Nagcelebrate muna kami ng anniversary namin ni Troy then umuwi na. May practice pa kasi sya bukas ng umaga eh. Pagdating ko sa bahay.. ang tahimik. Bat ganun? Wala sila papa kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko sabay kuha ng cellphone ko. Matext na nga lang si babe.
To: Babe. ♥
Nakauwi na ko. :)
Maya maya, nag vibrate yung phone ko..
From: Babe. ♥
Ah. Good. Kain ka na. :*
To: Babe. ♥
Mamaya na. Wala pa sila papa eh.
From: Babe. ♥
Oh? Sinong kasama mo dyan? Nandyan ba si Jake?
Haay nako. Nakalimutan kong awayin yung malas na yun. Mamaya pag nakita ko yun.. sapak talaga sakin yun.
Wala. Ewan ko dun. Bahala sya sa buhay nya. Miss na kita. Iloveyou. :) ♥
*message sent*
Maya maya, nag vibrate ulit yung phone ko. And as I click the read button..
From: Jake.
HAHA. Miss na din kita. Iloveyoutoo. ;)
Whaaat?! Pinagsasabi ba nito? Teka. Di kaya--- Ay, shemay! Wrong send ako. Waaah! Pakamatay na ko. Nakakahiyaaaa! Huhuhuhu. T.T
*Jake's POV*
Maaga akong umuwi. Wala kasi akong mapuntahan. Nandito ko sa kabilang kwarto. Maayos nanaman daw eh. Habang nakahiga at nakikinig ng mga kanta.. biglang nag vibrate yung cellphone ko.
From: Kate.
Wala. Ewan ko dun. Bahala sya sa buhay nya. Miss na kita. Iloveyou. :) ♥
Napangiti ako. Kahit na alam kong wrong send sya, nireplyan ko. HAHA. Kung makikita nyo lang yung itsura nun pag naiinis. Kaya ang sarap asarin eh. Pagka reply ko sakanya, ilang minuto lang nag vibrate ulit yung cellphone ko.
From: Kate.
Feeler! Wrong send, okay? Hmf.
Napaka talaga nito. Alam ba nya yung trip? Tsss. Pero okay lang. Jake, sakyan mo nalang. Nireplyan ko sya..
To: Kate.
Edi ibig sabihin.. iniisip mo ko? Hah. Masyado ka talaga pahalata, little sister. ;)
Bwahahahaha. Sigurado ko, inis na inis na to.
From: Kate.
Yuck. Kadiri ka! Asan sila Papa?
Di na ko nagreply. Para kasing ewan. Magkasama lang naman kami sa iisang bahay, kelangan sa text pa mag usap.
*Kate's POV*
Hay nakoooo! Napaka talaga ng anak ng kamalasan na yun! Akala nya nakalimutan ko na ginawa nya sakin? Hah. Humanda talaga sya.
Maya maya.. may kumatok sa pintuan ko. At pagbukas ko..
"Hi, little sister. Miss mo ko?" sabay ngiti.
I flash him my sarcastic smile. Lagot ka sakin.
"Pasok ka." sabay turo ko sa loob ng kwarto.
Medyo kumunot yung noo nya. Nagtaka siguro. "Anong nakain mo? Bumait ka yata ah." Naglakad na sya papasok ng kwarto sabay higa sa kama ko.
Hah. Humanda ka ngayon. Lord, sorry po sa gagawin ko. Ngayon lang naman eh. Gaganti lang ako.
"Jake.." umupo ako sa tabi nya.
"Umm? Bakit? Naiinlove ka na ba sakin?" sabay tawa.
Paunti unti akong lumapit sakanya hanggang makarating ako sa ibabaw nya.
"Hindi pa naman tayo magkapatid diba?" *insert malanding voice and smile here*
Unti unting nagbago yung expression nya. Yung tipong kinakabahan na?
"H-ha?" Nararamdaman kong nanginginig na sya.
"Dati ko pa kasi pinipigilan to eh." Papalapit na ng papalapit yung mukha ko sakanya. Habang sya naman, pabilis ng pabilis yung pag hinga.
"Pwede naman di ba?" Bulong ko sakanya. At sya.. pinagpapawisan na. Unti unti ko pang nilapit yung mukha ko sakanya. Nilapit ko yung labi ko sa tenga nya. Sabay bulong..
"I want you." Narinig ko yung pag pigil nya sa hininga nya. Inalis ko yung labi ko sa tenga nya at unti unting nilalapit sa labi nya sabay....
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA~!"
Grabe. Ang sakit na ng tyan ko kakatawa! Yung reaction nya... priceless! Whoooooo! HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Nagiba ulit yung expression nya. Uh-oh. Nagalit ko yata sya.
"Bakit, Jake? Bitin ba? BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Sige, tawa pa! Masamid ka sana!" sabay hagis ng unan sakin then walk out.
BWAHAHAHA. Kitang kita yung disappointment sa mukha nya. Grabe. Di ko akalaing magagawa ko yun. Ba't ngayon ko lang na discover tong talent ko? Ang galing ko!!!! :)))))
-------------
Comment. Vote.

BINABASA MO ANG
My secret l♥ver.
Roman pour AdolescentsBakit nga ba halos lahat ng bidang babae sa isang story.. e mas naiinlove sa mga character na badboy kahit meron namang goodboy? Hmm. Bakit nga ba? :3 Read this story and know why. :)