Unang Kabanata

887 36 7
                                    



"Daddy! Daddy!"

Napairap nalang ako at nanatiling nakasubsob ang mukha sa aking unan. Ang aga-aga kasi nanggugulo na naman dito sa kwarto ko si Andy. Hindi ko rin talaga maintindihan ang timpla nitong anak ko. May sapak ata ito.

"Daddy! Wake up po!"

Hindi ko siya pinansin kaya patuloy niyang niyugyog iyong katawan ko. Haynako, paniguradong walang katuturan na naman kasi ang sasabihin nitong batang ito. Wala pa akong sapat na enerhiya para harapin ang isang makulit na Sehun Jr.

"Daddy naman, eh! Gising ka po, eh! Naririnig ko po ang tawa niyo!"

At hindi ko na napigilan ang sarili ko, napadilat na ako ng mga mata at agad na bumungad sakin ang mukha ng isang batang makulit na tila carbon copy ko pero smaller and younger version naman.

"Ano po bang kaylangan natin?" Ani ko at mabilis na umupo sa gilid ng kama. Agad namang tumabi sakin si Andy at pinaglaruan ang mga daliri ko. Sabi na, eh. May kaylangan na naman itong batang makulit na ito sa akin.

"Daddy ano po kasi. . ." He trailed off at bigla nalang namula ang magkabilang tainga niya. "Daddy kasi po ano. . . ."

"Andy Oh. . ."

Napanguso siya at mabilis ko namang sinimangutan iyon. Ayaw ko talaga sa lahat ay iyong nagpapa-cute ang anak ko! Ganito siguro ang nararamdaman nila hyung noong mga panahong hilig ko pa ang aegyo.

"Daddy naman, eh!" Hinampas niya ako kaya hinampas ko siya pabalik. Hindi ko alam na napalakas pala iyon kaya nagulat nalang ako nung nalaglag na siya sa lapag. "Aray! Daddy hindi mo na ba ako love?! Sinasaktan mo na ako!"

Inirapan ko siya at inilahad ang kamay para siya'y makatayo. Ginulo ko ang buhok niya at bahagyang napangiti dahil lumalaki na ang anak ko. "Eh, ano po ba kasi 'yung sasabihin mo? Dami mo kasing segway Andy."

At biglang namula na naman iyong tenga niya. Nababaliw na ba itong anak ko?

"Daddy kasi!" Hinampas na naman niya ako.

Kinikilig ba si Andy?

"Ano nga sabi? Parang hindi ka lalaki kung umasta!" Singhal ko.

Ang aga-aga nagbabangayan na naman kami ng anak ko, lagot ako nito kay Suho hyung kapag narinig niya na namang sinisigawan ko si Andy. Ang kulit-kulit kasi, eh. Sarap itapon, pero mahal ko kasi sariling laman at dugo ko itong batang makulit na ito kaya natitiis ko.

"Sungit naman!" Napairap siya sa akin. Naupo siya ng maayos at saka bumuga ng hangin sa ere. "Daddy may crush na po ako!"

Saglit akong natahimik at sinubukang intindihin iyong sinabi niya pero hirap na hirap akong gawin iyon. "A-ano?" This time, ako naman ang nautal.

"Sabi ko po may crush na ako!" Irap. "Haynako! Gwapo nga ng Daddy ko bingi naman. Sayang!"

Umiling na lang ako at hindi pinansin iyong sinabi niya bagkus tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko. "Tara na, breakfast na tayo."

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Andy at nagdiretso na ako sa baba. Naabutan kong nag-aayos ng dining table si Kyungsoo hyung mag-isa. Agad naman niya akong binati ng Good morning at inabutan ng isang tasa ng kape. Napansin niya atang may kakaiba sa kinikilos ko kaya hindi na siya nagdalawang-isip pang itanong sa akin iyon.

"May problema ba, maknae?" Tanong niya, halata mong concern siya sa tono palang ng pananalita niya.

"Wala naman, hyung. Medyo nabigla lang ng gising kaya ganito," pinagdadasal ko na sana hindi niya mapansin iyong pagsisinungaling ko pero sino ba niloloko ko? Si Kyungsoo hyung ito, eh. "What?"

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon