Chapter 18: Bestfriend.

123 1 0
                                        

*Troy's POV*

Ako lang ba nakakapansin o talagang kay Kate sya nakatingin habang kumakanta? Tumingin ako kay Kate. Namumula ba sya? Ganyan din yung reaction nya kapag pinapakilig ko sya dati. Hindi kaya?

Recess.

"Jake!" tinawag ko si Jake para kausapin. May mali, alam ko. Tinignan nya lang ako ng masama.

"Pwede ba tayo mag usap?"

"Tch." Inirapan nya ko sabay naglakad palayo.

"Tungkol kay Kate!" Bigla syang napatigil then lumapit ako sakanya.

"Alam kong may nararamdaman ka kay Kate."

"Kung meron man, anong gagawin mo?" This time, parang nakaramdam ako ng inis.

"Tingin mo ganun lang yun? Isang taon kami ni Kate. Tingin mo ganun kadali lang ako susuko? Ganun kadali ko lang sya isusuko?"

"Sabihin nalang natin na gusto ko si Kate. Tingin mo din ba basta nalnag ako susuko? Tch." Naglakad sya palayo habang ako.. inis na inis sa sarili ko.

------------------------------------------------------

Sa sobrang gulo ng utak ko, dito ko napunta sa isang bar. Hindi ako umiinom. Nagkataon lang talaga na nandito yung bestfriend kong si Syra.

Kaibigan ko 'to since elementary kaya naman alam nya lahat ng kwento ko sa buhay. Part time nya kasi ang pagkanta dito since na maganda naman talaga boses nya.

"Troy? Ba't ka nandito?" Namiss ko 'tong bestfriend ko. Nagsmile naman ako sakanya.

"Umiinom ka ba? Tara inom tayo!" Hinila ko naman sya papunta dun sa may bartender.

"May problema ka no?" Sigh. Alam nya talaga pag may problema ko.

"Dali na. Samahan mo ko."

*Syra's POV*

"Dali na. Samahan mo ko." may prolema nga 'tong isang 'to. Siguro masyado talagang mabigat problema nya kaya hinayaan ko nalang sya uminom.

Magkaibigan kami ni Troy since elementary. Close kasi yung parents namin kaya kami din yung magkasamang lumaki. Pero mahal na mahal ko 'tong bestfriend ko. Yun nga lang.. higit sa isang kaibigan.

Medyo nakainom na ko at madami dami na rin syang nainom ng bigla syang nagsalita.

"Bes. Anong mararamdaman mo kapag yung boyfriend mo, nalaman mong nahuhulog na sa iba?" So, yung girlfriend nya yung problema nya? Hayyy. Kung alam ko lang na ganto, hindi ko na sana sya pinayagan mapunta kay Kate.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ang dami mo na nainom oh. Umuwi ka na nga." Bigla naman syang tumungo then nakita ko yung cellphone nya nag ri-ring.

Calling..

Babe.

Kinuha ko yung cellphone ni Troy ten sinagot.

"Hello?""

"Sino to?"

"Si Syra 'to friend ni Troy. Hmm. Ano kasi.. medyo madaming nainom si Troy. Pwede mo ba syang sunduin?"

"Ha? Ganun ba? Osige papunta na ko. Salamat ha?"

After nun, binaba na ni Kate yung phone. Masyadong maingay at madaming tao dito kaya dinala ko si Troy sa labas para mabilis kaming makita ni Kate.

Pagkalabas namin, inupo ko sya sa may bench ng bigla syang nagsalita.

"Bes. Mahal mo ba ko?" Bigla akong namula sa sinabi nya.

"O-onaman." Bigla nyang tinaas yung ulo nya then nag smile.

"Kung naging tayo kaya, ipagpapalit mo ba ko?" Kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya. Hayy. Kung may magagawa lang ako.

""S-syempre hindi. Tanga ko naman kung ipagpapalit pa kita, Eh ang swerte swerte ko na nga sayo eh. Siguro kung ikaw yung boyfriend ko araw araw akong masaya kasi kasa---"

Nanlaki yung mata ko sa ginawa ni Troy. Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang nya kong hinalikan.

*Kate's POV*

Nandito ko ngayon sa labas ng bar na sinabi ni Syra. Hindi naman umiinom si Troy eh. May problema ba? Medyo malapit na din ako pero napatigil ako sa nakita ko.

Si Troy.. hinalikan si Syra.

Halos mapa upo ko sa pagka bigla. Nararamdaman kong anytime, babagsak na yung luha sa mata ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Ang sakit.

Bigla namang umiwas si Syra kaya napatingin sya sa direction ko.

"K-kate."

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon