Chapter 16

149 13 2
                                        

Married To A Sasaeng Fan

Chapter 16

Asawa

Franzine's POV

"Kerwin..." Tawag ko.

"Yeah?"

"Sa bahay muna tayo ni GD dahil kukunin ko pa yung mga gamit ko dun. Hapon pa lang naman." Utos ko.

"Sige." Sang ayon niya.

Niliko niya ang kotse papunta sa subdivision kung saan ang Bahay namin ni GD dati. I should call him Jiyong Oppa or just Jiyong. Ayoko ng banggitin yung stage name niya. From now on, I will move on to him.

"Nandito tayo Lei." Tumango ako at tinanggal ang pagkakalock sa seatbelts.

Pinagbuksan ako ni Kerwin.

"Thank you."

Pumasok na kami sa loob nang mabuksan ko na ito. Buti na lang wala pa si Jiyong. Kailangan ko ng magmadali para hindi niya na ako maabutan. I know he will be here later. Tinulungan ako ni Kerwin sa pagdala ng mga gamit ko.

"Nga pala...Bukas punta tayo ng Palawan may kailangan akong kunin dun." Sabi ko.

Tumango si Kerwin. Pinasok na niya sa kotse ang mga maleta ko. Pumasok na rin ako sa Front seat at hinintay siya matapos. Nagvibrate ang phone ko. May tumatawag. I look at the screen. Oh its Jiyong. Sinagot ko yun.

"Hello?"

(Franz, Don't leave me please...)

"Ayoko. Just forget about me. I will talk to Appa, para hindi niya pabagsakin ang kumpanya niyo at ang YG. I promise to you. Problem solve. Bye!"

(But--)

End Call.

Pinatay ko ang cellphone ko sabay tapon sa bintana. Mga laman lang naman dun mga pictures niya kaya walang problema kahit itapon ko pa yun. Sakto namang pumasok na si Kerwin.

"Bakit mo binato yung cellphone mo?" Nagtataka niyang tanong.

"I have money to buy new one. Masyado ng luma yun." Seryoso kong sagot.

"Akala ko ba dapat magtipid?" Humarap ako sa kanya.

"I am rich, gaya ng sabi mo sa akin dati. I can buy whatever I want." Pumikit na ako para hindi na siya sumabat pa.

Narinig kong bumuntong hininga siya. "Okay..."

Binuksan na niya ang makina.

Hindi ko na hinintay si Kerwin na pagbuksan ako dahil lumabas na ako sa kotse papunta sa taas kung saan ang kwarto ko.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko. I'm sleepy, I want to sleep. Kahit nakaidlip ako kanina sa kotse. Pipikit ko na sana nang may kumatok. Hindi na ako tumayo dahil sumigaw na lang na pumasok siya.

"What do you want Kerwin?" Tanong ko ng hindi tumitingin.

"Tatanungin lang sana kita. Hindi ka ba kakain?"

"I'm not hungry." Sagot ko with my sleepy tone.

"Sige. Baba ka na lang kapag nagutom ka o di kaya magpadala ka na lang ng pagkain." Aniya sabay sarado ng pinto.

Pumikit na ako dahil antok na antok na ako.

Tumayo ako sa kama ko dahil sa sikat ng araw na galing sa bintana. Kailangan kong magpalit at maligo. Dahil nararamdamam kong ang lagkit ko na, hindi na ako nakaligo kagabi. Pumasok ako sa banyo. Tumitig ako sa salamin kung saan nakikita ko ang repleksyon ko. Maga pa rin ang mga mata ko.

Married To A Sasaeng FanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon