Chapter 7

136 1 0
                                        

*Kate's POV*

Hindi ko nalang muna inisip yung pinag usapan namin ni Jake kanina. Nakaka sira ng araw eh. Psh. Nandito ko ngayon sa DQ. Sabi nya kasi mala-late sya ng onti kaya dito muna ko pumunta. Maya maya lang nakita ko na sya papunta sakin kaya tumayo na 'ko then lumapit sakanya. 

Pagka kita nya sakin, nag smile sya. Haay. Na miss ko yung smile nya na yun. Nag smile ako sakanya then bigla nya kong niyakap.

"Babe?"

"Sorry ha. Na miss kita eh." sabay kiss sa ulo ko.

"Miss agad? Kaka kita lang natin kahapon ah?" 

"Tss. Kahapon pa yun" sabay smile.

Sino ba namang di kikiligin dito? Sweet boyfriend, c'mon! :''>

Gumala muna kami. Tingin dito, bili don. Then nanuod din kami ng sine. After that, kain muna kami sa isang restaurant then arcades naman. Mga 2 hours din kami dun. Ang adik no? Hehe. Parehas kasi kaming mahilig dun eh. Palabas na kami ng nakita ko si Jake. Ano namang ginagawa nung lalaking yun dito? Hmf. Di ko nalang pinansin. Ganda na nga ng araw ko baka masira pa ulit.

Naglalakad na kami ni Troy ng biglang may humarang na motor sa harap namin. Tss. Yung demonyong kapatid ko nanaman. Yuck. Kapatid? Gross.

"Sakay."  sabay point ng lips nya sa likudan nya.

"Ayoko nga. Umuwi ka na. Ihahatid ako ni Troy."

Biglang ang sama ng tingin ni Jake kay Troy. 

"Sasakay ka o sasabihin ko?" sabi nya sabay tingin sakin.

Haaay. Badtrip. Kung di lang talaga dahil kay Troy nasapak ko na to eh. Psssh. Paniraaaa! Tumingin ako kay Troy then nag nod naman sya.

"Sorry babe ha? text kita pag naka uwi na ko. bye."

"Sige. Ingat ka." sabay kiss sa forehead ko.

Shizzz. Ayan nanaman. Namumula nanaman ako. Para kong bata eh. Enebey.

Sumakay na ko sa motor ng mayabang na 'to then pina andar na nya yung motor. Kumapit ako sa balikat nya. Grabe ha. Ang bilis nya magpa takbo.

"Gusto mo mamatay? Kumapit ka ng mahigpit sa bewang ko. Pag ikaw nahulog iiwanan kita dyan."

Napaka sama talaga nitong lalaking to! Nahulog na nga ko iiwan pa ko. Badtreeep! Lalo pa nyang binilisan kaya kesa sa bewang ako kumapit, nahawakan ko yung tyan nya. And-- ohgulay. Hello, abs.

Ay ano ba 'tong pinagsasabi ko. Kalma, kate. Abs lang yan. Errr. Nafeel ko yung pag ngiti nya kaya tinignan ko sya ng masama.

"Di kayo bagay." sabi nya habang nakatingin parin sa daan.

"Whatever. Kahit anong sabihin mo, mahal ko parin yun." sabay irap.

"Wala kayong chemistry. Kadiri. Di hamak naman na mas gwapo ako dun." sabay smirk.

"Araaay!" nahampas ko tuloy yung braso nya.

"Tigilan mo nga ko. Wala nang iba pang babagay sakin. Sya lang."

"Tss. Bahala ka nga. Isumbong kita dyan eh."

*Jake's POV*

Aaaah. Nak ng. Amboring. Wala ko magawa! Tinext ko si Kyle. Kaibigan ko. Sabi ko samahan nya kong gumala. Magkita nalang kami sa mall. Pagdating ko sa mall, pumunta ko sa DQ. Ewan ko kung bakit dun ako dinala ng paa ko.

Pag upo ko, nakita ko si Kate. Napatingin lang ako sakanya. Habang hawak nya yung cellphone nya, ngumiti sya. Nagulat ako. Unang beses ko makita 'tong babaeng 'to na ngumiti. Bagay naman sakanya eh. Kaso pag kausap nya ko, lagi nalang naka simangot. Ang lakas lakas pa ng boses. Sakit sa tenga!

Ilang minuto lang, dumating na yung Troy ba yun? Psh. Di naman gwapo. Maya maya lang, dumating na si Kyle. Gumala kami tapos arcades. At pag minamalas ka, nandun din pala sila. Nakakainis talaga 'tong Kate na 'to. Parang bata! Ang ingay ingay! Tss.

Pagkatapos nun, pauwi na sana ko. Kaso nakita ko si Kate tsaka yung boyfriend nyang di gwapo. Hinarang ko sila. Ewan ko ba. Nakakairita silang dalawa pag mag kasama.

"Sakay."  sabi ko. 

Ayaw pa umuwi. Badtrip. Sya na nga tinutulungan eh. Ayaw pa. Maya maya pumayag na rin sya. At ang sakit sa mata dahil hinalikan pa sya nung Troy na yun sa ulo. Kadiri tignan.

Pagsakay nya, pinaandar ko na agad yung motor ko. Humawak sya sa balikat ako. Eto nanaman. Ba't ba ang lakas ng kuryente nitong babaeng 'to? Binilisan ko pa yung takbo. Napahawak tuloy sya sa abs ko. Hehehe. Di hamak naman na mas may abs ako kesa sa di gwapong boyfriend nito.

Kaso nakakainis. Sinabi ko na nga na hindi sila bagay nun eh. Pinag pipilitan pa. Teka. Ba't ba ko naaasar sakanila? Psh. Bayaan na nga. Para silang bata eh. Nakaka asar. Ts.

-------------

Vote. Comment. :)

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon