( Sam's POV )
As usual, ganon na naman itsura niya. Pero, infairness, mukhang tumalab yung banta ni Ace sa mga estudyante dun. Ilag sa kanya ang lahat, well, kahit si Divine. Haayy, naalala na naman niya. Namumugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kagabi. Buti na lang walang pakialam sa kanya ang mga tao dun. May tumawag sa kanya, kaya lumingon siya.
Nakita niya si Ace tumatakbo papalapit sa kanya.
"Ahmm.. Hi!" Nakangiting bati nito.
"Hello."
"Sabay tayo mag-lunch mamaya, ha? Ano nga pala oras ang break time mo?" tanong nito.
"Okay, mga 10:45."
"Ahh, uhmm. Sam? Pwede ko bang makuha cellphone number mo?" Nahihiyang tanong nito.
She chuckled. "0917337****, hehe."
"Thanks!" He gave her a quick kiss in her right cheek. Nagulat siya. Kumabog ang dibdib niya. Buti na lang nag-bell na kaya bigla siyang natauhan.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( Blake's POV )
"Pre, seryoso ka na ba talaga kay Sam?" nananantiyang tanong niya.
"Oo, pre. Sa tingin ko mahal ko na talaga siya." Nakangiting sabi nito. Napabuntong-hininga na lang siya.
Ayaw niya lang masakta ang bestfriend niya, dahil minsan lang to magmahal. Hahahaha! Shit! Mukha akong bading sa ginagawa kong ito eh. XD
"Hoy, pre! Una na ko. Susunduin ko pa si Sam, eh." Paalam nito. Tumango na lang siya.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( Sam's POV )
Tapos na kami mag-lunch ni Ace. Dinala niya ko sa greenhouse ng UOPX .
"Hintayin mo ko, ha? Saglit lang may kukunin lang ako." Paalam nito. Tumango na lang siya.
Pagbalik nito may dala-dala na itong 3 rosas.
"Ah, eh.. Para sayo." Nakangiting inabot niya ang 3 rosas.
"Salamat." Natapos ang araw na yun na masayang-masaya siya. (=^o^=)
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Ganon na palagi ang routine nilang dalawa. Araw-araw silang magkasama. Hanggang isang araw, balak na niya itong sagutin. Kinausap niya ito pagkatapos ng klase nilang dalawa.
"Ahm.. Ace?" Kinakabahan siya. XD
"Hmm... ano nga pala yung sasabihin mo?"
"Sinasagot na kita." Malapad ang ngiting binigay niya dito. Gulat na gulat to.
O_O
"T-talaga?!"
"Oo." Hahaha, natatawa ako sa reaction niya. Pero infairness ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa guat ko, hinalikan niya ko sa lips. Matagal. I kissed him back. Pero hindi din nagtagal yun, dahil sumigaw siya.
"Yeeeeeeeesssssss!! Sinagot na niya ko!! Girlfriend ko na siya!!!! Woooooohhhhh!!" Natutuwa siya, dahil sila na ding dalawa, at sa kaalamang naka-move on na din siya. Siguro panahon na para sabihin na niya dito ang totoo. Kung sino talaga siya. Maiintindihan naman siguro siya nito kung bakit niya nagawa iyon, di'ba?
Aamin na sana siya, nang biglang magpakita si Blake. Nawala ang ngiti niya. Hindi niya alam, pero halatang may galit ito sa kanya. Binalita ni Ace dito na sila na. Hindi pa rin umaalis ang tingin nito sa kanya. Sinubukan niyang salubungin ang mga titig nito pero hindi siya nagtagumpay. Siya din ang unang bumawi ng tingin.
"Pre, kami na ni Sam!" Masayang-masayang balita ni Ace. Hinila siya nito papalapit dito tsaka siya hinalikan sa noo.
"Congrats." Labas sa ilong bati ni Blake.
"Oh, bakit ka nga pala nandito? May sasabihin ka ba?" Ace.
"Pauwi na sana ako ng maalala kong hihiramin ko nga pala yung notes na sinulat natin kanina kay Mr. Calupang." paliwanag nito.
"Ahh, teka kukunin ko." Umalis ito at naiwan silang dalawa ni Blake.
"So, sinagot mo na pala yung kaibigan ko." saad nito. Tumango lang siya.
"Don't get me wrong, Miss Cullen. Pero alam kong may tinatago kang sikreto. Malalaman at malalaman ko din iyan. At tapos na ang maliligayang araw mo." Bigla siyang napalingon dito ng marinig ang sinabi nito.
Alam niya!! Pero paano? Bago pa siya makapagtanong, bumalik na si Ace.
Inakbayan siya nito. "Oh, eto." Inabot nito ang notebook kay Blake.
"Sige, salamat." Umalis na rin to, sa wakas. Hindi niya namalayang pinipigilan pala niya ang hininga niya. Kailangan na talaga niyang aminin kay Ace ang totoo bago pa siya maunahan ni Blake.
C O M M E N T A N D V O T E ^w^
![](https://img.wattpad.com/cover/1122630-288-k493431.jpg)
YOU ARE READING
My Hypocrite Heart [COMPLETE]
RomanceI rather trust and regret than doubt and regret. - Samantha Cullen