Married To A Sasaeng Fan
Chapter 13
EDSA
Franzine's POV
Kanina pa ako hintay ng hintay kay GD. Hindi ko nga alam dun kung saan kami pupunta eh. Bast may pupuntahan kami. Puro na lang may pupuntahan tapos hindi na niya ako papansinin kapag nakapunta na kami sa pinupuntahan namin. Ang gulo niya noh.
"Let's Go." Aniya at Inunahan akong maglakad.
"May magagawa pa ba ako? Tsk!" Bulong ko.
"Huwag ka ng bumulong, naririnig ko rin naman." Inirapan ko siya ng patago at sinundan na siya
"Saan na naman ba tayo pupunta?" Naiirita kong tanong.
"Anong tayo? Ako lang. May ibibigay lang naman ako sayo tapos aalis na ako. Kaya huwag magbabalak na lumabas." Banta niya.
"So ano ibibigay mo?" Tanong ko.
"Tingnan mo na lang! May mata ka naman." Naiinis niyang sambit.
"Edishing!" Inirapan ko siya.
Humarap siya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Here!" May binato siyang isang bagay na maliit na agad ko namang nasalo.
Tiningnan ko iyon. At susi ang bumungad sa akin.
"Ano toh?"
"Key! Susi! Wala ka bang mata?" Naiinis niyang sabi.
Pumunta siya sa may garage kaya sinundan ko siya. May hinawakan siyang tela na pantakip ng kotse sabay hila nun. Bumungad sa harap ko ang isang kotse na minicar na kulay yellow. Kaya naman bahagyang lumaki ang mata ko at napanganga ng bonggang bongga.
"Oh shit!" Mura ko.
"The hell? Huwag ka ngang magmura. Hindi bagay sa babae ang nagmumura." Saway niya.
"Hindi ko napigilan eh. Ito kasi yung dati ko pang pinapangarap na sasakyan." Sabi ko habang inililibot ang tingin sa kotse.
"Mayaman naman kayo. Bakit hindi ka bumili kung pangarap mo palang kotse yan?" Tanong niya.
"Eh kasi ang gusto ko yung sayo!" Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. "Pero bakit mo nga ba pinapakita sa akin toh?"
Humarap ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin na nakangiti. Yung ngiting walang halong pilit o pagkapastik. Totoong ngiti. Parang tutulo yata ang aking laway. Ang gwapo niya! Why so hot and handsome G Dragon?! Enebe!
"Huy!" Natauhan naman ako sa pagsigaw ni GD.
"Ah-uh! What?!" Pasigaw kong tanong.
"I said this car is for you." Aniya na nagpalaki pa lalo sa mga mata ko at nagpanganga ng sobrang bongga.
"J-jinja?" Tumango tango siya.
(Jinja = Really)
Dahan dahan na tumulo ang luha ko at niyakap ang aking dream car.
"Ang tagal kitang hinintay. Buti na lang natupad." Sambit ko habang hinahaplos ang kotse.
Ngunit may isang nagpatigil sa akin. Tiningnan ko ng maigi iyon pero hindi ko maintindihan dahil nakanihongo ito. Hindi pa naman ako marunong ng Japanese. Tinandaan ko yun para maresearch ko ang meaning nun. Tumayo ako na ako at buong ngiti kong niyakap siya ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
FanfictionSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...
