Ikalabing-pitong Kabanata

207 14 0
                                    



Isang linggo na kaming walang imikan ni Jiyoon. Ayos lang naman kasi busy rin ako nitong nakaraang linggo. Puro meetings ako tuwing umaga at sa gabi naman ay saka ko sinusuri ang mga business portfolio na ipinapadala sa akin. Aalis ako tuwing bagong gising palang si Andy at Jiyoon. Hahalikan ko nalang si Andy bago umalis ng bahay kahit palagi namang alas-onse ang meeting ko. Tumatambay nalang talaga ako sa loob ng opisina ko habang nagpapatay ng oras. Minsan nagtampo na sa akin si Andy dahil hindi ko na siya hinahatid sa school pero mabuti nalang at tinutulungan ako ni Baekhyun hyung na ipaintindi kay Andy iyong sitwasiyon ko. Sa gabi naman, umuuwi ako ng bandang alas-otso na. Palaging sakto ang uwi ko sa oras ng pagkain at palagi ring nakatabi si Andy sa akin para maglambing. Pagtapos naman namin kumain ay nagdi-diretso na ang mag-ina ko sa kwarto nila para magpahinga habang ako naman ay diretso sa library para magbasa ng mga portfolios.

Pero ngayong araw ay hindi na talaga ako nakaligtas. Kagabi kasi habang nagdi-dinner kami, ginamitan na ako ni Andy ng charms niya. Sino ba naman ako para hindi macute-an at maawa sa anak ko diba? Kaya heto ako, naghahanda para ihatid siya sa school niya. Kaunting oras lang naman na makakasama ko si Jiyoon. Kakayanin ko naman siguro.

"Dy!" Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok nang biglang niyakap ni Andy iyong baywang ko. "Totoo po ba?! Ihahatid niyo po ako?!"

Tumango ako at nagpatuloy sa pagsusuklay sa harap ng human-sized mirror ko. "Ayaw mo ba?"

"Hindi po! Happy nga po ako, eh!" Tumakbo siya sa kama ko at nagsimula ng tumalon ng tumalon doon. "Kasi nami-miss na po kayo ng mga kaklase ko! Ang tagal niyo na raw po akong hindi hinahatid!"

Napataas naman ang kilay ko at hinarap ko siya. "Ako talaga nami-miss nila?" Natatawa kong tanong.

Tumango si Andy at ngumuso. "Aminado naman po silang gwapo ako pero iba pa rin daw po talaga kapag nakikita ka po nila. Mas gwapo ka raw po sa akin!"

Napangisi ako. Kahit bata hindi kayang tiisin iyong kagwapuhan ko. "Syempre, mas gwapo ako kasi Daddy mo ako," maaga pa naman kaya tinabihan ko siya sa kama ko at hinaplos iyong buhok niya. "Namiss kita!"

Bumungisngis si Andy at naupo sa hita ko. "Ako rin po! Sobra po kitang namiss!" Kiniss naman niya ako sa pisngi. "Love you, Dy!"

Hinalikan ko iyong tuktok ng ulo niya at binulungan siya ng I love you, too. "Sunduin kita mamayang uwian, ah?"

"Wow?! Talaga po?!"

I faked a hurt. "Parang ayaw mo na ata na ako ang naghahatid at sundo sayo!"

Mabilis naman siyang umiling at winagayway ang mga palad niya. "Hindi naman po! Naiintindihan ko naman pong busy kayo," napakagat siya ng labi. "Kahit si My rin po busy."

Ang totoo kasi niyan, simula last week ay hindi na namin naihahatid si Andy. Palagi nalang siyang sinasabay nila Baekhyun at Chanyeol hyung dahil doon din sa school na pinapasukan ni Andy pumapasok si Denise. Si Jiyoon kasi ay nagta-trabaho na ngayon sa isang event organizing company. Doon kay Orion. Psh. Tapos tuwing uuwi naman, kahit sinong available dito sa bahay ang sumusundo kay Andy at Denise sa school. Araw-araw namang may nag-de-day off sa amin kaya less worry. Ako lang talaga iyong may hawak ng sarili kong oras.

"Sorry."

Niyakap niya ako at ngumisi na naman. Hilig ngumisi. Kainis. "Naiintindihan ko po! Pero ngayon po ihahatid niyo ako ni My, diba?"

Hindi lang kasi ako iyong ginamitan niya ng charms niya kagabi. Miski si Jiyoon kinulit niya ng kinulit habang nagdi-dinner kami. Mabuti nalang talaga at tanghali raw ang pasok ni Jiyoon sa trabaho dahil debut daw ang io-organize nilang event ngayong araw.

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon