(A/N : Woooooooooooooooooooooooow! 101 na ang nagbasa ng MHH. Thank you for all your support sa aking novel. *clap clap* Hehehe, Im soooooooo happeee. ^_______^ Sana dumami pa ang mga mag-read ng MHH. I love you all, guys! *hugs* Promise ko to, magpapa-FIESTA ako kapag umabot ng 100,000 ang mga nag-read nito. Hahahaha, assuming lang. Malay niyo naman di'ba? Hihihihi, thank you uleet sa inyo! :) *sabog confetti* XD :P )
(A/N : Hi po Ate Ana and Ate Lee. Para po sa inyo ito. Sana po magustuhan niyo. Hehehe, ang ganda po kasi ng story niyo, eh. :D )
(A/N : Meet Vino. >///< ankyot niya di'ba? Hohoho. Na-adik kasi ako sa Crazy Little Thing Called Love, eh. :P )
- - - - - - - - - - - - - >
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( Sam's POV )
Hinatid na niya si Thalia sa bahay nito, kahit ang sabi nito ibaba na lang niya ito sa kanto kung saan may sakayan ng taxi. Itinuro lang nito ang daan hanggang sa makarating na sila sa pupuntahan.
"Ate, diyan na lang po ako." sabi nito.
"Mukhang familiar itong bahay na ito ha." Tiningnan oa niya ang bahay ngunit hindi niya maalala kung kelan niya ito nakita.
"Talaga, Ate? Baka kilala mo ang Kuya?" tanong nito.
"Sino ba ang Kuya mo?"
"Si Kuya Bla----" nahinto ito sa pagsasalita ng may tumawag dito.
"Thalia, sino ba kausap mo diyan, ha? Yan ba yung boyfriend mo?" tanong ng lalaki sa loob. Kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon!
Pero bago pa siya makaalis sa lugar na iyon, bigla na lang lumabas si Blake. Nagulat ito pagkakita nito sa kanya. Argh! Bakit niya nakalimutan na ito nga pala ang bahay nila Blake! Kaya pala familiar ang bahay. Waah, ang tanga niya. >.<
"S-Sam? Ano ginagawa mo dito?" tanong nito, kapagkuwan ngumiti.
"Ah, eh --- " Nahinto siya sa pagsasalita ng biglang nagsalita sa Thalia.
"Kuya, alam mo bang niligtas ako ni Ate Sam sa dalawang panget na pinag-tri-tripan ako?" Lumipat ang tingin ni Blake sa kapatid nito.
"What do you mean?" tanong ni Blake sa kapatid.
"May nangtrip kasi sa akin bigla sa parking lot habang hinihintay kita doon, Kuya. Buti na lang dumating si ate nang akmang sasaktan na ako nung isa dahil napikon ata sa sinabi ko. Then, ayun. Binugbog ni Ate Sam. Grabe, Kuya! Ang galing ni Ate. Taob ang dalawang kalaban sa isang iglap lang. Ang cool nga tingnan ni Ate, eh. Kung lalaki lang ako, malamang na in love na ako sa kanya. Hehehe. Hindi ko alam Kuya na kilala mo pala siya." paliwanag ni Thalia kay Blake.
"Argh! Na-gi-guilty naman ako dahil mukhang ako pa ang may kasalanan kung sakaling sinaktan ka nila. Tumawag ka ba ng pulis?" halatang galit na si Blake. Nakita niyang ikinuyom nito ang mga kamay.
"Hindi ko na ipinapulis, dahil mukhang hindi na uulit ang mga iyon." sabad niya.
"Ano?! Paano ka naman nakakasiguro? Paano kung balikan ng mga yun ang kapatid ko, ha?!" sa kanya nito naibuhos ang galit.
YOU ARE READING
My Hypocrite Heart [COMPLETE]
RomansaI rather trust and regret than doubt and regret. - Samantha Cullen