15th Page: Special Chapter#1-Fallen Angels [Clyde&Niko]

170 11 6
                                    

WARNING: This chapter is rated SPG. May mga maseselang scenes na hindi pwede sa mga bata. So please, be open-minded.

SHE'S THE MAFIA PRINCESS
15th Page: Special Chapter#1-
Fallen Angels [Clyde&Niko]

Clyde's POV

"Ano ba 'yan, Clyde. Ang init-init tapos nakajacket ka! Tapos naka-long socks ka pa!" Kunot noong saad ng teacher ko, dahilan para magsitawanan ang mga kaklase ko. "Tsaka bakit ka nakaface mask? May ubo ka ba ha?"

"N-nanlalamig po k-kasi ako," mahina kong saad, pagkatapos ay yumuko.

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng teacher namin, at napapikit nalang. Inistretch ko ang sleeves gg jacket ko, hanggang sa maabot nito ang mga kamay ko. Inistretch ko rin ang long socks ko, hanggang sa maabot nito ang tuhod ko. Inayos ko ang palda ko, at siniguradong walang balat ang makikita mula sa akin.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ng katabi ko. Nang mapatingin ako sa kanya, puno ng pag-aalala ang mukha niya.

"Nanaman?" Tanong niya sa'kin. Napangiti nalang ako sa kanya, at mahinang tumango. Napabuntong hininga ulit siya, at hinawakan ang braso ko, "Clyde--"

"Okay lang, ano ka ba. Sanay na rin naman ako." Pilit akong tumawa at ngumiti, baka sakaling tumigil na siya sa pag-aalala. Magsasalita pa sana siya, pero biglang sumigaw ang teacher namin.

"Niko! Late ka nanaman!"

Napatingin kaming lahat sa pinto, kung saan kakapasok lamang ng isang lalaking nakasuot ng gusot na gusot na uniform, magulo ang buhok, at nakasabit ang salamin nito sa kanyang polo.

"S-sorry po, ma'am," nakayukong sabi nito, at mabilis na umupo sa kanyang upuan. Inayos niya 'yung sarili niya, at sinuot ang salamin, bago inilabas ang libro, at nakinig na sa klase.

Lumipas ang mga oras, dumating na rin sa wakas ang uwian. Agad akong tumayo, at lumabas na ng room. Bawat hakbang ko, ramdam ko ang pananakit ng katawan ko. Mula sa mga paa ko hanggang sa mga braso ko, pati likod ko, sumasakit ng sobra. Pero tiniis ko. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Mas malala pa ang makukuha ko kapag hindi ako nagpatuloy.

Pagdating ko sa bahay, agad akong dumeretso sa kwarto ko. Naghubad ako ng uniform, at nagbihis ng pambahay. Ginawa ko ang mga assignment ko, at tahimik na nakikinig lamang sa music. Maya-maya ay narinig ko ang malakas na pagkalabog ng pintuan. Nakaramdam agad ako ng takot at kaba, at hinintay na lamang na marinig ang pagtawag niya sa akin.

"CLYDE! HALIKA RITO! NASAAN KA!'

Napapikit ako, at pinigilan kong kumuwala ang mga luha ko. Lakas loob akong lumabas ng kwarto, at hinarap siya.

"P-po?"

Tumingin ito sa akin. Base sa tindig nito, halatang lasing nanaman siya. "Bilhan mo ko 'dun ng beer sa tyange!"

"P-pero sabi ng doctor, malala na raw ang atay ninyo. Itigil niyo na raw po 'yung pag-iinom."

"Ano?! Wala akong pakialam sa sinasabi ng doctor! Bilhan mo ako doon, kung ayaw mong mabugbog ko nanaman!"

"O-opo!"

Dali-dali akong kumuha ng pera sa ipon ko, at tumakbo papunta sa tyange.

She's The Mafia Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon