Ikalabing-apat na Kabata

200 14 0
                                    



Kakatapos lang ng meeting ko sa tatlong representatives ng iba't-ibang kumpanya at ni isa sa kanila ay wala akong nagustuhang portfolio. It's either hindi ako convinced sa mga pros and cons ng pag-iinvest sa kumpanya nila or talagang hindi lang maganda ang naririnig ko tungkol doon kaya inayawan ko. Ayaw ko naman sumugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Itinayo ko naman itong business ko para kay Andy at kela hyung. Pero ngayon, hindi man dahil sa pag-ibig, kaylangan ko pang magsumikap lalo dahil buo na ang pamilya ko. Responsibilidad kong buhayin ang mag-ina ko kaya isang araw pipilitin ko si Jiyoon na tumigil na sa trabaho.

Nagpintig na naman iyong dibdib ko nang maisip ko si Jiyoon. Napailing nalang ako at niligpit iyong gamit ko. Alas-sais na at may hospital naman na malapit dito sa shop ko kaya makakaabot ako. Nagpaalam nalang ako kay Joy at nagdiretso sa sasakyan ko. Mabuti nalang at puro mga businessman ang customer ko ngayong oras. Saktong pagsakay ko kasi ng sasakyan ko ay iyong saktong oras din na dumating iyong mga teenager. Hayaan nila, balang araw, haharapin ko rin sila. As for now, pupunta muna ako sa doktor para magpa-check-up. Mababaliw na ata ako!

"Hi. Any appointments scheduled?" Tanong ng nurse na nasa reception.

"Ah. Walk in kasi ako. Hindi ako nakapag-set ng appointment kasi biglaan lang iyong punta ko rito. Hindi ba pwedeng magpa-check-up ng walang appointment?" Humawak pa ako sa dibdib ko para magpa-awa.

Alam ko pwede talaga dito kahit walang pasabi, eh. Kaibigan ko kasi iyong CEO at isa sa mga doktor dito sa hospital na ito. Ayaw ko lang talagang gamitin iyong pangalan ko kaya nagtatanong nalang ako.

"Pwede naman po. Pero kasi may on-going surgery iyong resident cardiologist namin ngayon kaya hindi niya agad kayo maaasikaso."

Iyong kaibigan ko kasi na may-ari nito ay isang cardiologist slash neurologist. Taba kasi ng utak kaya dalawang specifications o field of study ang inaral niya. Pabibo.

"Okay lang naman sakin na maghintay. Pero gaano ba katagal?"

Napatingin iyong nurse sa log book niya at isa-isang tinignan iyong listahan ng on-going operations. "Nako. Malapit na palang matapos, sir. Sige ia-appoint ko na po kayo. Pwede na kayong pumasok sa opisina ni Dr. Salvador. Tara po?"

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya kahit alam ko na naman talaga kung saan iyong opisina niya. Dati kasi kapag nilalagnat si Andy ay dito ko agad sinusugod iyong makulit na iyon. Nakilala ko si Thunder o mas kilala sa tawag na Dr. Salvador noong isang beses na nag-iikot ako dito dahil nawawala si Andy. Tinulungan niya akong mahanap si Kulit gamit ang awtoridad niya. Nabigla talaga ako noong bigla niyang kinuha sa isang guard iyong walkie-talkie nito at sinimulang utusan lahat ng mga guard on duty noon para hanapin iyong anak ko.

"Dito na po. Kakatapos lang po ng surgery. In five minutes po dadating na si Dr. Salvador," tumango nalang ako at nagpasalamat bago siya umalis.

Naks. Angas talaga ni Thunder ngayon. Ang layo na ng narating. Kilalang-kilala ng neurologist at cardiologist sa buong bansa. Kaso wala namang perpektong buhay diba? Sa kabila ng mga tinatamasa niyang ito, may kakulangan sa kanya. Hindi niya kasi nakakapiling iyong mag-ina niya. Bakit? Sa sobrang busy kasi ni Thunder sa trabaho ay iniwan siya ng asawa niya, dala-dala iyong kambal nilang anak.

"Sehun?" Napalingon ako at nakita ko si Thunder na nakasuot pa ng lab gown niyang kulay asul. "Long time no see!" Tinanggal niya iyong suot niyang mask at hinubad niya na rin iyong gown niya. "Bakit ka napadpad dito?"

Hindi ko naman siya masisisi. Simula noong lumaki si Andy, hindi na kami napapadpad dito. Healthy na kasi si Andy at hindi na gano'n kadali dapuan ng sakit.

"Gusto ko sanang magpa-check-up," naupo ako sa upuan at siya rin naman sa upuan niya. "Lately kasi may weird na effect akong nararamdaman sa dibdib ko."

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon