12th Page: BRYNN meets PSYCHE (Short Chapter)

111 9 2
                                    

A/N: Waaaaaaaah~ 1k reads na ang STMP ♡ Thank you thank you thank you thank you thank you talaga ng sobrang dami sa mga readers at sumusuporta sa STMP. This story wouldn't reach this far if it wasn't for you guys. Salamat talaga T^T

And as promised, eto na ang chapter 12. Short chappy lang. Mian :(

This chapter is set on the same day as the last chapter, but this time, it will be based on Brynn and Psyche's perspective. Sa mga nakalimot na kung sino sina Brynn at Psyche. Brynn is Andrew's younger sister (first appearance is on chapter two) and Psyche is Prism's younger brother (first appearance is on chapter three).

Enjoy reading! VOTE and COMMENTS are highly appreciated. Continue to support STMP ♡

SHE'S THE MAFIA PRINCESS
12th Page: BRYNN meets PSYCHE

Padabog akong naglalakad papunta sa classroom habang bitbit ang bag ko. Nasa likod ko si kuya, at nakasunod ito sa mga hakbang ko. Mula bahay, pagdating sa parking lot, pagpasok sa campus, hanggang ngayon nakasunod pa rin. Haaaaayyysss.

"Kailangan mo ba talaga ako sundan hanggang classroom?" Inis kong tanong sa kanya.

"Yes. Kailangan kong masiguradong papasok ka, at hindi magc-cutting classes ulit."

Napairap ako, at ipinatong ang dalawang kamay ko sa bewang, "Kakagaling ko lang ng suspension. Pasaway nalang ako kapag umulit pa ko." Pagkatapos ay tumalikod na ako, at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagdating namin sa classroom, ni isa sa mga classmates ko, wala pa. Masyado kaming maaga umalis ng bahay ni kuya. Ewan ko dito kung bakit kanina atat na atat na pumasok, e, dati nga parang hate na hate niyang pumasok e. Hmmm. Bakit kaya? Baka may inspiration! Si ate Prism ayiieeee. Boto ako dun e ahihi. Ano na kaya estado nung dalawang 'yun? Hindi kasi nagke-kwento si kuya e hmp :<

"Oh, andito na ko. Pwede ka nang umalis," sabi ko sa kanya, pagkatapos kong ilapag ang bag ko sa upuan.

"Wala man lang bang goodbye hug si kuya?" Nakapout niyang sabi. Yuck. Hanggang ngayon, pabebe pa rin talaga si kuya. Tanda mo na huy! Goodbye hug ka diyan. Tsk.

"Umalis ka na ngaaa~" pagpipilit ko, habang tinutulak-tulak siya papalabas ng room. "Iiiiihh! Di ako aalis dito hangga't di mo ko niyayakap!"

"Jusko kuya! 17 ka na huy!"

"Tsk. Naglalambing lang e," padabog niyang saad. Pagkatapos nun ay sa wakas, umalis na rin siya. Yes, finally. Ang childish ni kuya >3< anyare kaya dun? Nasobrahan ata sa almusal kanina.

Napaupo ako sa pwesto ko, at inantay nalang na magsidatingan ang iba. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag, at nilibang nalang muna ang sarili ko, at nanuod ng kdrama. Nangangalahati palang ako ng isang episode, biglang nagring ang phone ko.

Nakalagay ang pangalan ng best friend kong si Izy sa caller ID. Hindi siya nag-aaral dito, pero magkapitbahay kami. Three years na kaming magkaibigan, at siya palagi ang kasama ko sa pagsh-shopping. Fashionista rin kasi 'yun katulad ko.

"Heyyy~"

[Brynnn! Nasa klase ka?]

"Nasa classroom. Pero hindi pa naman oras ng klase namin. Bakit?"

She's The Mafia Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon