SHE'S THE MAFIA PRINCESS
3rd Page: Chased by the GoonsAndrew's POV
I let out a sigh at bored na nakatingin sa teacher naming nagtuturo sa harap tungkol sa hindi ko malamang lesson. I'm not a fan of History kaya sobrang naboboringan ako sa klaseng 'to.
I would rather read stories about mysteries and suspense thriller than read stories about World War 3.
"Pssst. Drew."
Napalingon ako kay Kai na nakaupo sa likod ko, "Oh?"
"Sino 'yun?" He asked at tinuro si Princess na nakaupo sa harapan ko.
Pagkatapos niyang magbihis kanina sa cr, dumeretso na kami kaagad dito sa room. Late na kami nun kaya hindi na siya nakapagpakilala sa klase. Mas mabuti na rin iyon. Baka kasi bigla siyang maglabas ng baril at paputukan kaming lahat.
Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko kilala e," pagsisinungaling ko.
Ayokong sabihin sa kanya na magkakilala kami ni Princess kasi baka magtanong siya kung pano kami nagkakilala. Alangang sabihin kong
'Nagkakilala kami sa isang transaction sa night club at pagkatapos niya kong tutukan ng baril sa ulo, naging magkaibigan na kami.'
Baliw nalang ako kapag sinabi ko iyon.
"Ah. Akala ko kilala mo. Magkasabay kasi kayong pumasok kanina."
"Bakit mo naman naitanong, Kai?"
"Type ko."
"Siya?"
"Oo."
"Kung alam mo lang na 'yang babaeng 'yan ay may-ari ng isang baril at posibleng parte ng isang mafia, tingnan natin kung magugustuhan mo pa 'yan," bulong ko.
"Ano?"
"Wala. Sabi ko tumahimik ka na at baka mahuli pa tayo ni mam."
Hindi na siya sumagot at tumingin na sa harap. Ganun nalang din ang ginawa ko at pilit na nakinig sa klase kahit na wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng teacher namin.
After what seems like forever, nagring na ang school bell, kaya nagsitayuan na ang lahat at nagsilabasan na ng room.
"Drew, may practice pa ko. Mauna ka nang umuwi," sabi ni Kai bago isinukbit ang backpack sa balikat, "and thank you pala sa pagkuha ng cake sa bakery. Libre nalang kita ng lunch bukas."
Shit. Ngayon ko lang naalala 'yung cake. Hindi ko nga pala nakuha kasi sinundan ko kanina 'yung dalawang lalaki.
Sasabihin ko na sana na hindi ko pa nakukuha pero kumuripas na ito ng takbo. I guess dadaanan ko nalang mamaya pag-uwi ko.
Dumaan muna ako sa locker ko para ilagay doon ang backpack ko. Mga libro at notebook lang naman ang laman nito kaya iiwan ko nalang para wala na akong gaanong dadalhin.
BINABASA MO ANG
She's The Mafia Princess
ActionHighest Rank Achieved: #125 in Action [TAGALOG] Behind the mask of an angel, is a demon waiting to unfold Despite the fake smile everyone couldn't tell, Like ice, she is cold She got me wrapped around her finger I'm falling underneath her spell She'...