Married To A Sasaeng Fan
Epilogue
Concert Day
February 08, 20××
Malapit na yung concert ng BIGBANG excited na ko! Hihihi
"Zine!" Tili ni Unnie.
"Unnie!" Patakbo naman akong lumapit sa kanya sabay yakap.
"I miss you Zine..."
"I miss you too Unnie..."
Kumalas ako sa yakap.
"San ka ba nagpunta?" Tanong niya.
"Sa province ni Kerwin." Sagot ko.
"What?!" Nanlalaki mata niya sa gulat. "KAYO NA BA?!"
Binatukan ko siya. "Hindi noh! Magkaibigan lang kami."
"Aray naman! Makabatok ka naman." Aniya habang hinihilot ang ulo niya.
Napalinga linga ako. "Nasan si Eomma at Appa?"
"Pumunta ng Seoul."
Hay...Mukhang galit sila sa pag alis ko ng walang paalam.
"Galit ba sila sa akin?"
Umiling iling siya. "No Zine, nagtatampo lang sila sa pag alis mo ng walang paalam."
"Hay....Sige akyat muna ko, magpapahinga na ko."
Tumango siya at pinapasok na ko. Dumiretso na ko sa kwarto ko. Baba ng bag sabay talon sa kama. Titig sa kisame sabay pikit mata then boom concert na ng BIGBANG pero joke lang yun. February 6 pa lang ngayon kaya may isang araw pa bago magconcert day.
Hindi pala ko nakapag paalam kay Kerwin kanina. Tsk! Bigla kasing nag ayang umuwi si Jiyong. Nasa sakayan na kami nandun na rin ang sasakyan niya tapos mga gamit namin. Akala ko talaga nawawala na kami eh. Alam pala ni Jiyong daan dun.
Text ko kayo? O di kaya...Tawagan ko na lang?
Tawagan ko na nga lang.
Calling Kerwin...
(The number your are calling is busy at the moment please try your call later...)
Di sumasagot.
Tulog na nga lang ako. Nakakaantok ang byahe kanina pero pinilit kong dumilat maka usap lang si Jiyong. Hihihi ang harot ko. Makatulog na nga.
"Ohmygod Jiyong!" Napabangon ako bigla sa sigaw ni Unnie.
Pero ano daw? Jiyong? JIYONG?!
Nandito si Jiyong?! Ang aga naman! Di pa ko nakakaligo! Teka...babangon na nga para makapag ayos, para di naman ako mag mukhang baboy kapag bumaba ako para salubungin siya.
"Oh Zine! Gising ka na, ang aga mo magising ah. Ala-siyete pa lang ng umaga." Salubong ni Unnie sa akin.
"Ah-eh! Trip ko eh...Hehe."
"Nga pala...Nasa sala si Jiyong puntahan mo. Baka naman di mo pansinin yun. Mag usap na kayo ah." Aniya sabay akyat.
Di niya pa pala alam na nagkaayos na kami ni Jiyong.
"Aga mo naman Jiyong." Bungad ko.
Tumayo siya sabay yakap sa akin. "I miss you."
Kumalas ako pero nakapulupot pa yung braso niya sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
Married To A Sasaeng Fan
FanfictionSasaeng Fan means Die Hard Fan Isa lang akong babaeng umaasa na mapapansin ni BIAS. Akala ko habang buhay na lang akong humahabol sa kanya. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong maging Asawa niya at natupad nga iyon. Pangarap ko lang Dati si...
