5th Page: Kai meets the Princess

275 18 8
                                    

SHE'S THE MAFIA PRINCESS
5th Page: Kai meets the Princess

Andrew's POV

I stood still as a pair of piercing eyes stared at me habang nakatutok sa akin ang baril na hawak niya. 'Yung totoo? Kotang kota ko na ang matutukan ng baril! E kung ipaputok na kaya nila 'yan para tapos na ano?!

"Josh, drop the gun," madiin na sabi ni ate Ashtin ngunit hindi ito pinansin ni Josh. Pinanliitan niya ako ng mata, "Alam mo, kanina pa kong nangangati na patayin ka e. Pasalamat ka nalang na hinila ka na ni Princess bago ko pa mailabas ang baril ko."

Hindi ko alam kung bakit galit 'to sa akin. Ang alam ko lang e, pagbaba namin ni Princess, bigla nalang akong hinila at pinatutukan ng baril.

"First, you messed with our transaction. Now, you're here in the mafia mansion, knowing all our secrets. Hindi ko alam kung bakit ka pinagtitiwalaan ni Princess kahit na ang alam mo lang gawin ay ang mangialam. Ngayon, maaring masira ang mafia pag nalaman ito ng iba. I should just kill you to shut you up."

Ilang beses ko ba sasabihin sa mga 'to na hindi nga ako magsasabi?! Gusto ko mang ipagsigawan sa mukha niya iyon, pero alam kong pag ginawa ko, agad akong babarilin nito. Kaya mas mabuti nang play it safe.

"I won't tell anyone."

"That's what you said the last time. How can you assure us na hindi ka magsasabi?" Seryosong wika ni Clyde sa likod ko.

Putek 'yan. Pati ba naman 'tong babaeng 'to, gagatong pa?! Takot na takot na nga ako sa Josh na 'to, makikisama pa siya! Halatang ayaw talaga sakin ni Clyde. >.<"

"Kill him then." Napatingin kaming lahat kay Prism nang bigla itong magsalita. "If he spills everything, kill him. That'll scare him."

Seryoso ba 'tong babaeng 'to?! Ipapapatay niya ako sa mafia kapag nagsabi ako? Kahit na alam kong hindi naman ako magsasalita, hindi pa rin ako sigurado kung mananahimik ako. Madaldal pa naman ako paminsan-minsan.

Lumapit samin si Prism at tumabi ito sa akin. "Are you out of your mind?!" Bulong ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

"I'll be the one to kill him myself," punong awtaridad na saad ni Prism. Hindi ba 'to marunong mag-Tagalog? English siya ng English e.

Hindi na nakasagot si kuya Josh kasi hinila na ko ni Prism papalabas ng mansion.

Oo. Kahit tinutukan na ko ng baril nun, tatawagin ko pa rin siyang kuya. May respeto pa rin naman ako no.

At pansin ko, ang hilig manghila ni Prism. Siya kaya kaladkadin ko? Ay wag na pala. Baka barilin pa ko ng di oras.

Sumakay na kami sa kotse niya at umalis na. Siya syempre 'yung nagdrive. Di pa nga ako marunong di ba?

"Where do you live?" Tanong niya sakin.

Wow ha. Di ba dapat ang lalaki ang magtatanong nun at ang hahatid sa babae? Not the other way around. Iyon kasi ang nababasa ko sa Wattpad ^_^ Pero sa bagay, hindi ko naman alam kung babae ba ito o tibo e.

"Um, alam mo ba 'yung Cakes and Pastries na bakery? Doon nalang. May dadaanan pa kasi akong cake."

She nodded at iniliko niya ang kotse. Nanahimik ako sa buong byahe. Mute din naman 'tong kasama ko kaya pareho lang kami. Siguro kung palagi kaming magkasama, ang tahimik at boring.

She's The Mafia Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon