SHE'S THE MAFIA PRINCESS
2nd Page: Meeting the MafiaAndrew's POV
"Uh, Princess.. P-pwede na ba kong umuwi?"
Nanginginig akong nakatayo sa tabi ni Princess at nakatingin sa malaking mansion sa harap namin. Ang mansion ng mafia.
She rolled her eyes at hinila ako papasok. "Princess! Ayokong pumasok! Baka patayin nila ako! Gusto ko pang mabuhay! Please! Maawa ka naman sakin oh!"
Kung sina Clyde at 'yung white hair dude pa nga lang, nakakatakot na, pano pa kaya kung 'yung buong mafia na!?
"Tsk. Coward."
"H-hindi ako coward! Sadyang mahal ko lang ang buhay ko," ani ko habang pilit na tinatanggal ang hawak ni Princess sa braso ko. "Tsaka mafia 'yan no! Puro baril lang ang makikita ko dyan. Natrauma na nga ko nung nasa night club. Ayoko pang dagdagan pa."
Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagkaladkad sa akin papasok ng mansion. Hindi na rin ako nagreklamo pa at nagpahila nalang.
Maubusan na ko ng boses lahat lahat, sa tigas ng ulo ni Princess, alam kong wala na akong kawala.
I was expecting a room full of black dahil iyon ang usually na nababasa ko sa mga stories, pero binungad kami ng isang silid na puro puti. Mula sa sofa, dingding, carpet, furnitures hanggang sa mga curtains ay kulay puti.
"Wow. I didn't expect a lot of white," I said under my breath at inikot ang tingin sa paligid.
Tumigil ang tingin ko sa isang rectangular na wood kung saan naka-ukit ang mga salitang Fallen Dark Angels. Ito 'yung pangalan ng mafia nila? So sila nga 'yung tinutukoy ng mga lalaking nakared na mask?
"Who is he, Princess?"
Napalingon ako at halos mamilog ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang babae at isang lalaki na may hawak na baril na itinututok sa akin.
Seriously. Kung makikisalamuha ako kay Princess, I should get used to being pointed with a gun.
"Ikaw nanaman?!"
Napatingin ako sa pintuan at nakita ang kakarating lang na Clyde at kasama nito si white hair dude. Mukhang tama nga si Princess na kaya ni Clyde ang sarili niya kasi buhay ito at walang kagalos-galos ang katawan. Wala na silang suot na mask kaya kitang kita ko na ang mga mukha nito. Medyo nabawasan ang takot ko nang makita ang buong mukha nila.
"Kilala niyo 'yan?" Sabi ng isang babaeng medyo kulot ang buhok. Shoulder level ang buhok nito at kulay itim. Kung titignan mo siya, she seems weak pero base sa tingin nito, parang ang mysterious niya. And that makes her look dangerous at kinakatakutan.
Lahat naman sila kung titignan, hindi mukhang masamang tao. But their eyes tell otherwise. Pag titignan mo sila sa mata, ramdam mo 'yung galit dito. Kaya sila nakakatakot kahit mga mata lang nila ang nakikita nang dahil sa mask.
"He's the intruder from the last transaction," saad ni white hair dude, kaya sinamaan ako ng tingin ng dalawang babae habang 'yung lalaking matangkad ay tiningnan lang ako ng walang ekspresyon ang mukha. May kapareho siya...
BINABASA MO ANG
She's The Mafia Princess
ActionHighest Rank Achieved: #125 in Action [TAGALOG] Behind the mask of an angel, is a demon waiting to unfold Despite the fake smile everyone couldn't tell, Like ice, she is cold She got me wrapped around her finger I'm falling underneath her spell She'...