*Jake's POV*
Badtrip na babaeng yon! Pag tripan ba ko? Nak ng. Sa buong buhay ko ngayon lang may gumawa sakin ng ganun. Bitin ah! Joke lang mga pare. Humanda sakin yang Kate na yan. Di porket maganda sya maaakit na nya ko. Psh. Lakas ng loob eh.
Dahil sabado ngayon, tanghali na ko nagising. Hindi dahil nasarapan ako matulog kundi dahil hindi ako makatulog kagabi. Paulit ulit ulit ulit kong naaalala yung ginawa ng babaeng yon. Asar! May pagka mangkukulam yata yung babaeng yun eh!
"Dati ko pa kasi pinipigilan to eh."
"Pwede naman di ba?"
"I want you."
Ayan nanamaaaan! Ayaw nanaman mawala sa isip ko! Masasapak ko na yung babaeng yun! Dahil sakanya di ako naka tulog ng maayos. Dahil sakanya ayaw umalis nung weirdong pangyayari na yun sa utak ko. Nak ng.
Pumasok agad ako sa cr para mag toothbrush at maghilamos. Paglabas ko, nakita ko agad yung mukha nung babaeng kagabi ko pa nakikita sa panaginip ko.
"Goodmorning, handsome." sabay ngiti ng seductive.
Ayan nanaman sya. Mga kalokohan neto eh. Hinawakan nya yung kamay ko na nakahawak sa doorknob. Teka. Electric woman? Bat kinukuryente ako nito? Unti unti nyang tinaas yung paghawak sa kamay ko hanngang maka abot sa leeg ko.
"Ang gwapo mo talaga pag kinakabahan ka." Again, she flashed her seductive smile. This time, papalapit na sya ng papalapit sakin.. tipong 2 inches nalang yung pagitan. Bat ganto? Di ko magalaw katawan ko. Di maaari 'to. Di pwedeeee!
Sabay mulat ng mata ko. Sighhh. Panaginip. Ay mali. Bangungot. Mamamatay ako ng maaga sa babaeng yun eh. Psh. Buti nalang.
Lumabas ako ng kwarto. Buti nalang wala pang gising. Grabe talaga. Antok na antok pa ko. Paulit ulit ulit ulit kong naaalala yung ginawa ng babaeng yon. Asar! May pagka mangkukulam yata yung babaeng yun eh!
Teka. Parang nasabi ko na yun ah. Sigh. Nababaliw na talaga ko. Nak ng. Pumasok agad ako sa cr para mag toothbrush at maghilamos.
Paglabas ko, nanlaki yung mata ko. Nakita ko si Kate. Tapos bigla syang ngumiti sakin ng nakaka loko.
"Goodmorning, handsome." Lalong lumaki yung mata ko. Nangyari na to eh. Wag mo sabihing...
"Oh, bat ganyan itsura mo?" lumapit sya sakin sabay bulong.. "Di ka parin maka get over no? Gusto mo ulitin ko?"
"Anong di maka get over? Bigla bigla ka kasing nagpapakita. Mukha ka pa namang mangkukulam. Tabi nga." Nak ng. Kelan ba ko titigilan ng babaeng to?! Natulak ko tuloy. Asar.
*Kate's POV*
Hahahahaha.Grabe. Hanggang ngayon pala hindi parin maka get over sa ginawa ko yung malas na mayabang na yun! Gulat na gulat nung nakita ako eh. Psh. Buti nga sakanya. Sarap nya inisin eh.
Sabado ngayon kaya sabay sabay na kami nag umagahan ni Papa, Tita Bianca at Jake. Pag may pasok kasi, hindi ako kumakain ng breakfast. Di kasi ako sanay eh.
"Nak, kamusta school?" tanong sakin ni Papa.
"Okay naman po.Binigay kahapon yung test papers namin and maganda naman po yung scores ko.," sabi ko sabay inom ng hot chocolate.
Tumango naman si Papa.
"Ang sipag mo sigurong bata." sabi ni Tita Bianca sabay smile.
"Di naman po." napayuko tuloy ako. Ayoko talaga ng pinupuri eh. Mabilis kasi akong mamula.
"Nga pala. Sa ganda mong yan, sigurado ko may boyfriend ka na. Meron na ba?" sabay kindat sakin.
Shiz. Di ko pwedeng sabihin na may boyfriend ako. Ayaw pa kasi ni Papa eh. Sabi nya studies muna. Pero kasi.. alam nyo na. Mahirap kasi pigilan. Chos. Matagal ko na kasing crush yun si Troy eh. Since grade 5 pa. Eh nung third year highschool lang sya nagka lakas ng loob na ligawan ako. Syempre ako naman gulat na gulat. Manligaw daw ba sayo yung crush mo eh. HAHA.
Napatingin naman sakin si Papa pagkatanong ni Tita Bianca.
"Ha? W-wala pa po sa isip ko yung mga ganun eh. Studies first po muna." sabay kagat sa hotdog.
Babe.. sorry, sorry, sorry. Kelangan eh. Sorry talaga. Bigla naman napatigil sa pagkain si Jake then tingin sakin. Nako, Jake. Subukan mo lang talaga mag salita. Tutusukin kita ng hawak kong tinidor.
Sabay ngiti sakin ng nakaka loko. Di maganda ngiti ng lalaking to. Waaah, Lord, help me. May binabalak nanaman tong lalaking to. Huhuhuhu.
After namin kumain, pumunta muna ko sa kwarto para maligo. Gagala daw kasi kami ni Troy sa mall. Naka white short lang ako, tube na black then yung sando na may american flag design. Nilugay ko na rin yung hair ko then flats.
Palabas na ko ng kwarto at pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Jake.
"Oh, problema mo?" tanong ko.
"Studies first pala ha?" sabay smirk.
"Pwede ba. May pupuntahan pa ko kaya umalis ka dyan." palabas na ko ng nagsalita sya.
"Alam mo madali lang sabihin kay Tito Michael na may boyfriend ka." sabay kindat. Ugh. I knew it. He'll use this against me. Psh. The nerve of this guy.
"Ano ba kasing kelangan mo, ha?!" Nakaka inis na. tsss.
"Ikaw." seryoso yung mukha nya.
"Ano? Pinagsasabi mo?" Kinikilabutan na talaga ko sa lalaking to. Di porket gwapo ka madadaan mo ko sa ganyan mo. Eew.
Bigla syang nag smile. Shiz. Yun ba yung tinatawag nilang killer smile? Pwes, di ako tinatablan. Smile pa rin ni Troy ko pinaka pamatay sakin. Psh. Kala nya.
Lumapit sya sakin sabay sabi..
"Kelangan palagi kitang kasama. In short, be my toy." sabay liit nung mata nya.
Nababaliw na talaga to. Lakas ng trip eh.
"Baliw ka? Pwede ba. May pupuntahan pa ko."
"Ayaw mo? Ge. Madali naman akong kausap eh. Nga pala, wag mo ko sisisihin pag pinag hiwalay kayo ng BABE mo ha? Sige. Goodluck sa date nyo. May kakausapin pa ko eh." sabay talikod sakin then wave ng hand.
Nakakainisssss! Bat ba ang galing nyang mang asar?! Sasapatusin ko na talaga to eh. Tss. Kung di ko lang mahal si Troy.. Haaay.
"S-sige na. Payag na. Pero please.. wag mo sabihin kay Papa."
Humarap sya sakin sabay smirk.
"Yes.. little sister." sabay winked.
Ohfudge. Tama ba yung ginawa ko? Haaaay. Bat ba ko nagkaron ng demonyong step brother? Ajujujuju. T.T
----------------
Comment. Vote. :)

BINABASA MO ANG
My secret l♥ver.
Ficção AdolescenteBakit nga ba halos lahat ng bidang babae sa isang story.. e mas naiinlove sa mga character na badboy kahit meron namang goodboy? Hmm. Bakit nga ba? :3 Read this story and know why. :)