Special Chapter 《thank you for reading》

89 5 0
                                    

Married To A Sasaeng Fan

Jiyong's POV

Inilabas ko lahat yung iniwan ni Franzine. Ang una dun ay yung Band Aid. May sulat na kasama lahat ang mga iniwan niya.

Sa. Band Aid

Dear Jiyong,

Kung ikaw man ang nakakuha ng sulat na ito. Salamat sayo dahil nakilala kita. Sana makahanap ka na ng ibang manggagamot ng puso mong sugatan. Ibigay mo sa kanya itong Band Aid. Sa unang pagkikita niyo dapat ibigay. At siya na mismo maglalagay ng Band Aid sa puso mong sugatan.

Your Wife,
Franzine ^_^

Kinuha ko yung band aid. Ang tagal kong hindi nabasa toh. Sinunod ko naman yung Maid's Uniform.

Rang. Maid's Uniform

Dear Jiyong,

Sana ikaw ang nakakuha ng sulat na ito. Gusto ko lang sabihin sayo na salamat dito sa binigay mong Pangmaid na damit. Ibigay mo rin ito sa babaeng mamahalin mo katulad ng ginawa mo sa akin. Pero huwag mo naman siyang pahirapan.

Your Wife,
Franzine ^_^

Itinaas ko yung damit. Ako ang bumili niyan sa kanya. Ang tagal ko kayang namili nito. Inabot pa ako ng isang oras para mabili ko lang ito. Ang dami kasing babaeng bumibili kaya hindi ako makasingit. Sinunod ko yung bote. Kinuha ko doon yung sulat sa loob.

Hae. Bottle

Dear Jiyong,

Natatandaan mo ba itong bote? Kung hindi. Ito kaya yung ininuman mo nung nagmall tayo kasama ang BIGBANG. Pasimple ko itong tinago nung naubos mo toh. Hindi ko nga hinugasan yung nguso nung bote eh. Tapos naalala ko hindi ka pala uminom sa bote nun dahil nagbaso ka. Hehehe. Sana nga pala huwag ka ng uminom ng alcohol. Sige ka, baka magkasakit niyan. Tsaka paano ka uuwi kung lasing ka. Kaya sana rin kung sino man yung babaeng mahal mo, sana naman hindi ka niya pabayaan magpakalasing.

Your Wife,
Franzine ^_^

Inilapag ko yung bote at sulat sa lamesa ko. Napasabunot ako. Try kong hindi uminom para sayo Franz. Ngumiti ako ng parang baliw. Sinunod ko naman yung Singsing.

Yo. Diamond Ring

Dear Jiyong,

Ito ang pinaka paborito kong nakuha galing sayo. Kasi ito yung pinakamahalaga. Naiiyak ako habang sinusulat ko ito. Kasi ang hirap iwan nitong bagay na ito. Sorry kung ibibigay ko lang sayo ito eh ang mahal mahal nito. Sana ibigay mo ito sa babaeng mamahalin ka ng higit sa pagmamahal ko sayo dati. Nakakatawa man aminin, ayoko talagang ibalik saiyo ito kaya lang baka isumbat mo pa. Tsaka yung pagbigay mo rin sa akin niyan ay Scripted. Sana gawin mo ang sinabi ko.

Your Wife,
Franzine ^_^

I look at the ring. Totoo nga siya. Mahal itong singsing. Binili ko pa toh galing South Korea. Ako mismo ang bumili nito. Ako ang namili. Akala ko nga nung una hindi mo magugustuhan. Pero nung nakita kitang naluha parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko. Sinabi ko na ayoko kita pakasalan. Matagal na kitang mahal pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sinunod ko yung Polaroid kasama yung picture.

Saranghaeyo Kwon Jiyong Oppa!

Yun yung nakasulat sa picture ko. Ang ganda ng pagkakuha niya. Nung kinuhaan niya ako nun, naramdaman ko yun kaya lumapit ako sa kanya. Pinagbigyan ko siyang yakapin ako pero nagulat ako nang halikan niya ako sa labi ko. Its just a second pero para sa akin ang tagal tagal ang paglapat ng labi niya. Parang nagslow motion. Pagkatapos siya hilahin nung dalawang guard nagwalk out ako nun. Nainis ako dahil hinila siya ng body guard. Dere deretso ang lakad ko kaya nagtaka ang mga kagrupo ko sa inasal ko. Akala siguro nila nagalit ako kay Franz kasi hinalikan niya ako pero hindi yun ang dahilan.

Married To A Sasaeng FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon