6th Page: Peir

241 15 21
                                    

[Binago ko po 'yung huli kaya mas mabuti kung magscroll down nalang kayo kasi yun lang naman po ang nabago.]

SHE'S THE MAFIA PRINCESS
6th Page: Peir

Andrew's POV

"Wyatt, I'm scared," wika niya habang nakahawak ito sa braso ko. Ramdam ko ang pagnginig ng katawan niya dahil sa takot.

"Ssh. Baka marinig tayo ng mga multo, Mad."

Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko, "Wyatt! Ayoko na. Bumalik na tayo sa baba, please. Natatakot na ko!"

"Sssh. Wag ka ngang maingay, Mad. Sige ka. Magigising mo sila."

"Wyatt naman e. Natatakot na talaga ako! Halika na!"

"Saglit nalang talaga."

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakasunod siya sa likod ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng mahinang pag-iyak kaya napalingon ako sa kanya.

"Sssh. Wag ka nang umiyak, Mad. Sorry na. Andito naman ako e. Wag ka nang matakot."

"B-bumalik na kasi tayo sa baba. Ayoko na dito."

"Hay. Kahit kelan talaga. Matatakutin ka. Halika na nga, Madison."

..
..
..

I sat up and rubbed my eyes. It's those dreams again. Gabi-gabi ko nalang ba mapapanaginipan 'yung babaeng 'yun?

Hindi ko nalang ito pinansin at naligo na. Maybe, ilusyon ko lang ang lahat. Siguro sabik na ko magkagirlfriend kaya nag-imbento ako ng babae sa panaginip ko.

NGSB e, sorry naman. Di naman ako kasing-gwapo ni Kai e. Kung naghahanap kayo ng gwapo, dun na kayo sa kanya! Di kayo loyal sakin. Tampo na ko niyan >.<

She's The Mafia Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon