Chapter 14

159 17 1
                                        

Married To A Sasaeng Fan

Chapter 14

Grounded

Franzine's POV

(Kamusta na Zine? Okay ka lang ba jan sa Manila?)

"Okay lang ako Unnie. Kayo nila Appa?"

(Okay lang naman. Ako lang hindi.)

"Wae?"

(Eh kasi....Hindi ako makatulog sa gabi...)

"Bakit naman? May sakit ka ba?"

(Hindi ako makatulog sa gabi dahil sa sobrang kilig! Kyaaah! May nanliligaw na sa akin dito. And guess what? He's so damn hot, sexy and handsome!)

"Ang OA mo naman. Ano namang gayuma ang ginamit mo jan at baka gamit ko?"

(Tangek! Hindi ko ginayuma yun. Talagang tinadhana talaga kami sa isa't isa.)

"Eww! Yuck! Kadiri! Nakakasuka! Unnie kelan ka pa naging ganyan? Ang korny mo na."

(Simula nung nakilala ko siya. Kyaaah! Kenekeleg ako!)

"Ano naman pangalan niya?"

(Si Kerwin!)

Bigla akong natulala. K-kerwin?

(Zine? Are you there.?)

"What his last name?"

(Oh...Diaz. Why?)

"Oh, I just thought...Aish Nevermind!"

(Okay. Pwede ba tayong magkita jan? Pupunta kasi kami ni Kerwin jan. Ipapakilala ko siya.)

"Ahm...Hindi ako pwede. Marami kasi akong ginagawa eh."

Napakagat labi ako. Nagsinungaling pa ako sa kanya. Narinig kong bumuntong hininga siya.

(Sige...I'll visit you if I am free. Love you! Bye!)

"Love you too! Bye!"

End Call.

"Sino kausap mo?" Napatalon ako sa gulat.

Lumingon ako sa kanya. "Bakit ka ba nanggugulat diyan?!"

"I said, who are you talking to?" Ulit niya.

"Si Unnie lang naman." Naiinis kong sagot.

"Naaalala mo naman na grounded ka." Inirapan ko siya.

"Alangan. I will never forget that. Dahil unang beses ko pa lang magrounded at sa iyo pa." Naiinis kong sabat.

Tumaas kilay niya. "So...Give me your phone."

Lumaki mata ko. Matalim ko siyang tiningnan.

"Anong phone?! Bakit ko sayo ibibigay?" Tanong ko.

"Because your grounded." Sagot niya.

"Eeehh! Ito na nga lang ang libangan ko habang grounded ako tapos kukunin mo pa. Ang harsh mo naman!" Nagpadyak padyak pa ako.

"Its your fault. Landi pa kasi." Aniya na nagpagalit sa akin.

"Don't you ever say that to me! Hindi ako malandi! Porket ba kausap ko si Kerwin, naglalandian na kami? Hindi ba pwedeng kinakausap ko lang ang kaibigan ko na nandyan palagi sa tabi ko kapag wala ang Asawa ko na kahit kelan hindi niya ako tinuring na Asawa!"

Married To A Sasaeng FanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon