Chapter Eight : Is this the end? :'(

649 24 1
                                    

( Blake's POV )



Hindi na siya nagdalawang-isip pa, tianawagan agad niya si Ace.

Ring ..

Ring ..

Ring ..



"Hello?"


"Pre, may sasabihin ako, nandito ako sa harap ng Hard Rock Bar, importante lang." Pagkatapos sabihin ang kailangan niya, binaba na niya ang telepono.

( Ace's POV )

Tatawagan na sana niya si Sam, ng biglang tumawag si Blake. Pinapapunta siya nito sa Hard Rock Bar. Ng makapagbihis pumunta agad siya sa sinabi nitong lugar. Nakita niya itong nakasandal sa kotse nito.

"Oh, pre?" tanong niya.

"May sasabihin sana ako sayo tungkol kay Sam." 

Kinabahan siya. "A-ano nangyari kay Sam?"

"Walang nangyaring masama kay Sam. Gusto ko lang sabihin sayo na nagpapanggap lang siya na panget!"

"Teka, anong sabi mo? Nagpapatawa ka ba? Anong nagpapanggap na panget, eh wala namang gustong maging panget ang itsura nila, ah. Tapos sasabihin mong nagpapanggap lang siya?" Tiningnan niya ito. Hindi naman ito mukhang lasing.

"Pre, nagsasabi ako ng totoo. Niloloko ka lang niya!" giit pa nito.

"Pwede ba, pre. Kung balak mo lang sirain kaming dalawa, hindi ka magtatagumpay." Lalayasan na niya ito ng magsalita ulit ito.

"Bakit hindi mo kaya siya tanungin?" Hamon nito sa kanya.

"Bukas na bukas, papakita ko sayong nagkakamali ka." Umalis na siya sa lugar na iyon.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

( Sam's POV )

Kinakabahan siya. Paano naman kasi, tumawag sa kanya si Ace kagabi. Halatang seryoso ito ng tumawag ito sa kanya. Naaalala pa niya ang pag-uusap nila kagabi.

"Hi, sweetheart." bati niya kay Ace ng sagutin niya ang tawag nito.

"Pwede ba tayong mag-usap bukas, pagkatapos ng klase mo?" tanong nito.

"Sure, tungkol saan?"

"Malalaman mo bukas." sabi nito. Parang iba ang pakikipag-usap nito sa kanya, dati ang lambing-lambing nito kahit tumatawag lang ito.

"May problema ba?" Kinakabahan na siya.

"Wala, sige. Bye."

"Bye. I love yo---- " Nababa na nito ang telepono bago pa siya makapagpaalam ng maayos.




Sinabi niya iyon sa ate niya, pero ang sabi lang ng ate niya, baka daw may kaunting problema lang daw. Pero hindi niya talaga maiwasang kabahan. May kutob siyang may mangyayaring 'di maganda.

Hinintay niyang matapos ang klase niya. Gustong-gusto na niya hilahin ang oras para makita na si Ace. Waaahhh! Hindi na niya keri to! Sa wakas, tapos na ang huli niyang klase. Pumunta kaagad siya sa greenhouse, kung saan sila magkikita. Hindi pa man siya tuluyang nakakarating doon, nakita na niya ito.

Nginitian niya to kahit hindi na niya alam ang gagawin niya. "Hi, sweetheart."

Tumango lang ito. "May gusto sana akong itanong sayo. Sana sabihin mo sa'kin ang totoo. Totoo bang nagpapanggap ka lang na ganyan ang itsura mo?" Walang kagatul-gatol na tanong nito.

Nagulat siya. O_O

Paano niya nalaman? 

"So, it's true, eh? Bakit hindi mo ipakita sa'kin ang tunay mong itsura?" nang-uuyam na tanong nito.

Pinakita niya kung ano talaga ang itsura niya. Nakita niyang nagulat ito.

"Sweetheart, balak ko na naman talagang aminin ang totoo sayo, eh. Hindi ko alam kung sinong Poncio Pilatong nanguna sa'kin." Paliwanag niya.

"Don't call me that endearment. It sucks!" galit na sabi nito. Nasaktan siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin kaagad? Ano ba gusto mong ipalabas sa pagpapanggap mo?! Hmp! Sigurpo pati iyang pagsasabi mo sa'kin na mahal mo ko, ay pawang pagpapanggap lang din." Tiningnan siya nito sa paraan na parang may nakakahawa siyang sakit.

"Totoong mahal kita, Ace! Hindi mo naiintindihan. Kaya ko lang naman nagawa iyon dahil iniwan ako ng ex ko! Nasaktan ako ng sobra, kaya pinapapanget ko ang itsura ko. Kasi naisip ko lahat siguro ng mga nagkakagusto sa'kin, itsura ko lang ang gusto. Kaya ko nagawa yun. Kaya nagustuhan kita kasi ikaw ang kaisa-isahang lalaking minahal ako ng hindi dahil sa itsura ko. Please, naiintindihan mo naman ako di'ba?" Umiiyak na siya.

"Hmmm.. I guess you didn't love me at all. Maybe, you like me but not love me. Siguro nagustuhan mo lang ako dahil ako ang kaisa-isang lalaking minahal ka ng hindi dahil sa itsura mo. How pathetic, eh? But you know what really hurts? Marealize ko na lang na hindi mo ko mahal as a inlove woman does." Naiiyak na rin ito.

"B-but Ace, I really do love you. Why can't you believe me? Ganyan ba kaliit ang pagmamahal mo sa'kin?Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng chance?" Nagmamakaawa na siya. Kung sasabihin nitong lumuhod siya, gagawin niya.

Umiling ito. "I'm not the right man for you, Sam. Always take care." He kissed her. Maybe, that is the last time she would see him.

Napaupo siya sa damuhan habang umiiyak. Matagal-tagal na rin siyang nakaupo doon ng may humawak sa magkabilang balikat niya.

"Ace?" nag-angat siya ng mukha, para lang malaman na hindi iyon ang taong inaasahan niya.

"B-Blake?" Napaiyak na naman siya. Tinayo siya nito at niyakap. She hugged him back.

"Im so sorry. Hindi ko alam. Sana di' ko na lang sinabi sa kanya. Sana hinintay ko na lang na ikaw na ang magsabi sa kanya. Im very sorry, Sam. Sana mapatawad mo ako."

Napatigil siya sa pag-iyak. "I-ikaw ang nagsabi kay A-Ace?!"

Tumango ito. Pinaghahampas niya ito. "Bakit, bakit mo ko pinangunahan?!! W-wala naa.. tapos na sa'min ang lahat.. kasalanan mo tong lahat.. k-kasalan mo.." Tumigil siya sa paghampas dito ng mapagod siya.

Wala silang imikan, tumigil na rin siya sa pag-iyak. Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Tumakbo siya paalis ng lugar na iyon na durog na durog ang puso.

             C O M M E N T  A N D  V O T E  :3

My Hypocrite Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now