8th Page: Beast, Maleficent, and the Unknown Spy

187 18 6
                                    

A/N: Waaaaaaah! Naka-update rin sa wakas >.< sorry hindi ako nakapag-UD for a while. Tinamad si author e. Patawarin!

Shout out kay Dimsmile_ at TheSilentOne12. Thank you sa mga comments! I'm glad na natatawa kayo kahit wala akong sense of humor. -.-"

I decided na kay Andrew nalang ang gagamitin kong POV for this chapter. Ayoko munang magspill ng mga secrets agad agad kaya wag muna ipa-POV si Prism. Hope you guys understand ;)

Anw, enjoy reading silent readers! Mwaah :3

- Gelique

****

SHE'S THE MAFIA PRINCESS
8th Page: Beast, Maleficent, and the Unknown Spy

Andrew's POV

For almost a month I've been with Prism, I was always scared to death. It was either getting pointed by a gun, chased by goons, or getting badmouthed by the mafia. And all of them happen when I stick my nose into other people's business.

Baka tama nga si Prism.

I am a death magnet. Kung saan ang mafia, palagi akong nakabuntot. Kung saan delikado, palagi akong nakasunod. Aywan. Malakas ang loob ko palagi kapag papasukin ko palang ang problema. Pero kapag andun na, nawawala lahat ng lakas ng loob ko, at parang isang batang takot na takot.

I'm just lucky enough to have Prism saving me from trouble, ngunit ngayon, hindi ko alam kung siya pa rin ba ang magliligtas sa aming dalawa, o kakailanganin niya rin ang tulong ko.

Patuloy lang ang pagkamot ko sa paa ko dahil sa kati na idinudulot ng mga damo na pinagtataguan namin. Andito kami ngayon sa likod ng building kung saan pumasok sina Lique at ang lalaki. Yes, sinundan namin sila hanggang sa loob.

It was Prism's decision, not mine. Kaya hindi ako ang death magnet ngayon kundi si Prism. I'm just tagging along, kahit na hindi ko pa rin alam kung ano ba ang pinagsasabi niyang Shaded Red Devils, kung sino ba 'yung mga lalaking nakapulang maskara, at kung ano ang koneksyon nila kay Lique. Magulo pa rin sa akin ang lahat, pero may basehan na ako kung ano talaga ang meron dito. At 'yun ang mafia.

Nakasilip lang kami sa mga bintana habang nakatago sa maliit na garden sa likod ng building. Wala pa kaming nakikitang ibang tao maliban sa dalawa.

Nakita kong lumabas si Lique sa back door at umupo ito sa ilalim ng isang puno sa tapat namin. Wala na itong suot na maskara kaya kitang-kita ko ang seryosong mukha nito. Ngayon ko lamang nakitang ganito kaseryoso si Lique. Palagi itong nakangiti at mukhang masiyahin na tao. Iyon kasi ang nakikita ko na ugali niya sa campus. I guess... hindi pala lahat ng nakikita mo totoo. Minsan, parang namamalikmata ka lang. Akala mo nakita mo, pero 'yung totoo, hindi naman pala.

May kausap ito sa telepono at mukhang naiinis siya sa kausap niya dahil nakakunot ang noo nito. "Alam ko kung anong ginagawa ko, Beast! Hayaan mo ko sa plano ko," singhal ni Lique bago niya inend 'yung call.

Lumabas ang lalaki sa back door at nakangising lumapit kay Lique. Wala na rin itong suot na mask ngunit hindi familiar sa akin ang mukha niya. "Chill ka lang, Maleficent. Matatapos din natin 'yang FDA na 'yan."

She's The Mafia Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon