2nd Page: Saved by the Princess

384 22 1
                                    

SHE'S THE MAFIA PRINCESS
2nd Page: Saved by the Princess

Andrew's POV

"Aish. Another code to decipher? Hindi ba sumasakit ang ulo nila kakasolve niyan?"

Nakadapa ako sa kama ko habang nagbabasa ng Wattpad. Detective Files ang binabasa ko at nasa File 3 na ko. I was half way through the chapter nang biglang nagring ang phone ko.

The caller ID registered Kai's number kaya agad ko itong sinagot.

"What do you want, Kai?"

[Drew. Are you busy?]

"Hindi naman. Bakit?"

[Can you do me a favor?]

"It depends on what kind of favor it is."

Narinig ko ang pagsara ng isang pinto ng kotse sa kabilang linya.

[Uh, papunta na kasi ako sa school. Nagtext kasi si coach at napaaga ang soccer practice namin. Um, pwede mo bang daanan 'yung inorder ni mommy na cake sa bakeshop malapit sa subdivision at ihatid sa kanya sa bahay? Malalate na kasi ako kaya hindi ko na madadaanan.]

I looked at my wrist watch. It was almost 11am. 2 hours more bago magstart ang classes. Afternoon classes kasi kami ni Kai. Actually, kaming mga 4th year, pati na rin ang 3rd year ang afternoon classes habang morning classes naman ang 1st year at 2nd year. Iyon talaga ang schedule sa Zeighrin High. Mas mabuti nga iyon dahil hindi ako morning person.

I sighed, "You owe me for this," sambit ko bago inend 'yung call. Inilapag ko ang cellphone ko sa kama at pumunta na ng cr para magbihis. Mamaya ko nalang itutuloy ang pagbabasa ko.

After kong magbihis, bumaba na ko. Naabutan kong nakaupo sa sofa si dad at kasama si Brynn..?

Napakunot ang noo ko. Bakit andito 'to? Hindi ba dapat papunta na 'to ng school?

"Brynn?"

Napatingin ito sa akin at pilit akong ningitian, "Hehe. Hi, kuya. Aga mo namang aalis."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano nanaman ba ang nangyari?"

"Tanungin mo 'yang kapatid mo, Andrew. Nagcutting nanaman ng klase para lang pumunta sa mall," inis na sambit ni dad. Agad ko namang sinamaan ng tingin si Brynn.

"E kuya! Last minute sales na kasi sa Forever 21."

I rolled my eyes at her. Nagcutting siya para lang magshopping? Wow. Remind me na kapatid ko itong shoppaholic na babaeng 'to.

"Bakit ka nandito? Bakit di ka nalang bumalik sa school after shopping?"

Pilit itong tumawa sakin at tiningnan si dad. "Turns out na hindi ito ang unang beses na nagcutting siya. Nahuli siya ng principal kaya ayan. Sinuspend ng 1 week."

Okay, that's it.

"You are grounded for a week, young lady." Nanlaki ang mga mata niya, "What?! You can't do that!"

"Of course I can. I'm older than you. At dahil dyan, you're grounded for 2 weeks."

Mas nanlaki pa ang mga mata nito. Tumayo siya at nilapitan ako, "Kuya naman e. Please. Please don't ground me. Kuya please. Please. Please. Alam mo namang ikaw ang pinakagwapong kuya para sakin di ba?"

She's The Mafia Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon