"Ganoon na lang ba kaimportante iyang binabasa mo to the point na hindi mo namalayang lumipas na ang oras para kumain ka ng dinner?"Napatingin ako kay Suho hyung na nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib habang nakasandal sa nakabukas na pintuan ng kwarto ko. Saglit kong isinara iyong laptop ko at tinanggal sa pagkakasuot iyong reading glasses ko at saka nagtungo papalapit sa kanya.
"Hyung. . ." Panimula ko, napakamot ako ng batok. Panigurado kasing sesermunan na naman ako ni Suho hyung. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay iyong kakain ng may kulang na isa sa hapag. "Sorry. Malaking client kasi ito kaya kaylangan kong busisiin bawat maliliit na detalye ng proposal nila."
Tumango si Suho hyung at iginiya ang daliri sa labas. Pagtingin ko, nagulat ako kasi kasama niya pala si Luhan hyung!
"Luhan hyung!" Halos mawalan ako ng boses. "Ako na!" Kinuha ko iyong tray na naglalaman ng steak, gatas, at kanin. "Kaylan ka pa dumating?"
"Ngayon lang. Hindi mo ba natanggap text ko sayo? Masyado ka naman atang busy," pahayag niya na sinang-ayunan naman ni Suho hyung. "Nagbago ka na talaga."
Namula naman ako agad. Kapag sila hyung naman ang nagsasabi sa akin na nagbago na ako, parang proud pa ako. Pero kapag si Luhan hyung talaga, automatic nalang na namumula pisngi ko. "Kaylangan eh. . ."
"Sige. Maiwanan ko na muna kayo. May kaylangan din akong gawin," sabi ni Suho hyung at nagdiretso sa kwarto ni Luhan hyung. Siguro ay aayusin niya iyong kwarto ni hyung na miminsan lang niyang magamit dahil nga sa China siya naninirahan.
"Pwede ba akong pumasok?"
Tumango ako at mabilis na naglakad papunta sa study table ko, tinago ko iyong laptop at proposal sa drawer nito at hinila iyong upuan ko habang si Luhan hyung naman ay naupo sa gilid ng kama ko. "Nakita mo na si Andy, hyung?"
Umiling si Luhan hyung. "Tulog na raw si Sehun liit. Bukas nalang siguro," umikot iyong paningin niya sa buong kwarto ko at napansin kong napako iyon sa malaking frame na bubungad sa kwarto ko. "Nakakamiss diba?"
Tahimik akong napatango. Sabay naming tinitignan iyong photoshoot namin bilang labingdalawa noon sa Kolon Sport. Nakakatuwa. Isa itong patunay na kumupas man ang kulay ng isang larawan, hinding-hindi mabubura ng kung ano mang sakuna o pagsubok ang memorya na nakatala doon.
"Paano kaya kung hindi ako umalis ng EXO? Paano kaya kung tiniis pa namin nila Kris at Tao? Buo pa rin kaya ang EXO?" Napansin kong nagsisimula na siyang manginig dahil sa pagpipigil ng iyak. Palagi kaming ganito kapag nagkikita kami. "Siguro. . . Siguro hindi ka batang ama ngayon, Sehunnie."
Napabuntong-hininga ako. "Hyung, alam mo, ilang taon na ang nakalipas, ilang beses na naming sinasabi sa inyo na hindi kami galit sa ginawa niyong desisyon. Hindi ba ito na iyong tamang oras para palayain mo iyong sarili mo sa mga bumabagabag sayo? Kasi sa totoo lang? Tanggap na namin at wala na kaming sinisisi sa nangyari sa EXO. Sa kabila ng pagkawala namin sa industriya, malaking pasasalamat pa rin namin dahil nanatili tayo kung ano tayo bago pa man din tayo maging sikat na grupo. At saka may nadagdag pa, si Andy. Hyung, hinding-hindi magiging kamalian si Andy sa akin at kela hyung. Sana sa inyo rin. Mahal na mahal ko iyong anak ko at hindi na ako nagsisi ngayon. Pinatawad ko na iyong sarili ko. Tama na iyong ilang taon na sinisi ko iyong sarili ko sa nangyari sa EXO. Kita mo naman ngayon, masaya na kami. Kuntento. Sana ikaw din."
BINABASA MO ANG
[ON-GOING] Tatay Na Si Oh Sehun
FanfictionAnong gagawin mo kung isang araw pag-gising mo, tatay ka na pala? March 27, 2017 to ㅡㅡㅡㅡ Copyrights: Cherryxsehun | AFIRESELU OH All Rights Reserved: 2017