Married To A Sasaeng Fan
Chapter 10
Sunog
Kerwin's POV
Kanina pa ako tawag ng tawag kay Franzine pero ring lang ng ring. Shit! Kelan niya ba toh sasagutin.
"Kunin niyo na yung mga gamit na importante bago pa masunog ang mga bahay niyo!" Sigaw ni Aleng Mema.
"Shit!" Mura ko.
Tinago ko muna ang cellphone ko dahil kailangan kong tumulong sa kanila. Tumakbo na ako papunta sa mga bahay nila at tinulungan.
"Iho! Huwag mo na kami tulungan. Yung gamit mo na lang ang kunin mo dahil masusunog na yun." Pigil sa akin ni Manong Berting.
Binitawan ko na yung gamit na akma ko ng kukunin dahil pinigilan nila ako. Tumakbo na lang din ako sa apartment ko gaya ng sabi nila. Kinuha ko na yung mga gamit na kayang ilabas ng mabilis. Lalong lalo na yung family picture ng pamilya ko at yung damit na bigay sa akin ni Inay at Itay.
Napaupo na ako sa lupa dahil sa pagod. Wala na akong masyadong naabutang gamit sa loob dahil lalo ng lumaki yung sunog. Kinuha ko na ang cellphone ko at muling tinawagan si Franzine. Siya lang ang makakatulong sa akin. Siya lang ang kaibigan ko. Nakakaisang tawag palang ako nang sagutin na niya ito.
"He--"
(Kung sino ka man. Istorbo ka sa tulog ko!)
"Franzine! Tulong!"
(Sino ka ba?)
"Si Kerwin toh. Kailangan ko ng tulong mo. Please help me Franzine..."
(Teka ano ba nangyari?!)
"Nasunog yu--"
End Call.
Tangina! Bakit ngayon pa ako nawalan ng load?! Paano ko masasabi kung saan yung bahay ko?! Tangina talaga! Ang malas ko ngayon.
Tumayo na ako at sabay kinuha ang mga gamit na nakuha ko. Pumunta ako sa malapit na tindahan. Buti pa tong tindahan ni Pareng Tanny buhay pa. Nagpaload na ako para matext ko na si Franzine para matulungan niya ako. Alam kong nandito na sila sa Manila. Nauna akong umuwi kesa sa kanila.
From: Baby Lei
Malapit na ako jan. Ingat ka jan. ^-^
Napangiti ako sa text niya. Magtatype na sana ako nang may biglang sumigaw na tinatawag ang pangalan ko.
"Kerwin!" Napaangat ako ng tingin.
Nung nakita niya ako lumapit siya ng patakbo. Napatayo ako at napatakbo din papunta sa kanya. Nang magkasalubong na kami tumigil siya sa harapan ko gayundin ako.
Nagulat ako sa paghawak niya sa pisngi ko. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong niya.
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. "Hindi ako nasaktan. Pero hindi ako okay." Ngumiti ako.
Lalong nag alala yung mukha niya. "Bakit?" Tanong niya.
"Wala na akong matitirhan." Malungkot kong sagot.
"Nasunog na talaga?" Tumango ako. "Halika may pupuntahan tayo. Kunin mo na gamit mo."
Hinila niya na ako ng makuha ko na yung gamit ko. Sumakay kami sa taxi na naghihintay kanina pa.
BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
FanfictionSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...