Chapter 17: The day you said...

128 3 0
                                    

*Jake's POV*

Pagkatapos nang gabing yun, hindi ko na masyado pinapansin si Kate. Medyo iniiwasan ko din kasi parang unti unti na kong nahuhulog sakanya. Teka. Ano daw? Ang gay. Naguguluhan talaga ko. Hindi naman ako ganto dati ah.

Dati okay lang sakin kahit hindi ko sya makausap ng buong araw. Yun naman gusto ko. Kaso parang may mali eh. Bigla bigla ko nalang sya gusto asarin. Bigla bigla ko nalang gustong tumawa. Bigla bigla ko nalang sya gustong.. makita? Nak ng. Labo!

Pagpasok ko sa room, may nagbigay sakin ng cookies. Hindi naman talaga ko mahilig sa cookies kaya lang.. nakatingin si Kate. Masyado na sigurong masama tingin nya sakin. Pwede naman maging mabait kahit minsan diba? Kaya kinain ko. Teka. Ba't ko ba iniisip yung sasabihin ng babaeng yun? Ch.

---------------------------------

Nag cocomputer ako ngayon at ini-stalk ang profile ni Kate. Tignan mo 'tong babaeng to.Halata namang para sakin yung status nya eh. Bwahaha.

'So close yet so far. -.-'

Ganto ba epekto ng pag iwas ko sakanya? Hah. Madalasan nga sa pag iwas. Hehe. Kaso biglang may kumatok sa pinto.

Lumapit ako sa pinto pero pinapakinggan ko lang. Baka mamaya si Kate eh. Ilang beses pa sya kumatok pero di parin nagsasalita. Ch. Si Kate nga to.

Ilang saglit lang.. tumigil na sya. Tignan mo yun. Ang bilis sumuko. Tss. Pabalik na sana ko sa kama ng..

"WAAAHHHHH! TULONG! TULONG! MAGNANAKAAAAAAW!"

Binuksan ko agad yung pinto at hinanap yung magnanakaw. Nako. Mapapatay ko yang magnanakaw na yan pag sinaktan nya si Kate!

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Nakita ko si Kate sa labas ng kwarto ko at naka hawak sa kamay nya sabay...

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHAHA!" Nak ng. Naloko ko dun ah! Kate Mendoza, ba't mo ko pinapahirapan ng ganto? Gay.

Inaway away ko lang sya hanggang umalis sya sa harap ko. Nakakainis eh. Pag sakanya, hindi ko lagi matiis. Psh.

Pero bago matapos ang away namin.. meron syang sinabi na ikinagulat ko.

"Ewan ko sayo! Ok fine! Kung ayaw mo ko kausapin, ayaw din kita kausapin! Hindi porket pinuntahan kita kasi namimiss kita ginaganto mo na ko! Bahala ka sa buhay mo! GOODNIGHT!"

Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko niregaluhan ako ng isang brand new car. Saya sa feeling.

Anong oras na pero paulit ulit parin sa isip ko yung mga sinabi nya. Hanggang sa hindi ko namalayan..  hawak ko na pala yung cellphone ko at nakita ko yung number ni Kate.

Nakakaasar na ah! Hindi, Jake. Hindi pwede yan. May boyfriend na nga yan eh. Tumigil ka. Gwapo ka naman eh. Kaya mong tiisin yan. Tama. Kaya kong tiisin.

Tiisin mo.. Tiisin mo... Tiisin.... Aissssh! Ba't ba di kita matiis?

""Ano!" Tss! Kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to!

"Pst." Tanga, Jake! Anong pst?

"Ano nga!" Ay pusa. Ba't ka ba kasi kinakabahan?

"Hmm." 

"Ano nga sabi! Pag di mo tinigilan yan ibaba----" 

"Sorry kung hindi kita pinapansin. Masyado ko nagugulahan sa nangyayari. Sinubukan kitang layuan kasi alam kong hindi ka naman sakin. Kaso bawat oras na nilalayuan kita.. unti unti akong nanghihina. Kate Mendoza. Makinig ka. I like you. I like you. I like you. Yun lang. Goodnight."

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon