Uwian.
*Jamie's POV*
"Nababaliw ka na talaga no?!" Hinila ako ni Kate para sermonan ng bongga.
"Eh kasi naman, gf. Halata namang ipapa mukha sayo nung demonyo mong kapatid na may ka date sya at ikaw.. wala!"
"So?"
"Anong so? Halata namang pinag seselos ka nun. Edi.. pag selos-in mo din." I winked at her.
"Alam mo ang lakas talaga ng tama mo. Anong selos-selos sinasabi mo? Hay nako. Ewan ko sayo." Nakakainis naman. Halata naman kasi yung binabalak nung Jake na yun sa gf ko no.
"Ah basta. It's a double date! Kaya halika na sa bahay namin. Im-make over kita ng bongga!" HAHAHA. I'm so bright talaga!
"Make over? Tigilian mo nga ko, Jamie. Di na ko natutuwa." Sus. Kunyari pa 'tong gf kong 'to.
"Okay, sige. Habang nag d-date kayo, yung dalawang prince charming mo, gandang ganda sa Mika Fernandez na yun. At ikaw naman, mukhang manang. Ikaw din.. baka sa huli.. mahulog ang loob nya sa babaeng yun."
Bigla syang natahimik. Hihihi. Ang galing galing ko talaga. Hinila ko nalang sya dahil alam kong sapilitan lang talaga ang mangyayari dito.
*Kate's POV*
"Tapos naaaaa! Harap ka nga sakin!" Hay nako. Hindi ko talaga alam kung bakit kelangan pa ko pag eksperimentuhan ng gf kong 'to. Wala naman mangyayari sakin kahit anong gawin nya. Ts.
Humarap ako sakanya then para syang nakaka kita ng multo.
What? Sabi na eh. Wala talagang mangyayari sa mukha ko. Pinanganak na kong panget no. Simula pagkabata hindi na naalis sa mukha ko 'tong weird na salamin sa mata ko. Tapos sabi pa nila.. sobrang kapal ng kilay ko na para na daw akong kapatid ni Betty La Fea.
Idagdag mo pa yung weird na pananamit ko. Haay. Sobrang swerte ko nalang talaga at nagka gusto sakin si Troy. :''>
Hindi ko na pinansin si Jamie at humarap nalang ako sa salamin.
O___O
O__O
O___O
A-ako to? Seriously. Waa. Ano bang nangyayari sakin? Nasan na yung tunay na ako? Baka naman sa kakaisip ko dito kinuha na pala yung mukha ko at inilipat sa ibang tao. Waaa. Pano na to. Makilala pa kaya ako ni Troy?
Syempre acting lang yun. Pero seryoso. Ang laki ng nagbago. Kaya pala parang mas luminaw yung paningin ko dahil naka contacts lang ako. Tapos yung kilay ko.. nabawasan. Pati.. yung damit ko. Mygosh.. Fairy po ba ang kaibigan ko? (see picture on the side --------> )
"Perfect!" sabi ni Jamie habang pumapalakpak.
"Grabe, gf. Di ko akalaing ganyan ka kaganda. Eh halos walang wala yung Mika Fernandez na yun sayo eh! You're so pretty, Gffffff!" Nagtatalon si Jamie habang naka yakap sakin.
Over naman 'tong gf ko. Maya maya lang umalis na ko sa bahay ni Jamie at umuwi samin.
*Jake's POV*
Nak ng. Anong oras na di pa rin umuuwi yung babaeng yun. Kanina pa ko nag hihintay sakanya. Tsk. Kahit anong ayos pa gawin nya, wala nang magbabago sakanya. Kasi sa mga mata ko, sya lang ang pinaka maganda.
BWAHAHA. Ang corny, dre. Anong trip ba yung sinabi ko? Nakaka kilabot ha. Bigla namang may tumigil na tricycle kaya lumabas ako para sermonan yung babaeng yun.
Pagbukas ko ng gate, nakita ko syang nagbabayad sa tricycle driver. Hinihintay ko syang humarap at sana magulat! Bwahaha. Sigurado ko epic itsura nito.
Bigla naman syang humarap at pagkakataon ko na para sabihing...
"Anong o---"
O__O
O__O
O__O
Tama ba nakikita ng dalawang mata ko? Si Kate yung babaeng nasa harapan ko?! Nak ng. Ano bang nangyayari sa mata ko at gumagawa pa ng himala?
"Kung tapos ka na mag asar, paki start na yung motor mo at aalis na tayo."
Wag ka nga matulala sa kanya. Kahit na maganda yan, si Kate pa rin yan! Pero.. ang ganda nya talaga eh. Teka.. ano bang sinasabi ko? Ang gay.
"P-panget mo. Sakay." Sumakay ako sa motor at hinihintay ang babaeng 'to na sumakay.
Eto ayaw ko eh. Magpapaganda dahil lang sa date nya. Tss. Nakaka inis talaga! Nagpa ganda pa para lang kay Troy. Akala naman nya effective.
Pero effective eh. Ang ganda talaga. Teka. Sya ba talaga to? Baka naman gumawa ng trip yung babaeng yun kaya nakipag palit sa mas maganda sakanya? Hindi kaya?
*Kate's POV*
Hay nako. Sabi na eh. Wala talagang mangyayari sa mukha ko kahit anong gawin dito. Pinanganak na yata talaga kong ganto. Sigh.
Pasakay na sana ko ng motor ng demonyong 'to ng bigla syang magsalita.
"Hoy. Ikaw ba talaga yan? Wag na wag ka magkaka mali gumawa ng mga trip kundi lagot ka talaga sakin!" Pinagsasabi nito?
"Pinagsasabi mo dyan? Baliw ka ba?"
"Binabalaan kita. Pag nalaman ko na hindi ikaw yung tunay na Kate at nakipag palit ka sa magandang babae para tumakas sa date na 'to.. humanda ka talaga sakin!" What? Saang planeta ba galing utak ng lalaking 'to?
Pero teka.. Magandang baabe? Ako ba yun? Ako yun diba? Hihihi. Maasar nga.
"Magandang babae? Ibig sabihin.. sinabi mong maganda ko?" I said while raising both my eyebrow.
"Ma-maganda ka dyan! Mukha mo! Sakay!" Sus. Halata namang nauutal sya sa pag sisinungaling eh. Hihi. Naasar ka din. Kala mo ah.
*Jake's POV*
Ang kapal talaga ng baabeng 'to. Maganda daw. Psssh. Sige na nga! Aamin naaa. Alam ko namang may boyfriend 'tong babae na 'to eh. At alam ko din na bawal maki sali. Kaso.. wala naman siguro masama kung..
kahit..
kahit crush lang?
Crush lang naman eh.
------------------------------------------------------------
Comment. Vote. :)

BINABASA MO ANG
My secret l♥ver.
Teen FictionBakit nga ba halos lahat ng bidang babae sa isang story.. e mas naiinlove sa mga character na badboy kahit meron namang goodboy? Hmm. Bakit nga ba? :3 Read this story and know why. :)