Married To A Sasaeng Fan
Chapter 9
Personal Maid
Franzine's POV
"Late na ba ako sa kasal niyo ni Sir Jiyong, Franzine?" Nakangiting tanong ni Kerwin.
"Kerwin? Why are you here? Are invited?" Nagtatakang tanong ni Unnie.
Naglakad na papunta sa aming harapan si Kerwin. "Oo invited ako. Pinapunta ako ni Franzine eh. Kaya lang late na ako, may pinuntahan pa kasi ako na binyag. Hehehe." Bungad niya ng makapunta na siya sa harapan namin.
"You invited him?" Napatalon ako dahil sa biglaang pagtatanong ni GD.
"Oo." Sagot ko.
"Tss...Tigas ng Ulo talaga." Bulong niya pero narinig ko pa rin. "I already said that don't you ever talk to him. But you always didn't follow."
"Ano bang masama dun?" Tanong ko.
Napasabunot siya. "Basta." Aniya sabay lapit kay Unnie. "Pwede na bang umalis na Franciose Noona?" Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Oo naman. Ipapaalam ko na lang kay Eomma. Sige alis na kayo, ako na bahala. Bye Zine and Jiyong." Nakipagbeso beso sa amin si Unnie at kumaway.
Sinabit ni GD ang braso ko sa braso niya. Nagsimula na kaming maglakad ng biglang nagsalita si Kerwin. Napatigil kami sabay tumingin sa kanya.
"Teka! Saan kayo pupu--" Pinutol ni GD si Kerwin.
"Shut it! Wala kang paki kung saan kami pupunta. Hindi ka namin magulang para magtanong ng personal na bagay. Kaya sana stop talking and stay here." Ani GD.
"Eh ba--" Ako naman ang pumutol kay Kerwin.
"Shh! Kerwin stop talking nga diba? Hindi mo ba yun naiintindihan? Baka gusto mo itagalog ko pa." Mataray kong sabi.
Medyo nakakainis din tong Kerwin na toh eh. Sinabi ng manahimik tapos magsasalita. May masasapak talaga ako eh.
"Shall we?" Tanong ni GD.
"Hehehe." Yan na lang ang tangi kong nasagot.
Umalis na kami sa simbahan at dumiretso kung nasaan ang kotse na maghahatid sa amin. Marami ang nakaabang sa labas. Ang dami nilang mga hinagis na kung ano ano. Kulang na lang pati yung pinaglalagyan nila ng pinaghahagis nila ay ibato na sa amin.
Masyado silang natutuwa. Bigla naman ako nalungkot. Buti pa sila masaya sa amin, pero ako kahit isang katiting lang na tuwa wala. Kasi alam ko namang pilit lang toh. Walang pagmamahalan ang nagaganap sa amin ni GD. Bago kami sumakay binato ko muna ang hawak hawak kong bulaklak. Tiningnan ko kung sino ang nakasalo. At kung sineswerte nga naman si Unnie. Siya ang nakasalo nung bulaklak na binato ko.
Sumakay na kami sa isang kotse na kung tawagin ay kotseng kuba. Kulay yellow ito. At may nakalagay na tarpaulin sa likod na 'We're Married'. Pinagbuksan ako ni GD ng pinto na ikanangiti ko kahit kaunti lang. Okay na rin tong nagpapakitang loob siya sa akin kahit sa harap lang ng tao niya ito gagawin.
Nawala na lang ang ngiti ko ng nakaalis na kami sa simbahan. Bago kami pumunta sa Manila, pupunta muna kami sa reception.
"Bakit mo ininvite?" Basag ni GD sa katahimikan.
"Si Kerwin ba?" Tumango siya. "Pinilit niya kasi ako. Pero okay lang naman yun. Kaya lang, alam ko naman ayaw mo."
"Alam mo pala eh. Bakit mo pa siya pinapunta?! Hindi okay yun sa akin. Ayoko na may umaaligid sayong lalaki. Sundin mo lahat ng sasabihin at utos ko. Ngayon asawa mo na ako, alam mo na gagawin mo bilang asawa ko." Nagulat ako sa mga katagang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
Fiksi PenggemarSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...
