( Ace's POV )
Yes! Naamin ko din! Hahahaha! Mabilis ba masyado? Hahaha, first day na first day of school, nanliligaw agad eh, noh? Well, I can't stop this feeling anymore. Kaya inamin ko na sa kanya nang makita ko siya sa cafeteria kanina. At hindi lang yun, ha. Pinagtanggol ko pa siya sa mga nang-aapi sa kanya. Gusto ko nga sana siya tanungin eh, kung bakit hinahayaan niya yung mga yun na i-bully siya. Kaso nakalimmutan niya ng marinig niya tong tumawa.
She laughed happily. Nagulat talaga siya nang bigla nalang tong tumawa. Pero sa halip na mainis, natuwa pa siya, kaya pinanuod na lang niya itong tumawa. Mukhang nakalimutan nitong kasama siya, dahil hindi to maawat. Nang maalala marahil nito na may kasama, lumingon ito sa kanya. Inaasahan na niya ang itatanong nito, kaya naghanda na siya. Hindi pa sana niya balak umamin, pero hindi na niya napigilan ang bibig niya.
Kaya, ayun! Viola! Nanliligaw na ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano nagustuhan ko sa kanya, pero hindi na mahalaga yun, basta ang alam ko, masaya ako kpaga kasama ko siya. Magiging masaya ang mga araw na susunod. :D
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( Sam's POV )
Pauwi na siya, pero bago siya dumiretso sa condominium niya, nag-CR muna siya sa fastfood chain kung saan naka-park ang motorsiklo niya. Binura na niya ang makapal na make-up niya, tinanggal na din niya ang mga props niyang nunal, pati ang fake na braces. Itinago na din niya ang malaking salamin. Binalik na niya sa lalagyan ang wig na suot-suot niya. Pagkatanggal non, bumagsak ang natural na kulot na buhok niya. Naghilamos siya para siguradong tanggal lahat ng make-up na nilagay niya sa mukha. Nagpalit na din siya ng T-shirt na white na may nakasulat na QUIT STARING at mayroong punit-punit na manggas. At pants na tinernuhan niya ng boots na may 2 inch heels. Pagkatapos mag-ayos, lumabas na siya ng CR.
Hindi niya pinansin ang mga humahangang matang nakasunod sa kanya ng tingin paglabas niya ng fastfood chain. Sinuot niya ang leather na jacket na dala-dala rin niya, at sumakay sa motorsiklo. Pinaandar na niya ang motorsiklo at nilisan ang lugar na iyon.
Nakauwi din, hayy. Pagod na siya, gusto na niyang magpahinga. Pahiga na siya ng tumunog ang cellphone niya. Open-number ang nakaregister na caller. Sinagot niya ang tawag.
"Hello?" Pagod na sagot niya.
"Hi, sweetheart. Miss me?" Malademonyong tumawa pa ito. Nanigas siya sa pagkakahiga.
"W-what do you want, Jake?" Ang ex niya ang caller. Hell! Bakit pa kailangan nitong tumawag? Ano bang gusto nitong palabasin? Nanginginig na ang boses niya.
"I just want to say, how are you. Is there something wrong?" Alam niyang sa kabila ng telepono, ay nakangisi ito ng malademonyo. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nio ipamukha sa kanya kung gaano na ito kasaya simula ng iwan siya.
"Nagbago ka na ba? Hindi ka na ba tila yelong hinahalikan ko noon?" Dagdag pa nito.
"Shit ka, Jake!! Ano ba gusto mong palabasin, ha? Na frigid ako, ganon ba?! Well, I'm sorry to disappoint you, sweetheart. Akala ko kasi kaya mong maghintay kung kelan ready na ko. Aba, malay ko bang ang kailangan mo pala ay isang call girl. Sana sinabi mo nung una pa lang, marami pa naman akong i-re-require sayo." Sarkastikong sabi niya at saka ito binabaan ng telepono.
Iyon ang masakit na dahilan, kung bakit siya iniwan ni Jake. Napaka-frigid daw niya. Hindi niya daw maibigay ang simpleng kailangan nito. Damn! Wala siyang kwentang lalaki! Bakit siya pa kasi ang napili ng puso niya, eh? Bakit?!!! Sana iba na lang. Sana hindi na lang siya. Umiiyak siya ng di niya namalayang nakatulog na pala siya.
C O M M E N T A N D V O T E ^3^
YOU ARE READING
My Hypocrite Heart [COMPLETE]
RomanceI rather trust and regret than doubt and regret. - Samantha Cullen