Chapter 4

170 2 4
                                    

Dedicated to queenberry. Sobrang natutuwa talaga ko sakanya. First to read eh. HAHA. Hello. :''>

---------------------

Kinabukasan..

Maaga naman ako lagi nagigising kaya naglakad nalang ulit ako papasok sa school. Medyo malapit din naman eh. Habang naglalakad.. may motor na biglang tumigil sa harap ko.

"Goodmorning, dear sister." He smiled.

Tss. Ang aga aga, panira ng araw. Inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sakay." Sabi nya sabay abot ng helmet sakin.

"Pwede ba, ayoko masira araw ko kaya please. Wag mo ko kausapin."

"Tss. LQ agad? Sakay na kasi."

"Anoba. Tigilan mo nga ko. KUYA." sobrang diin talaga ng word na 'kuya". badtrip kasi eh.

"Sige. Sabi mo eh." Inistart na nya yung motor nya sabay alis.

Aaaaaah! Bwisit talagaaa! Pagka alis nya, sabay talsik sakin nung tubig sa kalsada! Bayaaaan! Hanggang kelan ba nya sisirain araw ko?! Badtrip!

*Jake's POV*

Tama yan, Jake. Inisin mo lang. Pag nagalit yan, sigurado. Hindi na yan papayag na maging kapatid ka nya. Yun naman gusto ko eh. Ayokong magpakasal si Mommy kay Tito Michael. Ayoko. Kaya gagawin ko lahat, wag lang matuloy yung plano nila.

*Jamie's POV*

Nasa cr ako ngayon at naghahanda na para sa klase namain. Haay. Anong oras na. Wala parin si Kate. Ano kayang nangyari dun? Hindi naman yun nala-late o umaabsent eh. Naghuhugas ako ng kamay ng narinig ko yung mga babae..

"Balita ko magiging step brother daw ni Kate yung gwapong transferee ah. Swerte naman nya." sabi nung babae na nagsusuklay ng buhok.

"Talaga? Ang gwapo ng step brother nya ah. Kung ako yun, baka nagkasala na ko." sabi nung isang babae.

"Haay. Ang gwapo na ng boyfriend nya, pati step brother pa. Sana ako nalang sya. Hihi."

Echosera tong mga to. Pati ba naman buhay ng gf ko, pag usapan? Pero teka. Si Kate? May step brother? Bat di nya sinasabi sakin? Whoa. Ibig sabihin.. step brother nya si Jake?! Ohmy. May na fe-feel ako. :))))

* Kate's POV*

Nakaka badtriiiip! Mapapatay ko talaga yang Jake na yan pag nakita ko sya sa school! Napa half day tuloy ako. Asar talaga! Pag pasok ko sa room, sinalubong agad ako ni Jamie.

"GF!!!!" Hay. Sinaniban nanaman ng masamang espirito tong girl friend ko.

"Anobayan, gf! Ang ingay mo. Bakit ba?"

Hinila nya ko papunta sa upuan ko sabay upo.

"Umamin ka nga, totoo ba na magiging magkapatid kayo ni Jake?" tanong nya sabay ngiti. Teka. Ba't ang bilis naman yata kumalat ng balita? Nakakaloka. 

I sighed. "Sa kasamaang palad."

"Ano ka ba! Anong masama dun? Ang gwapo gwapo kaya ng step brother mo! Chance mo na te-- Araaay!"

Hinampas ko kasi sya. "Pinagsasabi mo? Haay. Magsama kayo nung bwisit na Jake na yun! Kahit kelan never akong magkaka gusto sa mayabang na anak ng kamalasan na yun."

"Aysows. Wag magsalita ng tapos, gf. Baka makain mo yan... masqrapan ka." Sabay ngiti ng nakakaloko.

"Ikaw kaya pakainin ko ng sapatos dyan. Haaay. Sumasakit na nga ulo ko dahil dyan eh. Teka. Asan si Troy?" Tinignan ko yung upuan nya pero wala sya.

"Ay. Oo nga pala, si Troy. Teh. Tingin ko kelangan mo mag explain dun." 

Ako mag e-explain? Bat naman? Eh okay naman kami kahapon ah.

"Bakit? Anong problema?" I asked curiously.

"Wala ka talagang naalala?"

"Ano ba kasi yun?"

"Tanggalin ko kaya yang utak mo. Anniversary nyo kaya ngayon. At kanina pagpasok ko, may naka lagay na 'Happy Anniversary, babe' sa board. Tinutukso nga nila si Troy eh. Kaso, wala naman yung babe nya dito dahil busy sa kanyang step brother. Tapos di mo pala alam na anniversary nyo ngayon. Tsss. Lagot ka talaga dun."

Napatayo ako. "Ay, shiz! Yun pala yung sasabihin dapat ni Troy kahapon. Bat ngayon mo lang sinabi?! Asan si Troy?"

"Sorry ah. Kasalanan ko eh. Tignan mo sa court."

"Sige. Saglit lang, gf ha?" sabay takbo ko papuntang court.

Pagdating ko sa court, walang tao. Pero pumasok parin ako, nagbabaka sakaling nandun sya. At di ako nagkakamali dahil nakita ko sya dun. Lumapit ako sakanya.

"Babe.."

Tumingin sya sakin tapos tingin ulit sa bola.

"Babe, sorry." Niyakap ko sya.

"Para san?"

"Babe naman eh. Sorry na kasi. Madami lang talagang nangyari sa bahay kaya nakalimutan---" Ay, shiz. bat ko sinabi na nakalimutan ko?

Nag smile sya. Yung sarcastic.

"Buti ka pa nakalimutan mo. Kahapon pa kasi di mawala sa isip ko kung pano ka isu-surprise eh. Wala ka naman pala." sabay shoot ng bola.

"Sorry talaga babe. Babawi ako. Promise."

"Talaga?"

"Oo. Kahit ano, gagawin ko."

Bigla syang nag smile.Uh-oh. Mukhang alam ko na to.

"Kahapon ka pa kasi namimiss nito oh.." sabay turo sa lips nya.

"Alam mo ikaw.. Haay. Sige na nga."

Lumapit ako sa kanya sabay tingkayad. Taas kasi nya eh. Pero bago pa lumapat yung labi ko sa labi nya, biglang may humila sakin. Badtrip naman oh, sino ba---

"Jake!" sigaw ko sakanya. Panira talaga tong lalaking to eh.

Tumingin sya sakin sabay smile. 

"Hi, baby."

"Baby?" tanong ni Troy. Shiz talaga 'tong Jake na to. Baka mamaya kung ano isipin ni Troy eh.

"Ah, babe, si Jake pala.. STEP BROTHER ko. Jake, si Troy. BOYFRIEND ko." May diin talaga. Nakakainis kasi eh. Napangiti naman si Troy.

"Ah. Nice to meet you, pare." sabay abot ng right hand para sa shake hands.

Si Jake naman, hindi parin inaalis yung pagkaka akbay sakin at nakatingin lang kay Troy sabay ngiti. Badtrip talaga to eh. Pinapahiya pa babe ko. Kaya hinawakan ko nalang yung kamay ni Troy sabay lipat sakanya.

Tumingin sakin si Jake sabay ngiti.

"Bye, baby. Seeyou later." sabay pinch sa nose ko. hinampas ko naman yung kamay nya. Bv.

Pagka alis nya, tinanong ni Troy yung tungkol samin. Sabi ko na sya yung anak ng girlfriend ni papa. Ay, soon to be wife pala. Sabi ko na wag nalang nya pansinin yun dahil malakas lang talaga sayad nun. Haaay.

--------------------

A/N: Hello. Thank you sa pagbasa. Comment. Vote. :''> ♥

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon