( A/N : Eto muna. Hohohoho, wala ako maisip eh. Sana magustuhan niyo, lalo ka na Fudgiee Sister ko. > v < )
( Sam's POV )
"Alien, bilisan mo. Baka naiinip na sila." sabi niya kay Blake.
(_ __") < - - - - - Siya.
"Eto na po." hila-hila niya ito papunta kung saan nakapark ang motor niya. "Dito tayo sasakay? Sa kotse ko na lang tayo."
"Wag na, mas mabilis kapag dito, okay? Tsaka baka hindi natin sila maabutan, sige ka."
"Eh, sino ba talaga kasing 'sila' yan? Kanina ko pa naririnig yan."
"Hmm. Secreeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeett. Bleeh. Sakay na." Umangkas na ito sa likod niya. Pinaandar na niya ito. Papunta sila ngayon sa airport.
Hulaan niyo kung sino pupuntahan namin don. >:P
( Blake's POV )
"Bakit nasa airport tayo?" nagtatakang tanong niya dito. Nandito kasi sila sa airport.
"Maya ka na magtanong. Pasok na lang tayo." Hinila siya nito papasok. Pumunta sila kung saan nakalagay ung mga baggages. May nakita silang mag-asawa na kakakuha lang ng mga bagahe nila. Lumapit sila doon.
"Pa! Ma!" Lumapit ito sa tinawag nitong papa at mama. Teka...
O________________O
Papa?? Mama??
"Blake, si papa't mama nga pala." Baling sa kanya ni Sam. "Pa. Ma, si Blake nga po pala. Boyfriend ko po." Binati niya ang parents ni Sam.
"H-hello po. Goodafternoon po." Shit! Kinakabahan siya. Tumango lang ang parents ni Sam.
"Hija, ngayon pa lang makipag-break ka na sa kanya." Nagulat sila pareho sa sinabi ng papa nito.
O o O < - - - - - Sila ni Sam.
"Ho?" sabay nilang tanong.
"Makipag-break ka na sa boyfriend mo. Dahil ipapakasal kita sa anak ng ninong mo."
Pilit tumawa si Sam. "Pa, it's now a good joke. Hindi na po uso arrange marriage ngayon."
"Pasensiya na po sa pagsabat, pero mahal ko po ang anak niyo. Hindi ko po siya sasaktan. Ipaglalaban ko ho siya kahit anong mangyari." matatag na sabi niya.
"Pwes, patunayan mo, hijo. Pero hindi na magbabago ang isip ko. Ipapakasal ko na si Sam sa anak ng ninong niya."
Is this the end?
"Pa, don't let me start hating you. Ma, help me, please."
"I'm sorry, hija. Ilang beses ko na kinausap ang papa mo. Pero hindi pa rin nagbabago ang isip niya." Sa sobrang frustation, iniwan sila doon ni Sam. Sumakay ito sa motor nito.
"Saam!" Susundan niya sana ito ng pigilan siya ng papa nito.
"Wag mo na siyang sundan. Kung ako sayo, lalayuan ko na siya bago pa mahuli ang lahat. Ikaw din ang kawawa dito, hijo." balewalang sabi ng papa nito.
"I don't know what you are up to, Sir. Pero hindi ho ako ganun kadaling sumuko. Lahat gagawin ko para kay Sam. Tandaan niyo ho yan. Sige ho, mauuna na ako."
Anubayaaaan! Nakalimutan kong wala nga pala akong dalang sasakyan. (_ __")
Bahala na. Basta hahanapin na lang niya ito.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( Sam's POV )
Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Basta ang alam niya lang, gusto niyang magpakalayo sa lahat. Lalong-lalo na sa Papa niya.
How dare him to manipulate her life? Oo, inaamin kong hindi ko ganun kasundo ang papa ko, pero sapat na bang dahilan iyon para manipulahin niya ang buhay ko? I don't want to hate him. Pero ito na mismo ang gumagawa ng paraan para kamuhian ko siya.
Huminto siya sa lugar kung saan walang masyadong tao. Bumaba siya sa motor at sumandal sa pader doon. Napaupo na siya sa sbrong frustations. Okay na lahat, eh. Bakit?? Bakit?!
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal doon na umiiyak hanggang sa maramdaman niyang may humawak sa balikat niya. Tumingala siya para tingnan kung sino iyon. Nakita niya si Blake.
Niyakap niya ito. Napansin niyang hinihingal pa ito.
"Hush, don't cry. Malalagpasan din natin ito, okay? Ipaglalaban kita. Hindi kita iiwan." sabi nito habang magkayakap sila.
"Wag mo kong iiwan, ha. Mahal na mahal kita." sabi niya dito sa pagitan ng iyak.
"Mahal na mahal din kita." Hinalikan siya nito sa noo.
Ilang oras din silang nakaganun ng yayain na siya nitong umalis doon.
"Tara, hatid na kita. Gabi na, oh." Dun lang niyang napansing gabi na pala. Tumango na lang siya.Napakabilis ng oras. Pero, kapag kasama niya si Blake, it seemed everything is perfect. Wala siyang inaalala.
Doon lang din niyang napansin na dala nito ang kotse nito.
"Sakay na. Ako na bahala sa motor mo."
Tahimik lang sila habang nagmamaneho ito. Sa wakas, nasa condominium ko na sila.
"Sige, una na ko." paalam ni Blake. Hinawakan niya ang kamay nito.
"P-pwede bang d-dito ka muna? Kahit n-ngayon lang."
"Okay." Hinatid na siya nito sa kwarto niya. Magkatabi silang natulog.
Sana hindi na matapos ang gabing ito.
( Blake's POV )
Mahimbing na natutulog si Sam. Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Kailangan muna niyang umalis.
"Mahal na mahal kita, Sam." Hinalikan niya ito sa noo. Papalabas na siya ng kwarto nito ng magsalita ito.
"B-blake, wag mo k-kong iwan. M-mahal na mahal kita." Nilingon niya ito. Tulog pa rin ito.
"Babalikan kita, Sam. Pangako." At umalis na siya doon. Bago pa magbago ang isip niya.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
( A/N : Ano na kaya mangyayari sa love story nila Sam and Blake? And san pupunta si Blake?? :O Ano ibig sabihin niyang 'babalikan kita' ?? Hahahaha, Find Out Soon. > v < )
C O M M E N T A N D V O T E :3
YOU ARE READING
My Hypocrite Heart [COMPLETE]
RomanceI rather trust and regret than doubt and regret. - Samantha Cullen