Chapter 19

129 10 2
                                    

Married To A Sasaeng Fan

Chapter 19

Stalker

Franzine's POV

Maaga akong gumising para makapunta dito. Hay...Sarap ng simoy ng hangin dito. Kaya lang lalo kong naalala yung nangyari dito. Buwan na ang lumipas simula nung una kongnakita si Jiyong dito ng walang pumipigil sa akin. At dito nangyari ang break up nila ni Nana.

Ayoko mang pumunta dito, kaya lang sinabi ko sa sarili ko na dito ko sisimulan ang aking pag momove on. Tsk! Kailangan ko ng puntahan yung pinuntahan na Mall at Bar namin nila Jiyong. Tsaka yung concert day nila dito. Pupuntahan ko ang arena. Tsaka bukas pupunta pa ako sa resort namin.

Kinuha ko na yung bag ko. Pero bago iyon, inilagay ko ang band aid na binigay sa akin ni Jiyong. Hindi ko ito ginamit. Tinago ko ito. Ngayon iiwan ko na ito kung saan ko nakuha. Inilapag ko ito malapit sa fountain at kasam na doon ang sulat. Pumasok ako sa minicar na binigay sa akin ni Jiyong. Hindi ko ito ibibigay dahil sabi niya gift na niya sa akin ito.

Binuhay ko na ang makina ng kotse para pumunta na sa Mall.

"Goodmorning Madame!"

Bati sa akin ng bodyguard nang makapasok ako sa bilihan ng damit panlalaki kung saan kami bumili ng mga damit nila Jiyong. Dito ko iiwan ang damit na binigay sa akin ni Jiyong. Yung damit pangmaid. Inilapag ko ito sa sofa kung saan din dito ako nakaupo habang naghihintay sa kanila sa dressing room. Inilagay ko sa loob ng damit ang sulat. Umupo muna ako nang may biglang sumigaw na lalaki.

Napatingin ako sa kanya.

"Ah jinja!" Sigaw niya.

Yumuko yung babaeng nanggulat sa kanya. Siguro nanghingi ng paumanhin. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil mahina at malayo rin sila sa pwesto ko. Yung lalaki tagong tago yung mukha. Holdaper ba ito o magnanakaw? Tsk! Kailangan ko ng umalis.

Tumingin sa akin yung lalaki. Binalik naman niya ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya. Kailangan ko na palang umalis dahil maghahapon na rin. Nahuli kong kumapit yung babae sa braso nung lalaki. Baka naman magkakilala sila at mukhang koreano yung lalaki dahil narinig ko ang sinigaw niya at korean yun.

Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang bag ko sabay alis at punta sa Bar.

Nag order ako ulit ng cake. Parang katulad lang ng dati. Nag order rin ako ng alak na inorder rin nila dati. Nandito rin ako sa VIP room kung saan kami nagstay nun. Ako lang nandito. Wew! Uminom kaya ako, kahit isang bote lang. Kumuha ako ng isang bote at sabay inom ng isang lagukan.

"Gosh~"

Ang sarap naman nito. Isa pa nga. Kumuha ako ulit at nilagok ulit. Hindi pa ako nakuntento. Lagok dito, lagok doon, at lagok diyan. Hay! Ang sarap sarap talaga. Nangalahati ang isang case ng alak. Nakuntento na ako dahil medyo tipsy na rin ako. Pagewang gewang akong naglakad. Kinuha ko ang boteng ininuman ni Jiyong dati. Kinuha ko ito. Iniwan ko iyon, kasama ang sulat. Kung sino man ang makabasa ng sulat na ito. Edi wow. Okay lang hindi naman nila kilala yung nagsulat.

Tsk! Hindi yata ako makakapunta sa arena ngayon dahil medyo lasing na ako. Ang sarap kasi. Namahinga muna ako at Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas. Hindi na ako nahihilo. Keri pa naman magdrive.

"Daebak!" Sigaw ko.

Nagulat ako sa bumungad sa harapan ko pagkabukas ko ng pinto. May nakatayo kasing lalaki sa harapan ko. Parang familiar sa akin itong lalaking toh. Siya nga pala yung lalaki kanina sa Mall. Teka bakit ba siya nandito? Nagbreak ba sila nung babae kaya maglalasing siya. Oh well para magmove on lang yata siya kaya nandito siya.

Married To A Sasaeng FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon