== Kate's POV ==
Sniff. Sniff. Hmmm. Ang bangoooo.
*gruuuu~ gruuuu~*
Ay shems. Ang ingay ng tyan ko. Nagising tuloy ako. Ano ba kasi yung mabangong amoy na yun at nakakapag laway?
Umupo ako sa kama sabay himas himas ng tyan. TEKA. Ba't ako napunta dito sa kwarto? Diba.. Diba nasa park ako kagabi?! WAAAAH.
*tok tok*
Biglang bumukas yung pinto. Jake?! Nananaginip pa ba ko? Anong ginagawa ni Jake sa pintuan ko at may hawak na tray ng.. pagkain?
"Jake? A-ano yan?"
"Breakfast.. in bed." sabay wink.
"Ha? Bakit? Hoy! May binabalak kang masama no?! Umamin ka!" Tumawa lang sya sabay lapit sakin.
"Wala. Masama ba?" Umupo sya sa tabi ko sabay lapag ng tary sa may lap ko. Wow. Scrambled egg, hotdog, ham, bread and milk. Kaya pala gutom na gutom ako eh. Di ako kumain kagabi. Hihi.
"O-oo. Safe ba yan? Wala bang lason yan? Teka. May gayuma yan no?" This time, tumingin sya sakin. Yung seryosong seryosong expression. Gulp.
"Ganyan ka ba talaga magpa salamat?" sabay irap.
Whoa. Teka. HIndi nyo naman kasi ako masisisi diba? Ang sama sama nya sakin tapos ngayon ganto gagawin nya? Sino bang di kakabahan dun? Diba? Diba?
Pero. Maybe pure intention nga talaga. Sigh. Bahala na nga.
"Okay okay. Thank you. Pwede na ba ko kumain?" Gutom na talaga ko. Huhuhu. Tumingin ulit sya sakin with a serious expression. Ano nanaman?
"Hindi ka pwedeng kumain.. hangga't di kita sinusubuan." sabay killer smile. Pabili nga po ng cotton buds! Anong nangyayari sa demonyong 'to? Sinaniban nanaman ba sya?
"O-okay ka lang ba? Anong nangyayari sayo?"
"Ayaw mo? Di wag." Hinawakan nya yung tray at tipong aalisin na sa lap ko. HUWAAAAG! Nagmamakaawa ako at ang mga barakong bulate sa tyan ko. T_T
"Si-sige na."
Biglang nagbago yung expression nya at daig pa ang batang binili ng ice cream. What's with this guy? Srsly.
"Oh. Aaaaah~" Nakakailang. -.- At para sa kabutihan ng tyan ko, ngumanga nalang ako. And..
"Uhmmmm. Ang saraaaaap!" Napapikit ako pag sabi ko nun. Ang sarap sarap! Ba't parang may something sa egg na sobrang sarap? Favorite ko pa naman yun. Heaveeeeen. *O*
Pagmulat ng mata ko, may naramdaman ako sa labi ko. THE HECKKKKK! Ba't nasa harap ko si Jake?! Teka. Is he.. kissing me?!!!!!!!
Pag layo nya sakin, syempre tulala parin ako.
"Y-you. What d-did you d-do t-to me?"
"Bakit? Tinanggal ko yung cheese sa labi mo. Sarap nga eh." *insert devil smile*
Lalong lumaki yung mata ko. Kelan pa nauso ang pag gamit ng labi sa pag tanggal ng cheese sa isa pang labi!!!! May toyo 'tong lalaking to!!! URRRRGGG.
Hinawakan ko yung tinidor sabay tusok sa hotdog. Kain. Tusok sa ham. Kain. Tusok sa bread. Kain. Asdfghjkl. Di na kasya sa bibig ko.
Hinawakan nya yung milk sabay abot sakin.
"Milk?"
Ako naman, si kuha sabay inom. asdfghjkl. Sakit sa lalamunan! Napaka weirdo ng lalaking 'to. Huhu. Naka tingin lang sya sakin habang nakain ako. Mabubulunan ako sa ka-ilangan dito. T_T
Stop staring at me, you hot guy! I'm melting. -.-
"Beket ke naketengen seken?" Syempre puno parin ng pagkain yung bibig ko.
"Mas maganda ka pa sa umaga." *insert killer smile*
Ubo. ubo. ubo. Mamamatay ako ng maaga sa lalaking 'to. Tuloooong! Bakit ang keso keso mo!!!!!
Tinusok ko yung hotdog sabay subo sa bibig nya. This guy, really. Kinain nya sabay ngiti ng nakaka loko sakin.
"Ba-bakit nanaman?"
"Mas masarap yung cheese."
Ubo. Ubo. Ubo. Tigilan mo na, pwedeeeeee! Hindi ka na nakakatuwa! Nakaka kilig ka naaaaa!
"Kunyari wala akong narinig. Tsss." Pigil, Kate. Wag ka pahalata! Pektusan kita dyan eh.
"Wala talaga?" Tumayo sya sabay labas ng kwarto.
Problema nun? Bilis mag tampo. Tsss. Joke lang naman yun, huy! Tindi talaga ng mood swings nun. Ilang minuto lang, bigla ulit bumukas yung pinto at may hawak na syang gitara.
"Anong gagawin mo?"
Umupo ulit sya sa kama sabay strum..
(click the video on the side ------> )
♫ ♫
Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa 'yo.
Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit
Kung di lang sa lalaking kayakap mo, (ho o-o-oh)
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa (ha-a-ah) prinsesa
Prinsesa, prinsesa.
He smiled at me.
Di ako makatulog
Naisip ko ang ningning ng yong mata
Nasa isip kita buong umaga buong magdamag
Sana'y parati kang tanaw
O ang sakit isipin ito'y isang panaginip
Panaginip lang.
♫ ♫
Sinong babae ang hindi matulala sa ginawa nya? o___o
Bakit ba ganto lalaking 'to? Tyler Jake Garcia. Alam mo talaga kung pano pakiligin ang isang babae. Sana.. sana ikaw nalang. Sana tayo nalang.
Kung nauna ka lang sana.. sakanya.
"Yan. Naririnig mo na?" *smirk*
Biglang tumulo yung luha ko at sa di malamang dahilan.. bigla ko syang niyakap. Jake. Thank you. Thank you for always being there.
---------------------------------------------------------
Sorry kung natagalan. Kaya eto, bumawi na ko. HAHA. Hope you enjoy. :)
Comment. Vote.
BINABASA MO ANG
My secret l♥ver.
Teen FictionBakit nga ba halos lahat ng bidang babae sa isang story.. e mas naiinlove sa mga character na badboy kahit meron namang goodboy? Hmm. Bakit nga ba? :3 Read this story and know why. :)
