*Basketball Court*
"Woooooh! Go, babe! Kaya mo yan!!!! Goooo!" sigaw ko.
"Huy, teh! Maka sigaw ka naman! Mabingi yang boyfriend mo, nako. Matalo pa yan sa laban nila. Tsk." sabi ng bestfriend kong si Jamie sabay hampas sakin.
"Ano ka ba. Ganto talaga no. Nagpapaka supportive na girlfriend lang naman." sabi ko sakanya then smile.
"Edi ikaw na may ulirang girlfriend award." Sabi nya sabay tawa.
Haaay. Kalokohan talaga nitong bestfriend ko. Masama bang maging proud na girlfriend? HAHA. Sweet kaya. :''>
By the way, kanina pa ko sigaw ng sigaw dito, di pa pala ko nagpapakilala. Ako si Cassandra Kate Mendoza. Kate, for short. An average teenager, and a solid supporter. :''>
Nandito kami ngayon ng bestfriend kong si Jamie sa court. May laban kasi yung school namin sa ibang school. Kaya eto ako, todo cheer sa varsity player na boyfriend ko. Meet, Troy Ocampo. Ang boyfriend kong halos makipag laban na ko ng wrestling para lang mailayo sa mga babaeng stalker nya. Haaay. Pero syempre in the end, ako parin ang only one nya. :)
Sa totoo lang, kinakabahan ako ngayon. Masama kasi pakiramdam ni Troy kanina kaya hindi rin maganda yung score. Nung first and second quarter, maganda pa yung scores pero nung third at fourth, medyo hindi. At ngayon, final na. Haaay. Lord, sana po manalo sila. :(((
Tumingin ako sa scoreboard.
80 : 78
Oh geez. Hindi talaga maganda to. Konti na lang. Malapit nang matapos yung oras.
This time, napasa kay Troy yung bola. Haay. Ang gwapo nya talaga lalo na pag seryoso sya. Ay. Erase. Focus, Kate. Last minute na. Shiz. Kelangan na nyang ma shoot yung bola. Lord, pleaseeeee.
10 - 9 - 8
Hindi pa rin sya makahanap ng tamang lugar para ma shoot yung bola.
7 - 6
Tatlo na nakaharang sakanya. Shiz. Kaya mo yan, Troy.
5 - 4
Eto na. Wala nang choice. Kelangan na nyang i shoot yung bola. Halos lahat ng naglalaro at nanunuod, sakanya na nakatingin at umaasa. Babe, kaya mo yan.
3 ----

BINABASA MO ANG
My secret l♥ver.
Teen FictionBakit nga ba halos lahat ng bidang babae sa isang story.. e mas naiinlove sa mga character na badboy kahit meron namang goodboy? Hmm. Bakit nga ba? :3 Read this story and know why. :)