Chapter 8

132 1 0
                                    

*Kate's POV*

Pagpasok namin sa bahay, nakita ko si Papa kasama si Tita Bianca. Hinalikan ko sila sa cheeks. Paakyat na sana ko papuntang kwarto para magbihis nung nagsalita si Papa.

""San ka galing?" Uh-oh. Di ko gusto yung tono ni Papa. Seryoso masyado.

"P-po?" Ano ba, Kate wag kang mabulol dyan. Mahahalata ka nyan eh.

"Tumawag dito si Jamie. Sabi mo sya kasama mo. San ka galing? May boyfriend ka no?" Then my heart goes *dug dug dug dug dug dug*. Gaaaawd. What am I going to do? :((((

"Pa.. Kasi..." sasabihin ko na ba? Kaya ko ba? Shizz. Sakit sa puso.

"Kate..magsabi ka ng totoo.. may boyfriend ka ba?" This time, seryoso na talaga mukha ni Papa. Uggggh. I have no choice. Sasabihin ko na talaga. I can't take this anymore. Papa, sorry. Huhuhu. T.T

"Meron p---" biglang naputol yung sasabihin ko nung may biglang umakbay sakin.

"Meron syang kasama kanina. Ako. Sorry po tito ginabi kami. Nag bonding lang kami ni Kate kaya nag enjoy. Di na po mauulit." Dumbfounded. Napatingin ako bigla sakanya. T-totoo?! Si Jake ba 'to? Anong nakain nito?

"Ganun ba? Mabuti naman at nagkaka sundo na kayo. Pag pasensyahan mo na papa mo, Kate. Masyado lang napagod sa trabaho. Sige magpalit ka na. Jake, ikaw din." Sabi ni Tita Bianca. Tumingin naman sakin si Jake sabay smile.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ko, hinila ko si Jake papasok.

"Aray! Dahan dahan! Ang barako nito." Ako? Barako? Sapatusin ko kaya to.

"Oy.." sabi ko sakanya habang nakatingin sa ibang direction.

"..."

"Oy!" Ayaw magsalita eh. Tss.

"Ano?!" Oops. Ang bingi kasi.

"Salamat." sabay tingin ko sakanya. Teka. Namumula ba sya? Di ko nakita masyado kasi bigla syang umiwas ng tingin. Weirdo.

"Salamat lang? Walang..." bigla syang humawak sa lips nya.

"Kadiri ka talagaaaa! Ayoko!" sabay hampas ko sa balikat nya.

"Ar- araaay! Ayaw mo? Sige dito nalang." turo sa cheeks.

"Pinag t-tripan mo ko no? Bahala ka dyan. Labas!"

"Ayaw talaga? Pnagbibigyan na nga kita oh. Ang dami daming gustong gumawa sakin nyan tas tatanggihan mo? Ikaw din. Baka magsisi ka." sabay kindat. The nerve! Ugh!

"Tigilan mo na nga yan! Kadiri!"

"Cheeks lang! Akala ko ba gusto mo mag thank you? Walang malisya to! Maliban nalang sayo." He smirked.

Uggggh! May point sya. Cheeks lang naman eh. Walang malisya! Tss. Bahala na.

"Cheeks lang! Binabalaan kita. Wag kang gagawa ng kalokohan kundi.. basta cheeks lang!

Nag smile sya. Oo na. Gwapo ka na! Aish. Lumapit ako sakanya then tingkayad. Nilapit ko na yung lips ko sa cheeks nya ng bigla syang humarap. The fuuuuuuuuuudge!

Ngumiti sya sabay taas ng kilay. Di ako maka galaw. That's... That's my first kiss, assh*le!!!!

I know nagtataka kayo kung bakit wala pa kong first kiss since may boyfriend ako. Eh sa hindi pa talaga eh. Kung gagawin man yun ni Troy, sa cheeks or forehead or hands or ulo lang. Pero hindi sa lips! Napag usapan na namin yun. Pati yung dati sa labas ng shower room? Sa cheeks lang yun. Waaaaah! Hindi pwede 'to! I was planning to give that to my future husband not to this jerk! My life's a mess. Kill me now, please. T.T

1:30 am na at hindi parin ako makatulog. Nakaka inis! Ano bang nangyayari sa mundo?! Bakit kung sino pa yung ayaw mo, sya pa yung makaka kuha ng first kiss mo? Hindi ba nila alam kung gano ka precious yun?! Heck. Nakaka asar talaga yang Jake na yan! Ba't ba nakilala ko pa sya?! Tsssss.

*Jake's POV*

"Meron syang kasama kanina. Ako. Sorry po tito ginabi kami. Nag bonding lang kami ni Kate kaya nag enjoy. Di na po mauulit."

Psh! Di talaga nag iisip 'tong babaeng to! Kung di ko pa yun sinabi malamang nahuli na 'to. Pati pano na yung task ko sakanya pag nalaman ni Tito Michael yun? Talo ko dun. Hay. Buti nalang magaling ako. Hehe.

Pagdating namin sa tapat ng kwarto nya, hinila nya ko papasok. Grabe, babae ba talaga 'to? Daig pa amasona eh. 

"Oy." bigla syang nagsalita. Di ko pinansin. Alam ko naman sasabihin nya eh.

"Oyy!" Nak ng. Kelangan ba sumigaw?! Sakit sa tenga nun ah!

"Salamat." sabi nya. Napatingin ako sakanya. Unang beses nya ko sinabihan ng ganun. Parang ang gaan sa pakiramdam. Bigla syang tumingin sakin kaya napa iwas ako. Teka. Ba't ba ko umiiwas?

"Salamat lang? Walang..."  sabay turo ko sa lips ko. Teka. Don't get me wrong. Gusto ko lang sya asarin.

Nung una ayaw nya pumayag pero maya maya na realize nya siguro na tama ako kaya pumayag na sya.

Palapit na yung mukha nya nang bigla akong humarap. May sasabihin kasi ko. Hindi ko naman alam na malapit na pala talaga. Hindi ko sinadya yun! Maniwala ka! -.-

Nakita ko syang namula pero tulala parin sya. Teka. Ang O.A naman nitong babaeng 'to. Kung maka react akala mo first kiss eh. Tss. Lumabas agad ako pagkatapos. Pagkasara ko ng pinto.. napahawak ako sa dibdib ko. May mali, dre. Mainit lang siguro sa kwarto ni Kate kaya parang hinihingal ako. Ewan! Badtrip!

Ayan nanaman! Paulit ulit nanaman sa utak ko yung nangyari. Ba't ba pagdating sa babaeng yun.. ang lakas ng tama ko?! Teka. Ano ulit sinabi ko? Wala. Baliw na ko. Shit talaga. Anong oras na di parin ako maka tulog. Ano baaaaa! Kate Mendoza patulugin mo ko!

---------------

Hi. Comment or Vote. I'll try to update tomorrow. Godbless. :) ♥

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon