Chapter 15: Times Three. ♥

131 3 1
                                        

*Troy's POV*

Nandito ko ngayon sa isang restaurant na madalas naming kinakainan ni Kate. Naalala ko pa. Dito din nya ko unang sinagot. Medyo kinakabahan din ako nung araw na yun kasi nag away kami ni Kate. 

Flashback

Sa restaurant..

"Order na tayo. Gutom na ko eh." Sabi ni Kate. Kahit kelan talaga lagi nalang gutom 'to. Pero okay lang. Kasi dun ko naman sya nagustuhan eh. Sa pagiging totoo nya.

Pero kinakabahan talaga ko. Ngayon ko kasi balak mag propose sakanya. Sa tagal na namin magkasama.. sana naman tanggapin nya.

"Mamaya na." Ano ba, Troy. Bilisan mo na. 

"Bakit mamaya pa? Ngayon na." Pano ko ba sisimulan? Kinakabahan talaga ko eh.

"Basta." Sigh. Kaya ko ba? 

"I'm hungry, i'm hungry, i'm hungry. If I say it three times it means..." Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya.

"It means you really mean it." Ganyan talaga. Kapag sinabi nya ng tatlong beses ibig sabihin yun talaga yung nararamdaman nya. Pero.. chance ko na 'to.

Napatigil naman sya at nakinig sakin.

"Alam ko minsan di tayo nagkaka intindihan.. minsan may mga bagay na kahit malilit.. pinag aawayan pa natin. Pero.." hinawakan ko yung kamay nya.

"Kate Mendoza. I love you. I love you. I love you. I said it three times. And you know that I really really really mean it. Will you be.. my girlfriend?"  Halos maiyak naman sya sa narinig nya. Kahit ako kasi di ko aakaling ngayon ang magiging pinaka masayang araw namin.

*End of Flashback

Palabas na sana ko para tignan kung nandyan na si Kate pero biglang may bumangga sakin na babae.

"Sorry miss. Hindi ko sina--" Tinignan ko yung babae. Teka. Parang familiar yung mukha nya. San ko nga ulit 'to nakita?

"Babe." Ngumiti yung babae sabay yakap sakin. Nako. Pag nakita ako ni Kate nito.. magagalit yun.

"Ah, sorry miss. May girlfriend na kasi ko eh." Tinignan naman ako nung babae na parang gulat na gulat sabay..

"BWAHAHAHAHAAHHAAHA! Nakakatawa ka talaga, babe. Ano ka ba.. ako to. Si Kate." Seryoso?! Girlfriend ko to?! Ganda, pre.

"Akala ko naman kung sino." 

"Ikaw talaga." Ngumiti naman sya then naglakad palayo sakin.

HInawakan ko sya sa kamay then niyakap. 

"B-babe. Bakit?" Medyo nagulat ko yata. Umalis ako sa pagkakayakap then tumingin sa kanya.

"Di ko mapigilan eh. Ang ganda mo times three." At eto pa gustong gusto ko sakanya.. ang bilis nya mamula. 

*Jake's POV*

Hindi ba talaga marunong mahiya 'tong dalawang 'to? Ang corny na ang baduy pa. Times three pang nalalaman. Tss. 

Teka. Ba't ba ko naaasar? 

Jake's conscience: Naaasar o nagseselos?! Hehehe.

Anong selos?! Porket crush kelangan na agad magselos? Ano naman paki ko kung mag lambingan sila sa harap ko at kinikilig pa 'tong babaeng 'to? Baduy.

Jake's conscience: Aminin mo na kasi. Uyy aamin na yaaaan~

Ang corny mo konsensya! Oo na! Aamin na! Nakaka badtrip kasi eh. Pag sakin ang sungit sungit. Tas sa boyfriend nya ang landi landi.

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon