Chapter 28

76 7 0
                                        

Married To A Sasaeng Fan

Chapter 28

She's my Wife

Franzine's POV

"Oh Lei, Dumating ka! Bakit dala mo...maleta mo?" Nagtatakang tanong niya.

Napatingin ako sa maletang dala ko.

"Ang dami mong dala, para kang maglalayas." Di niya makapaniwalang sabi.

Humarap ako sa kanya. "Can you help me na lang?" Pacute kong sabi.

Ayoko ng pag usapan yung paglayas ko. At oo, totoo ang sinabi niya. Naglayas ako, pero forever na akong hindi babalik sa bahay ni Jiyong. Sa kanya na yun, dalhin niya na lahat babae niya. Wala na akong paki sa kanya.

"Okay! Akin na maleta mo, isasakay ko na sa kotse mo." Aniya.

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Inilabas ko sa kotse ko tapos ibabalik na naman." Inis kong sabi.

"Sino ba kasi nagsabi na magkocommute tayo? Wala ako pamasahe papunta sa probinsya."

Dahil sa inis ko binato ko sa kanya yung magaan na maleta ko. Nakailag ang monggi.

"Gagawin mo pang eroplano ang sasakyan ko!" Inis kong sambit.

"Hindi ko naman papaliparin ah." Pinulot niya yung binato kong maleta.

"Pero uubusin mo naman ang gas ng kotse ko! Saang bang lupalop ng mundo ba yang probinsya niyo?!"

"Jan lang sa tabi." Asar niya.

Iniis talaga ako ng lalaking toh. Inihanda ko na ulit yung isa ko pang maleta upang ibato sa kanya. Kaya lang tumakbo na siya papasok sa loob ng kotse ko. Tsk! Hindi ko na naibato, nakatakas ang mongging yun.

Inilagay ko na ang maleta ko sa likod ng kotse. Nag effort pa naman akong ilabas ito tapos ibabalik ko rin. Nakakainis talaga si Kerwin. Babatukan ko siya kapag nakapasok na ako.

"Daebak!" Sigaw ko. "Ang ganda naman ng probinsya niyo!" Mangha kong sabi habang nakasilip sa bintana at tinitingnan ang magandang tanawin ng probinsya nila.

OMG! Mas maganda pa ang view nito sa probinsya namin. Well, hindi namin probinsya ang Palawan dahil dun talaga kami nakatira. May probinsya kami sa ibang lugar na nasa mindanao. Malayo kaya hindi namin napupuntahan.

Sana kasama ko ngayon si Unnie. Sana rin kasama ko ngayon si Eomma at Appa. Sana kasama ko rin si Jiyong...kung hindi lang sila nagsinungaling sa akin.

"Nandito na tayo Lei!" Natauhan ako sa pagtawag ni Kerwin.

Bumaba na siya siguro para kunin ang mga bagahe ko.Binuksan ko na ang pintuan ng kotse para makababa na rin. Napangiti ako. Hindi man kalakihan ang bahay nila, it is unique and beautiful. Pinangarap ko ring tumira sa Bahay Kubo. Kasama ang mga anak namin ni Jiyong.

Wait what?!

"Lei! Tulong naman dito oh!"

"Huh? Ano?" Napalingon ako kay Jiyong este Kerwin.

Bakit ko ba binabanggit ang pangalan niya?! Kainis! Kakalimutan na nga, iniisip ko pa rin.

"Sabi ko tulungan mo ako!" Sigaw niya.

Padabog naman akong lumapit sa kanya. Hindi naman mabigat ang mga dala kong bagahe. Nagpatulong pa ang monggi. Tsk!

"Kalalaking mong tao tapos hindi mo pa kaya ang dalawang magaan kong maleta!" Naiinis kong sambit habang tinutulungan siya.

Married To A Sasaeng FanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon