Married To A Sasaeng Fan
Chapter 21
Patawarin
Franzine's POV
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Kerwin.
"Bakit Lei?" Nag aalala niyang tanong.
"Uuwi na ako." Pilit akong ngumiti.
"No. Don't stress yourself. You should get rest. Bukas ka na lang muna umuwi ako ang maghahatid sayo."
Umiling iling ako. "I can drive by myself. You don't have to drive me."
"But Lei--" I raised my index finger shut him.
"No Kerwin. Huwag na tayong magenglish dito. Baka masapak lang kita kapag ipinagpilit mo ang gusto mo. Kaya please...Uuwi na ako ngayon din, huwag mo na akong ihatid dahil may kotse ako at kaya kong magdrive mag isa. Got it?" Tumango siya.
"Pero ihahatid na lang kita jan sa labasan o sa airport kung doon ka didiretso." Sabi niya.
"Okay. Maligo ka na! Nangangamoy ka na." Sabi ko at nagkunyaring nandidiri sa amoy niya.
Inamoy naman niya ang sarili niya. "Kakaligo ko lang kanina. Baka ipaamoy ko pa sa iyo itong kili kili ko." Aaambahin niya na sana na ipaamoy sa akin yung kili kili niya ng umiwas ako.
"Kadiri ka Kerwin!" Pinalo ko siya ng bag ko.
"Nagdeodorant na ako. Amuyin mo na para malaman mong naligo na ako." Aniya.
"Oo na naligo ka na!" Sigaw ko para hindi na niya ipaamoy.
"Eh bakit ayaw mo pa rin amuyin?" Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Oh my Gosh! Kerwin huwag na kasi!" Tumakbo na ako pababa para hindi niya ako maabutan.
Sinundan naman niya ako. Nagmadali akong pumasok sa kusina. Habol habol niya pa rin ako. Pinagbabato ko naman siya ng tissue. Iwas lang siya ng iwas. Hanggang umabot na kami sa garden. May pintuan doon sa kusina para nakapasok ka sa garden namin.
Malamaze ang garden namin kaya tago dito, tago doon. Nang parang naligaw ko na siya, umupo muna ako at tinakpan ang aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Pigil hininga ako ngayon.
"Lei! Baby Lei!" Sigaw niya na nagpakaba sa akin.
Hindi ko na narinig ang tawag niya sa pangalan ko. Nakahinga ako ng maluwa--
"Tago pa..." Bulong niya.
Bigla niya akong niyakap nang patakbo na sana ako.
"Kerwin! Bitawan mo ako. Sinabi ko na ngang mabango ka na at nakaligo na." I pouted.
"Wala ka namang sinabing mabango ako. Tsk! Itong parusa mo."
Tinaas niya ang isang braso niya para mapakita ang kili kili niya. Itatapat na sana niya sa akin ng may bumisina sa may Garage.
"May tao."
Sabay kaming pumunta doon. Ang tagal pa namin nakalabas dun kasi nga ang daming pasikot sikot. Nakarating naman kami doon at bumungad sa amin ang kotse ni Unnie. Lumabas na siya sa kotse niya.
"Zine..." Tinanggal niya ang shades niya.
"What are you doing here Unnie?" Tanong ko.
"Let's talk, Two of us only." Seryoso ang tono ng pagkasabi niya.
Tumango ako at sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa may tagong lugar. Importante yata ang sasabihin ni Unnie sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/98669266-288-k801930.jpg)
BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
FanfictionSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...