Chapter 2

184 2 0
                                    

*Sa bahay.*

"Pa, andito na ko!" nakita ko si Papa na naka upo sa sala habang nanunuod ng tv. Lumapit ako sakanya sabay mano.

Pero parang may mali. Ang tahimik nya kasi.

"Pa, bakit?" I asked.

"Nak. May sasabihin ako sayo." Kinakabahan ako. Hindi naman ganto ka seryoso si Papa eh. Hindi kaya...

Tinignan ko lang sya. Naghihintay ng sasabihin nya.

"Alam naman natin pareho na simula nung nawala ang mommy mo, ikaw lang ang nag iisang babae sa buhay ko. Pero sana mapatawad mo ko. Hindi ko sinasadyang itago to sayo. Meron na kasing babaeng nagugustuhan ang papa mo."

Inaamin ko medyo sumama yung loob ko. Hindi ko naman kasi aakalain na mangyayari to.

"Pa..."

Nakita ko yung luha sa mata nya. Simula kasi ng namatay si mama sa aksidente, halos nawalan na rin ng gana si papa. Hindi ko na nga alam gagawin ko para lang maibalik yung dating sigla nya eh. Kahit ako, nanghihina sa mga pinapakita nya. Pero years passed. Unti unti nang bumabalik si papa sa dati. Syempre masaya ko.

Pero eto pala yung dahilan ng pagiging masaya nya. Siguro hayaan ko nalang si papa. Kung ito lang yung bagay na magpapasaya sa kanya, bakit hindi ko sya papayagan diba? Matagal ko na ring di nakikita na ganto kasaya si Papa. Haaay. Bahala na.

Lumapit ako sakanya, sabay yakap.

"Pa, Masaya ka naman sakanya diba?"

Naramdaman ko yung pag tango nya. Napangiti nalang ako.

"Yun naman pala eh. Edi gora na! Drama mo kasi eh. Di bagay." Sabay punas ko ng luha sa mukha ko.

Umalis sya sa pag yakap sakin sabay ngiti.

"Hindi ka galit?"

"'to naman si papa eh. Syempre hindi. Kaya pala gumagwapo ka ngayon ah. Tsss." sabay ngiti ko.

"Salamat, anak. Salamat." sabay yakap ulit sakin.

Sa totoo lang, ang saya ng feeling. Finally, nakahanap na rin si papa ng kasiyahan nya. Yun naman gusto ko sakanya eh. Pero syempre, si mama parin ang only one namin.

"Nga pala... kelan ko sya makikita? Maganda ba sya? Ha?" sabay hila ko sa damit ni papa.

Tumawa lang si Papa.

"Nak, yun nga eh. May sasabihin pa ko sayo."

"Ha? Ano?"

"Pwede bang.. dito na sila tumira?"

"Oo nam--- Teka. Sila?"

"Oo. May anak din kasi sya eh. Pero wag ka mag alala, wala na rin syang asawa. Tsaka mabait naman yung anak nya kaya magkaka sundo kayo nun."

"May magagawa pa ba ko? Sige na nga. Basta ikaw." sabay ngiti.

Pagkatapos namin kumain ni Papa, umakyat na ko para matulog.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising para pumasok. Kaya nag lakad ako palabas ng subd. para maka pag exercise man lang kahit papano.

Habang naglalakad, bigla akong may nabangga kaya nahulog yung mga libro ko. Kainis naman. Kaya ayoko magdadala ng maraming libro eh. Nakalimutan ko kasi ilagay sa locker.

Pero imbis na tulungan ako, dire-diretso lang yung nakabangga sakin. Aba. Tibay nun ah.

"Excuse me!" Napatigil sya.

"Sorry ha?! Di kasi ko tumitingin sa dinadaanan ko eh! Sorry!!!!" Isaid with a sarcastic tone. Nakaka stress to. Tsss.

Nakatalikod sya kaya humarap sya sakin. And oh geez. Bakit may ganto ka gwapong nilalang?!

Tumingin lang sya sakin sabay smile. Yng mayabang na smile? Pusa. Ang yabang ha! Pssssh!

Di ko nalang sya pinansin dahil baka malate pa ko sa school. Haaay. Pampa sira ng araw eh.

School..

Pagkatapos ko maglocker, pumasok na ko sa classoom. Pagkapasok ko, nakita ko agad si Troy. Sabay ngiti sakin. Haaay. Pano ba naman masisira araw ko? Ngiti palang ng boyfriend ko, kumpleto na araw ko. :''>

Nginitian ko din sya sabay upo sa upuan ko. Pumasok na yung adviser namin kaya nag ready na ko. Kinuha ko yung notebook ko sa bag sabay tingin sa harap. 

Pero parang may mali. Y-yung kasama ng adviser ko.....

"Everyone, meet your new classmate, Tyler Jake Garcia."

Okaaay. Mala pelikula na pala ngayon ang buhay ko? Bakit kung sino pa yung kinaiinisan ko, sya pa yung magiging ka klase ko. Haaay. Badtrip talaga.

Bigla ko nalang narinig yung mga classmate ko na naghihiyawan. Kung alam lang nila ugali nang taong yan. -.-

Ngumiti lang sya sakanila sabay upo sa upuan nya. At ang upuan nya, sa tabi ko. Badtreeeep.

Tumingin ako sakanya. Sabay irap. Lord naman.. bakit 'tong tao na to pa? tsss.

Recess.

"Hoy, gf!" napatingin ako sa gilid. Si Jamie pala.

"Oh?"

"Gwapo no?" sabay ngiti.

"Ha?"

"Sus. Kunyari pa. Yung new student. Takte. Kung wala lang talaga kong..."

"Tumigil ka nga dyan. Nako. Kung alam mo lang ugali nung taong yun."

"Whaaaat?! Kilala mo sya?!"

"O.A lang teh. Hindi no! Sya yung lalaki na nakabangga sakin kanina. Yung knwento ko sayo na mayabang?"

"Ayyy! Di mo naman sinabing mayabang na gwapo!"

"Whatever, gf. Dyan ka na nga. Iniintay na ko ni Troy sa canteen."

"Suus. Sige na. Seeya later."

Palabas na ko ng classroom ng may bumangga sakin. Tinignan ko sya.

"Ikaw nanaman?!" Nakakainis na. Bat ba ang hilig nya mambangga?!

"Miss. Wag magpahalata na crush mo ko. Obvious eh." sabay ngiti ng nakakaloko.

A-ano daw? Crush?! Yuck. Di ba sya kinikilabutan?

"Excuse me. Una sa lahat, hindi ikaw yung tipo ko. At pangalawa, padaanin mo ko dahil hinhintay na ko ng boyfriend ko." I flash him my super fake smile.

Binangga ko sya nung umalis ako. Hah. Dapat lang yun. Yabang eh. Pero bago yun, nakita ko sya na nag smirk. Laki ng problema ng taong yu eh. Tsss.

"Babe." Sabi ko kay Troy sabay upo sa tabi nya.

"Oh, bat ngayon ka lang?" tanong nya.

"Ha? Wala. Tara, kain na tayo." Ayoko na ikwento yun sakanya. Napaka seloso pa naman nito. Baka magselos pa sa mayabang na yun.

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon