"Ah babe. May practice pala kami ngayon. Di kita mahahatid pauwi." Sabi ni Troy habang nakatingin sa cellphone nya.
"Ha? Okay lang. Kaya ko naman. Sige, alis nako." I smiled at him.
"Sige. Ingat ka." sabay kiss sa forehead ko.
"Bye, lola." He giggled.
"Lola mo mukha mo. Hmf. Sige na, bye na."
Medyo malayo na ko sa school nang biglang nag vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone sabay sagot.
"Babe?"
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Wala lang. Ingat ka. Imissyou."
Takte naman oh. Bat ang sweet ng boyfriend ko?
"Tss. Kaw talaga. Opo. Missyoutoo."
"Ah, Babe, bukas pala--- *toot* toot* toot*"
Nagulat ako ng may biglang umagaw ng cellphone ko. Pagtingin ko.. oh shiz. Ano bang problema ng lalaking to?
"Ano bang problema mo?!" Sinigawan ko sya.
"Ikaw." sabay ngiti.
"Alam mo wala akong panahon makipag biruan sayo. Ibalik mo na yung cellphone ko bago pa kita isumbong sa pulis. Magnanakaw!"
"Ingay mo talaga. Halika na." Sabay hila nya sakin. Wow. Ang kapal talaga ng mukha eh. Ano to? Instant boyfriend? Tibay!
"San mo ba ko dadalin ha? Di nga kita kilala eh."
"Sa bahay natin."
Napatigil ako. Bahay.... natin? Biglang may nag flashback sakin..
"Oo. May anak din kasi sya eh. Pero wag ka mag alala, wala na rin syang asawa. Tsaka mabait naman yung anak nya kaya magkaka sundo kayo nun."
A-anak? D-don't tell me....
Humarap ako sakanya.
"Ikaw?!"
"Yes, my beautiful sister." He smiled.
Waaaaaaah! Bat gantoooo?! Malas ko! Sa dami ng pwedeng maging step brother bakit 'tong mayabang na to pa? Lord. May nagawa po ba kong mali? Anong parusa to? Huhuhu. T.T
Ilang minuto lang, nakarating na kami sa bahay. Syempre masama loob ko. Kung pwede lang sana palitan yung magiging step brother ko eh. Pero pagpasok ko sa bahay, nakita ko si papa kasama ng isang babae. Sya na siguro yung sinasabi ni papa. Hmm. Maganda nga. Tsaka mukhang mabait. Lumapit ako sakanila.
"Nak, sya yung sinasabi ko sayo. Si Bianca."
Ngumiti sakin si Tita Bianca.
"Hello po, tita." sabay ngiti ko.
"Hello, hija. Tama nga papa mo. Ang ganda mo talaga."
Naramdaman kong uminit yung mukha ko. HAHA. Mabait nga to. Chos.
Napangiti ako. "Si papa talaga. Hindi naman po."
Napatingin si Papa sa tabi ko.
"Oh, magka kilala na kayo?"
Napatingi ako kay Jake.
"Opo. Classmate ko nga po sya eh." Tingin sakin sabay ngiti.
"Mabuti naman kung ganun. Nga pala, handa na yung hapunan. Halika na at lalamig yung pagkain."
Pumunta na kami sa kusina para kumain. At ganto pa talaga yung pwesto namin.
Papa Ako
Tita Bianca Jake
Okay na sana eh. Kung di ko lang katabi tong mayabang na to. -.-
Pagkatapos ng kung ano anong kwentuhan, tinulungan ko muna si Tita Bianca na maglinis tapos nagpaalam na ko na pumasok sa kwarto ko.
Pag pasok ko sa kwarto, nakita ko si Jake na nakahiga sa kama ko.
"Hoy. Sino may sabi sayo na pumasok ka dito?"
Habang nakahiga na nakalagay yung dalawang kamay sa likod ng ulo nya, tumingin sya sakin.
"Matutulog." Sabay ngiti ng nakakaloko.
"At sino may sabi sayo na dyan ka matutulog? Di ka pwede dito. Alissss!" Sabay tapon ko sakanya ng unan.
"Sabi ni Tito Michael, dito muna daw ako matulog habang inaayos yung kwarto. Tsaka isa pa..." tumayo sya sabay lapit sakin.
"Magkapatid nanaman daw tayo." He smirked.
"Alam mo kung di lang dahil kay Tita Bianca, nasapak na kita eh. Basta. Bawal ka sa kama ko. Dyan ka sa sahig. Bawal ditoooo!" sabay higa ko sa kama.
"Alam mo dear sister, mas lalo ko iisipin na crush mo ko kung naiilang ka sakin. Sige ka, ikaw din. Mamaya nyan, magka crush din ako sayo." sabay kindat.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Kadiri ka talaga. Alis!" Sa sobrang lakas ng tulak ko, nahulog sya sa kama.
"Aaaah!" Hala. Napalakas nga. Shiz. Kasi naman eh. Lumapit ako sakanya. Sabay hawak sa braso nya.
"Sorry, sorry. Ikaw kasi eh. Anong masakit?"
Tumingin sya sakin sabay smile.
"Di mo ko matiis no?" He smirked.
Aaaah! Badtrip! Bat ba gustong gusto nya ko pagtripan? Nakakainis. Binato ko sya ng unan sabay alis.
"Bahala ka sa buhay mo!"

BINABASA MO ANG
My secret l♥ver.
Genç KurguBakit nga ba halos lahat ng bidang babae sa isang story.. e mas naiinlove sa mga character na badboy kahit meron namang goodboy? Hmm. Bakit nga ba? :3 Read this story and know why. :)