Chapter 1

358 20 10
                                        

Married To A Sasaeng Fan

Chapter 1

Kape

Franzine's POV

Nabilaukan ako sa bumungad sa harapan ko.

"Why GD? Why did you do that to me?! Bakit mo siya hinalikan?! Bakit siya?! Dapat ako lang! Akin lang ang labi mo." Sigaw ko dahil sa nakita ko.

Parang gusto ko ng pumatay ng tao. Nakakainis! Waaah! Gusto kong sabunutan yung babaeng hinalikan niya. Ang chaka naman ng mukha nung babae. Bakit pa kasi yan pa ang naabutan ko?!

"Shut up Zine! I'm busy here." Saway sa akin ni Unnie.

(Unnie = Ate for girls only)

"Eh kasi naman Unnie si GD may hinalikan!" Sumbong ko.

"I don't need your explanation. I need you to be shut up. Saan ba siya hinalikan?" Naiinis niyang tanong.

"Sa pisngi." Sagot ko.

"My goodness Zine! GD kiss the girl in the cheeks but not in the lips! Its only in the cheeks, Zine. Just cheeks. Your so over reacting." Naiinis niyang sambit at binalik ang tingin sa ginagawa niya.

Nanahimik na lang ako. Baka kainin pa ako ng buo niyan. Kapag seryoso talaga siya hindi dapat siyang iistorbuhin, baka hindi na ako sikatan ng araw kapag ginalit yan. Pinatay ko na lang ang tv. Oh my God! Sarap talagang suntukin, sampalin, sabunutan , bugbugin, itorture, ipaoplan tokhang, iparape sa mga adik at patayin yung babae na hinalikan ni GD. What the?! Nakakainis!

Makapag mall nga muna para maalis ang tampo ko kay GD. Pero hindi ko malilimutan ang ginawa niya.

"Alis muna ako Unnie." Paalam ko.

"Good." Aniya.

Inirapan ko siya sabay alis. At pumunta na lang sa pupuntahan ko.

"Good afternoon Madame! What's your order?" Tanong sa akin ng Waiter.

"Black coffee please." Sosyal kong sagot.

Well gusto ko maging sosyal ngayon. Partida nakashades pa ako ng pumunta dito. Tinry ko lang kung bagay. Oh well bagay naman siguro.

"Here's your order Madame." Nilagay niya na ang order ko.

Ininom ko yun ng sosyal. Feeling sosyal ako ngayon. Hindi ko pa nalalapag ang baso ng bigla akong nabasa. Hindi ko pa alam kung ano ang natapon sa akin. But I found out that it is a coffee. And Oh My God! Unti unti kong naramdaman ang init ng kape na yun sa aking balat. Ouch! Napaso yata ako.

Napatayo ako dahil dun. "Oh my God! Look what you did to me! Pinaliguan mo ako ng kape mo. Ang lagkit ko na." Sigaw ko sa natapon sa akin ng kape.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakajacket siya na may sumbrelo at nakashades din. Ano toh bampira. Tagong tago ang katawan.

"Oh sorry...Its not my fault." Aniya.

Napangisi ako ng plastik. "Its not your fault?! Eh sino ang nakatapon? Yung kape biglang tumalon sa kamay mo papunta sa akin. Wow! I give you three clap. Clap! Clap! Clap! Ang galing." Mataray kong sabi.

"Nagsorry na nga diba. Hindi pa ba sapat yun?" Naiinis niyang sabi.

"Oo, Hindi sapat yun. Ang sorry ba kayang alisin ang mga mantsa sa damit ko?! Diba hindi?! Luluhod ako sayo kung mangyari man yun." Kumuha ako ng tissue at pinunas sa damit ko.

Married To A Sasaeng FanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon