(A/N : Si Blake nga po pala . Hehehe :'> Ankyot niya di'ba? *blush* XD )
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( Sam's POV )
Ang sakit-sakit naman.. Akalain mo yun, pde ka palang masawi sa pag-ibig for the second time around? Pero, bakit ganon, mahal ko naman siya, ah. Bakit ayaw niyang maniwala?
Heto ako ngayon, sumusunod-sunod sa kanya na parang aso. Mahal ko siya, eh. Tama lang naman siguro ako na ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya di'ba? Wala akong pakialam kung mukha na akong tanga. I'll do everything to win him back.
"Ace, please. Give me one more chance. I'll make it up to you. I promise." pagmamakaawa niya rito.
"Okay, I'll give you another chance." sabi nito sabay ngumiti ng nakakaloko. Napangiti siya.
"T-talaga? So, tayo na ulit?" Wala siyang pakialam sa mga naririnig niya mula sa paligid niya.
"How pathetic of her. She'll do everything to win Ace back."
"Wala ba siyang kahihiyan? Tapos niya lokohin si Ace, ngayon babalik-balikan niya? Hah!"
Tumango si Ace. Nayakap niya ito dahil sa sobrang saya. Pero bigla din itong kumalas sa pagkakayakap niya. "B-bakit?" tanong niya.
"Bawal mo akong lapitan kung hindi ko sasabihin. Bawal mo din akong yakapin." kaswal na paliwanag nito. Nagtaka siya.
"Bakit naman? Eh, di'ba boyfriend na naman ulit kita?"
"Oo, pero iyon ang kagustuhan ko kaya sundin mo!" Tumango na lang siya, gagawin niya lahat para makuha ulit ang tiwala nito.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( Blake's POV )
Makalipas ang ilang araw, hindi na niya kinaya ang pagpapahirap ni Ace kay Sam. Kaya kinomprota na niya ito pagkatapos ng klase.
"Pre, ano ba gusto mong ipalabas kay Sam, ha? Hindi mo ba nakikitang nahihirapan na yung tao? Babae parin yun, pre! Hindi ka man lang ba naawa ng ipabuhat mo ang mga libro mo? Damn! Ang bigat-bigat non!" Nagagalit na siya. Naawa na rin siya kay Sam. Kasalanan niya iyon, eh. Hindi niya kasi nakita noon kung gaano kamahal ni Sam ang bestfriend niya.
"Hah! Bakit hindi mo tinulungan? Naawa ka pala sa kanya? Di'ba ikaw na din nagsabi na niloloko lang niya ako? Well, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sayo. Salamat nga pala at nakita ko kung anong totoong siya."
"Hindi mo ba ako naiintindihan? Kaya ko nagawa iyon, eh dahil hindi ko nakita noon kung gaano ka kamahal ni Sam. Tapos ito lang ang ibabalik mo sa kanya?! Buti nga siya, pinaglaban ka. Eh, siya, pinaglaban mo man lang ba? Nanghusga ka kaagad na hindi ka talaga niya mahal. Bakit sino ka ba para malaman kung ano talaga ang totoo niyang damdamin para sayo, ha?!"
"Sinabi ko na naman noon sa kanya na hindi ako ang taong nararapat sa kanya! Kaya tama na iyon! Hindi ko sinabi sa kanyang ipaglaban niya ako. Wala na akong pakialam sa babaeng nanloko sa'kin." Sa sobrang galit, nasuntok niya ito. Hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya tumumba ito sa damuhan.
"Kung hindi mo siya kaya pahalagahan, ako ang papalit sa pwesto mo." sabi niya bago nilayasan ito.
( Sam's POV )
Kinausap siya ni Blake. Sabi nito huhulihin daw nito si Ace para paaminin na mahal pa talaga siya nito. Pumayag siya. Kaya nandoon siya sa likod ng posteng malapit sa lugar kung saan nag-uusap ang dalawa.
Pero hindi nagtagal hindi na niya kinakaya ang mga naririnig niya. Umiiyak na siya at hindi na makahinga. Pero bago pa siya umalis nakita na niya si Blake papunta sa lugar kung saan siya nakatago. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila paalis sa lugar na iyon.
Bago siya umalis, nilingon niya si Ace. Gulat na gulat ito. Hindi marahil inaasahan nito na nandoon siya habang nag-uusap ito at si Blake. Hinabol sila nito.
"S-Sam, makinig ka. Lahat ng narinig mo, hindi totoo iyon. Maniwala ka." paliwanag nito. Susuntukin sana ulit ito ni Blake pero pinigilan na niya ito.
"T-totoo nga sinasabi nila. Lumalaban ako ng akong mag-isa lang kahit alam kong dehado ako. Pero tama ka, sana hindi na lang kita pinaglaban. Pasensya na, ha. Tanga lang talaga kasi ako eh. Mahal kasi kita, eh." Ngumiti siya ng pilit at hinila na si Blake paalis.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Dinala siya ni Blake sa kotse nito. Wala silang imikan. Siya ang bumasag sa nakakabinging katahimikan.
"Salamat, ha?"
"Saan?" tanong nito.
"Sa lahat." Nginitian niya ito. Ngumiti din ito sa kanya.
"Yan, ngumiti ka palagi. Para hindi ka pumangit." He said as admiration crossed his eyes.
"Tse! Kung hindi ko lang alam, may gusto ka na sa'kin kaya lagi mo din ako inaasar noong alam mong pangit ang itsura ko."
"Hahahahahha!" Pinisil nito ang ilong niya.
"Tara na nga, kung anu-ano na pumapasok sa isip mo, eh." Nakangiting yaya nito. Inihatid na siya nito sa bahay niya. Alam na nito kung saan siya nakatira, tutal, kaibigan na din naman ang turing niya dito.
C O M M E N T A N D V O T E :o
YOU ARE READING
My Hypocrite Heart [COMPLETE]
RomanceI rather trust and regret than doubt and regret. - Samantha Cullen