Married To A Sasaeng Fan
Chapter 12
KWON
Franzine's POV
"Yung Kusina pakilinis naman." Utos ko kay Kerwin at prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng isang magazine.
Namimiss ko na rin magmodel. Hindi na kasi ako pinapasok ni Eomma simula nung nagkakilala kami ni GD eh. But its okay. Hindi pa naman ako tinanggal ni Eomma, kaya pwede pa ako magmodel ulit.
Nga pala nandito ngayon si Kerwin. Umalis na si GD kaya tinawag ko na rin si Kerwin para masimulan na niya yung dapat na punishment ko. Ang bilis niya ngang dumating eh. Akala mo lumipad pagkatawag ko lang.
"Tapos na Mam!" Sigaw niya.
Tinigil ko ang pagbabasa at binaba muna ang magazine.
"Okay. Yung marumi na damit. Labhan mo na." Utos ko ulit at binalik ang pagbabasa.
"Woah~ Malabundok ang damit niyo hah! Ilang linggo kayo hindi naglaba." Manghang sabi niya. "Tsaka bakit niyo pa lalabhan toh kung hindi niyo na gagamitin?" Tanong niya.
"Nagtitipid kami. Ayoko yung gastos ng gastos. Kahit mayaman tayo kailangan nating magtipid. Eh paano kung humirap ang buhay natin? Kaya habang hindi pa tayo naghihirap, kailangan alam natin ang salitang tipid." Seryoso kong paliwanag.
"Akala ko kagaya ka rin ng ibang mayayaman na kahit isang gamit pa alang nila sa isang damit, tapon agad. Tsaka alam mo rin ang salitang tipid. Saan mo yan natutunan?" Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Kay Eomma I mean kay Mama." Sagot ko.
"Alam ko naman yung Eomma eh, diba Mama yun?" Napatingin ako sa kanya.
"Kasasabi ko lang."
"Hehehe." Napakamot siya sa ulo.
Binaba ko ang magazine na binabasa ko. "Teka nga. Bakit mo ako kinakausap? Diba dapat nagsisimula ka ng maglaba ng damit? Hala sige LABA!" Sinigawan ko siya kaya napatakbo siya.
Tumawa ako at napailing iling. Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. At napawoah na lang ako dahil sa nakita ko. Woah...Ang linis ng kusina. Ang galing niya talaga maglinis. Alam ko ang future job niya. Magiging Janitor siya.
"Tapos na rin Baby Lei!" Nagulat ako sa sumigaw kaya nadura ko ang tubig na nasa bibig ko. "Hala!"
Napamulat ako at bumungad sa harap ko ang mukha ni Kerwin na basa. Naalala ko na lang na nadura ko nga pala yung tubig at sa kanya napunta. Mabilis akong kumuha ng towel at pinunas sa mukha ni Kerwin.
"Salamat." Nakangising sabi niya.
Napalayo naman ang kamay ko sa mukha niya. Pero nagulat na lang ako ng hinila niya iyon at pinunas ang hawak kong towel sa mukha niya.
"A-ano ba?!" Nauutal kong sambit.
"Ay sorry. Sinasadya." Bulong niya.
Pinalo ko siya gamit ang towel na hawak ko.
"Nagsorry ka tapos sinasadya mo? Ang gulo mo! Yung banyo naman linisin mo." Kumunot ang noo niya.
"Kanina mo pa yun pinautos. Tsaka tapos ko na yun linisin." Aniya.
"Ay! Tapos mo na pala. Eh ano na lang hindi mo pa nalilinisan?" Tanong ko.
"Yung sarili ko." Nakangisi niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
FanfictionSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...