Chapter 16: Goodnight.

152 4 2
                                        

*Troy's POV*

After that date, nagpaalam na sakin si Kate. Gusto ko pa sana sya masolo. Palagi nalang kasi sumisingit yung kapatid nya. Tsk. Kung di lang sila magiging magkapatid.. iisipin ko may gusto na yun kay Kate eh. Pero syempre baka naman nababaliw lang ako kaya di ko nalang pinansin.

Nakasakay ako sa kotse namin at nakatingin sa may bintana ng biglang nag vibrate yung phone ko.

From: Babe.

Morning. :)

Napangiti ako. Pero ba't parang may mali? Parang may kulang. Hayy. Nababaliw nanaman ako. Nireply-an ko nalang sya. After nun di na sya nag reply. Truth is this past few weeks parang napapansin ko na may nagbago kay Kate.

Medyo cold. Wala na sya masyadong time. Di na ganun ka sweet. Yung spark sa mata nya.. parang unti unti nang nawawala. Pati ba yung spark namin.. nawawala na din?

Pero hindi. Syempre hindi pwedeng mangyari yun. Kahit anong mangyari.. hindi ko sya i-g-give up. Alam kong mahal nya ko. At sana.. wag dumating yung panahon na ibang tao yung pipiliin nya kesa sakin.

Kelangan ko gumawa ng move. Para hindi sya mawala sakin. Mababaliw talaga ko pag nangyari yun. Ang babaw no? Sino ba namang tanga ang gustong mawala yung taong pinaka mamahal nya?

*Kate's POV*

Pagpasok ko sa room, bigla akong sinalubong ni Troy. Parang ang weird nya ngayon. Meron ba kong di nalalaman? Bigla bigla nalang kasi nya ko niyakap tapos bigla bigla din nagsasabi ng I love you. Alam mo yun? yung parang.. like what happened? Diba? Arte lang. Char.

Pag upo ko naman, sinabihan nya ko na sabay daw kami umuwi. Di na muna daw sya a-attend ng practice nila kasi mas mahalaga daw ako sa lahat ng bagay. Ano bang nagawa ko? May kasalanan siguro 'to.

"Hoy." Ngumiti sya sakin.

"Bakit, babe?"

"Anong meron? May kasalanan ka no? Umamin ka! Ano yun?!!!" Tumawa naman sya sabay ginulo yung buhok ko.

"Ikaw talaga, babe. Ang ganda mo lang talaga. I love you." Kinurot nya ko sa cheeks tapos umalis na. Ganto ba talaga epekto ng make over ni Jamie? Ayos ah. Hihi.

Pero ba't ganun? Parang may iba. Parang hindi na ko masyado tinatablan ng ngiti nya? Dati isang ngiti lang nya.. buo na araw ko. Pero bakit parang may kulang? Parang may hinahanap ako na something. Ugh.

Bigla naman pumasok si Jake. Isa pa 'tong demonyong 'to. Pagkatapos nya ko asarin kagabi hindi ako pinapansin. Parang iniiwasan nya ko. Pag tatanungin ko naman one word lang lagi sinasabi. May nasabi ba ko? O nagawang mali? Ba't parang ang weird ng mga tao ngayon?

Pag upo nya, lumapit sakanya yung isa kong classmate. At hindi lang basta babae dahil sya ang muse ng classroom.

"Ahmm. J-jake.. A-ano kasi.. Amm.. n-nag bake ako ng cookies for you." Nanlaki naman yung mata ko habang si Jake nakaupo lang na parang walang naririnig. Sigh. Ano nga ba inaasahan ko sa demonyong alien na 'to?

Pustahan tayo itatapon lang nya yan. Psh. Ganyan naman yan eh. Nung isang isang araw nga may nagbigay sakanya ng cake, tinapon lang nya. Devil talaga.

Pero mas nagulat ako sa nakita ko dahil kinuha nya yung box. Binuksan nya at kinain yung cookies. Halos lahat ng nasa classroom nagulat sa ginawa nya. Mahihimatay na nga yata yung babae eh.

At eto pa ang nakaka gulat. Nag smile sya sabay..

"Thank you."

Naghiyawan yung mga tao dito then parang nahimatay yung babae. Halos malaglag naman yung mata ko dahil sa ginawa nya. Is this really true? Nananaginip lang ba ko? Unbelievable.

My secret l♥ver.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon