14th Page: Taking What's Mine

100 9 4
                                    

SHE'S THE MAFIA PRINCESS
14th Page: Taking What's Mine

Andrew's POV

As soon as the word 'restaurant' came out of Clyde's mouth, I bolted out of the house. Hindi na ko nag-aksaya ng oras pa, at lumabas na ng mansion, para mag-abang ng taxi. Pero nakakalimang hakbang palang ako, bigla akong tinawag ni Josh, dahilan para matigilan ako, at mapalingon sa kanya.

"Ihahatid na kita," saad nito na ikinagulat naman ng lahat. Pero nanatili silang tahimik, at hindi nagsalita. Tumango ako bilang sagot, dahil hindi ko naman ito matatanggihan lalo't nang alam kong kailangan ko rin ang tulong niya.

Nagmadali kaming pumunta sa garahe, kung saan nakapark ang kotss niya. I took the seat beside him, at pinaharurot niya na ang kotse.

Nabalot ng katahimikan ang kotse. Ni isa sa amin, walang may umattempt na magsalita. Well, hindi naman kasi kami 'in good terms' nitong si Josh. I exactly remembered he pointed a gun at me before. At alam kong kahit siya, ramdam niya rin ang tension saming dalawa. Pero. Nacucurious ako kung bakit inalukan niya ko ng tulong, e, ayaw niya nga sa'kin.

Binuksan ko 'yung bibig ko, at pinilit ang sarili ko na magsalita, "B-bakit mo ginagawa 'to?"

He kept his eyes on the road, pero nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya, "What do you mean?"

"Bakit..mo ko tinutulungan? We aren't exactly friends."

Nawala ang pagtataka sa mukha niya, at napalitan ito ng pagkaseryoso. Napansin ko ang pagbagal ng paghinga niya, at ang paulit-ulit niyang paggalaw ng kamay niya sa manebela.

"Cause I know you can treat her better than I can."

Natigilan ako sa sinabi niya, at agad agad akong napatingin sa kanya, "May gusto ka kay Prism?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. May gusto siya kay Prism? Ba't hindi ko nahalata 'yun?

Bigla siyang natawa na parang nakakatawa 'yung sinabi ko. Umiling-iling siya, at napakagat sa labi niya. Maya-maya ay hindi niya na rin napigilang mapahagulgol.

"It's funny how I'm helping the person who's in the way of my happiness. Dapat nga hindi kita tinutulungan e. Dapat ipinaglalaban ko kung ano ang gusto ko. Pero you know what?" He stopped for a second, para tingnan ako, pero agad niya namang binalik ang tingin niya sa daan. "Narealize ko na kung sakaling makuha ko man si Princess, alam kong hindi rin siya magiging masaya kasama ako. At alam kong magiging masaya lang siya kapag ikaw ang kasama niya. Kaya ako nagpaparaya. Para sa kaligayahan ng taong mahal ko. Kaya kita tinutulungan, kasi kung meron mang lalaki ang makakuha kay Princess, mas gugustuhin kong ikaw 'yun kesa sa isang lalaking hindi ko gaanong kilala."

"Hindi mo rin naman ako gaanong kilala."

"Yeah, but Princess does. She knows you more than you think. She cares for you more than you can even imagine. She can risk her life for you. She can die for you. 'Yan ang tatandaan mo."

"Is 3 months of being friends enough for her to risk her life for me?"

"You still don't remember, huh?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naaalala ang alin? "The curious look on your face tells me you still don't. Well, that's a shame."

"Remember what?"

"It's not my place to tell, Andrew."

She's The Mafia Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon