Married To A Sasaeng Fan
Chapter 11
Be my Maid
Franzine''s POV
Ilang araw na ang lumipas. Ilang araw na rin akong hindi pinapansin ni GD. Ilang araw tuloy akong nakabusangot. Ilang araw akong lonely. Ilang araw akong walang kausap sa bahay. Ilang araw simula nung tinanong niya ako kung saan ako pumunta kaya ako ginabi. Simula nung lumabas kami hindi na niya ako kinausap. Pumunta kami sa isang wedding. At nalaman ko na lang na yung Unnie niya pala ang kinasal. Simula nun hindi na kami nag usap.
Sinagot ko naman yung tanong niya. Pero bakit niya ako iniiwasan? Teka nga. Iniiwasan niya ba ako o nakikipaglandian siya kay Sandara Park? Nandito kasi yung babaeng yun sa Pilipinas. Tapos lagi kong napapanood sa TV na magkasama sila sa mga party. Daya ni GD! Hindi man lang niya ako sinasama sa party. Namimiss ko pa naman magparty. Hindi naman ako makalabas dahil malalagot ako kay GD.
Sabi niya huwag daw ako aalis hangga't wala pa daw siya. Tapos inutusan niya akong gawin ko yung mga gawaing bahay. Sabi ko maghahanap na lang ako ng katulong but he reject. Hindi daw namin kailangan ng katulong dahil meron naman na. Naguluhan ako sa sinabi niya pero nalaman ko na lang na ako yung sinasabi niyang katulong. Ang sama niya talaga, kahit ganun siya mahal ko pa rin.
Pero dalawang beses lang ako naging katulong. May bigla kasing pumunta na mga babae at mukhang mga katulong sila at nilinis nila ang bahay namin. Kaya ayun, nagfeel free ako dahil nakakapagod maglinis lalo na't malaki ang bahay. Diko matake.
"Franz!" Napatayo ako ng wala sa oras dahil tinatawag na ako ni Boss GD.
Mukhang may iuutos si Boss GD. Lumabas na ako sa kwarto ko para malaman ko na kung bakit na naman sumisigaw tong lalaki toh.
"Yep?" Tanong ko.
Naabutan ko siyang nakaupo at mukhang kakauwi lang galing na naman siguro sa party na pinuntahan niya. Ano araw araw na lang may party?! Umagang umga may party talaga?! Aish! Di niya kasi ako sinasama. Namiss ko tuloy magparty.
"Hey! Give me a Water." Utos niya na agad ko namang sinunod.
Binigay ko agad sa kanya yung tubig na agad din niyang ininom ng isang lagok lang. Mukhang uhaw na uhaw siya. Saan ba talaga siya pumunta?
"Sumama ka sa akin mamaya. May pupuntahan tayo." Out of the blue moon niyang sabi.
"Saan naman? Isasama mo na ba ako sa party niyo? Teka hindi ako ready. Ano kaya pwedeng isuot? Hmm...Magdress kaya ako o kaya gown? Hehehe. Charot lang." Sunod sunod kong sabi.
"Hindi tayo pupunta ng party. And don't wear dress. Just simple clothes. Bagay naman saiyo kahit anong suotin mo." Sabay walk out papuntang kwarto niya na nasa taas.
Eh? Nyare sa kanya? Pinuri pa ako. Hihihi. Hindi daw party kaya so sad. Kaya lang nagbago naman ang aura ko dahil kinausap na niya ako kahit saglit lang. Yiiieee. Kenekeleg eke. Oh tama na, baka mangisay na ako sa sobrang kilig.
"Tara na!" Nagmadali naman akong mag ayos dahil baka mabad trip si GD at hindi na niya ako isama kung saan man kami pupunta.
Sana naman yung pupuntahan namin ay matutuwa ako. Yung feeling na aabot yung ngiti ko hanggang universe. Kaya sana...lagi na lang ako ng sana. Hindi naman natutupad kahit isa. Daya talaga ng tadhana. Ngayon lang naman pagbigyan mo ako. Sana maging sweet si GD sa akin ngayon.
"Bilisan mo na!" Sigaw niya kaya napatakbo na ako palabas ng kwarto.
Naabutan ko siya sa labas na nakasandal sa pinto ng kotse niya. Nakacellphone na naman siya. Lately kasi lagi na lang niya hawak ang cellphone niya tapos bigla na lang ngingiti. Kaya nagtaka ako nun. Sinubukan kong tingnan kung ano ba yung dahilan ng pagngiti niya kaya lang sa tuwing titingin ako ng pasimple nahuhuli niya agad ako. Lakas masyado ng presensiya ko siguro. Kaya alam na niya agad na nakasilip ako. Baka naman porn pinapanood. Char! Bastos ko nun sa part na yun. Osya tama na baka mabad trip na naman ang aking asawa at iwanan pa ako nito ngayong ready to go na ako.

BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
ФанфикSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...