Ikalabing-dalawampung Kabanata

196 11 6
                                    



Maaga akong nagising dahil hindi talaga ako makatulog simula palang noong umalis si Jiyoon ng kwarto ko na may malaking ngiti sa mukha niya. Ewan. Naloloko na ako sa sarili ko! Hindi ko naman kayang hindian si Jiyoon kagabi dahil halata sa mukha niya iyong lungkot noong sinabi kong 'wag na silang sumama ni Andy. At saka gusto ko rin na magkaroon ng moments iyong mag-ina ko ng hindi ako kasama. Actually kahit kasama naman ako, binabalewala lang ako ng magaling kong anak.

Hindi rin ako natulog sa tabi nila. Hindi na nasundan iyong gabi na tabi-tabi kaming natulog dahil naiinis din ako sa mga expression sa mukha nila hyung at Kai tuwing nakikita nila na pumapasok ako sa kwarto ng mag-ina ko. Nakakainis! Sabi ng 'wag nila kaming tutuksuhin dahil mabilis kaming mailang ni Jiyoon sa isa't-isa eh! Minsan hindi ko na alam kung ako pa rin ba iyong pinakabata sa amin kasi mas isip bata sila sa akin! The more na sasabihin kong 'wag nilang gawin ang isang bagay, mas lalo lang nilang ginagawa iyon. Miski si Kyungsoo at Xiumin hyung nahawa na sa kaabnormalan nila Chen, Baekhyun, at Chanyeol hyung eh!

"Aga nagising ah? Ikaw ba toka ngayon sa pagluluto?" Napalundag ako mula sa pagkakaupo nang biglang tumabi si Kai sa akin, hawak-hawak ang isang baso ng gatas.

Napaikot ako ng mata at humigop ng gatas ko. "Gusto mo bang masunog itong bahay ni Suho hyung?"

Naalala ko noong unang beses na nangahas akong makielam sa kusina ni Kyungsoo hyung. Oo, kahit si Suho hyung na mismong may-ari ng bahay, walang karapatan sa kusina dahil si Kyungsoo hyung ang hari sa lugar na iyon. Back to the topic, that time, sinubukan kong magluto dahil bandang alas-dose noon nang biglang kumalam ang sikmura ko. Wala namang natirang ulam noon dahil masarap ang ulam namin noong gabi na iyon, pero gabi-gabi namang masarap ulam namin. Siguro nasaktuhan lang na gutom kaming lahat kaya simot iyong kawali, miski kanin ay ubos. Nakakita ako noon ng itlog at sa tingin ko that time, iyon ang pinakakaya kong lutuin.

Nabuksan ko naman ng maayos iyong stove at nakapaglagay ako ng tamang dami ng olive oil sa pan. Kaso noong nailagay ko na ang nabasag na itlog, biglang tumalsik ng tumalsik iyong mantika at topless ako noon. First time ko ring magluto kaya nabigla talaga ako sa pagtalsik ng mantika. Hindi ko rin nahinaan iyong apoy dahil sobrang abala ako sa pag-inda ng hapdi ng talsik ng mantika sa katawan ko. Kaya ayon, nasunog iyong itlog at malakas ang pang-amoy ng mga hyung ko kaya nagising sila. At inabot kami ng isang oras dahil isa-isa nila akong sinermunan, miski si Kai! Ang kapal lang ng mukha!

Biglang nangasim iyong mukha ni Kai. Siguro naalala niya rin. "Nako! Ako nalang magluluto. Ano bang gusto mo?"

"Nagsalita. Hindi ka rin naman marunong."

"At least hindi pa ako nakakasunog ng niluluto ko!" Napatahimik ako. Masakit mang aminin sa part ko, totoo. Hindi man kasing sarap ng luto ni Kyungsoo hyung iyong mga luto ni Kai, mas magaling siya sa akin dahil hindi siya takot sa mantika. Kasalanan ko bang sensitive balat ko?! "Aminin mo, Sehun!"

"Oo na, oo na," at pilit kong tinatabig iyong daliri niyang sinusundot iyong tagiliran ko. "Tigilan mo nga ako! Para kang baliw!"

"Sus!" Napanguso siya. "Naglalambing lang naman ako sayo. Miss na kita eh. Hindi na tayo gano'n kaclose."

"Seryoso ba, Kai?" Tumango siya. "Ano ba. Hindi ako sanay na ganito tayo mag-usap," napakamot ako ng batok.

"Kasi palagi tayong nagsisigawan?" Napatango ako. "Gano'n ata kasi talaga kapag magka-edad, palaging nag-aaway."

Napangisi ako. Pero bakit sila Chen, Baekhyun, at Chanyeol hyung nagkakasundo sa kalokohan nilang tatlo? Ni minsan hindi ko pa sila nakitang nag-away eh. "Eh bakit sila Chen, Chanyeol, at Baekhyun hyung?"

"Iba naman sila eh."

"Paanong iba?"

"Pare-parehas silang maloko. Ay ewan. Basta. Parang pare-parehas kasi takbo ng utak nilang tatlo," napatango nalang ako. Mahirap lang talaga sigurong sabihin ang katotohanan na mga isip bata sila hyung.

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon