pwedeng basta bastang nagpapasok sa loob." Aniya.
"Aish! Just let me in."
"Just let her in. Utos iyon ng magiging Asawa niya." Singit ni Kerwin na kakarating lang.
"What's the meaning of this?" Biglang sumulpot sa harapan namin si Jiyong. Tumingin siya sa akin. "Where's the folder?" Tanong niya.
"Ah-eh! Wait!" Kinuha ko sa bag ko yung folder na binigay sa akin nung nakaraang araw. "Here."
Hinalbot niya sa akin yung folder at tiningnan. "Tss...May title pa talaga yung Vow. Ano toh tula? Sino gumawa nito?" Tanong niya.
"A-ako." Nauutal kong sambit.
"Kaya pala ang baduy. Okay na toh. Umalis ka na." Sabay alis.

BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
FanfictionSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...