Ika-siyam na Kabanata

222 17 2
                                    



"Maupo muna kayo. Sehun, habang nagbibihis ako, ipaghanda mo ng makakain si Jiyoon," iyan agad ang sinabi ni Suho hyung pagkarating na pagkarating niya sa bahay. Mukhang agad siyang umuwi the moment na nasagot niya iyong tawag ni Chanyeol hyung. "Maiwan ko muna kayo."

Nginitian ko si Jiyoon. Halata kasing kinabahan siya. Ni hindi niya nga mangitian si Suho hyung kanina habang nagsasalita sa harapan naming dalawa. "'Wag kang kabahan. Mabait naman si Suho hyung, eh. At saka hindi nga sila galit sayo."

"Salamat," puno ng pag-aalinlangan niyang sagot. "Ito kasi iyong first time na makakausap ko siya. Ni hindi ko sukat akalain na makakausap ko siya at sa ganitong kadahilanan pa."

Tumango ako at iniwan siya saglit doon sa library room ng bahay. Nagdiretso ako sa loob ng kusina para sana kumuha ng makakain naming tatlo nang bigla kong narinig ang hagikgik ng anak ko. Bakit kaya tawa na naman ng tawa itong batang ito?

"Pfft! Seryoso po kayo, hyung? Hindi ko po ata maimagine iyong mukha ni Daddy! Grabe!" Napahampas pa sa kitchen island si Andy dahil sa saya. Kulang nalang ihampas niya iyong ulo niya eh.

"Oo! Hindi lang halata pero may pagkamabagal prumoseso ng mga bagay-bagay ang Daddy mo," sinabayan pa ni Chanyeol hyung sa paghalakhak si Andy habang si Baekhyun hyung naman ay nakangiti lang silang pinapanood. "Sobrang pang-aasar inabot sa amin ng Daddy mo dahil sa nangyari na iyon. Akalain mong hindi niya nagets iyong joke ng host noon tapos siya itong may anak sa aming magkakaibigan ngayon? Pffft!"

Agad na namula iyong mukha ko. Anong taon na ba ngayon? Ilang taon na ba iyong nakalipas? Hindi pa rin kumukupas iyong kahihiyan ko na iyon. Nagkaroon kasi kami ng guesting ni Kai sa isang show na may pamagat na Yummy Yummy at sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko naintindihan iyong joke ng isang host na kasama namin. Sobrang clueless ko talaga noong mga panahon na iyon habang si Kai naman ay halos mamatay sa tawa. Sana nga nabilaukan na lang siya dahil doon. Ang yabang kasi eh. Tsk.

"Maknae. . ." Pagtawag ni Baekhyun hyung nang makita niya akong nakasilip mula sa labas ng kusina. Napansin niya siguro iyong busangot kong mukha kaya nilapitan niya ako at inihilamos iyong palad niya. "Ikaw naman. Hindi ka pa nasanay sa Chanyeol hyung mo. Alam mo namang presidente ng Alaska iyan sa sobrang lakas mang-alaska lalo na kapag ikaw ang usapan eh."

"Corny ng joke mo, hyung," inirapan ko siya at nagdiretso sa refrigerator para kumuha ng makakain. "Hyung? Wala ba tayong stock ng kahit anong disenteng pagkain?" Pagtatanong ko. Puro ingredients lang kasi laman ng refrigerator namin. Hindi naman ako marunong magluto.

"Daddy busog pa po ako! 'Wag na po kayongㅡ"

"ㅡsino nagsabing para sayo iyong pagkain na ihahanda ko?" Masungit pero pabiro kong tanong. "Wala man lang bang matinong pwedeng ipakain kay Jiyoon dito?" Tanong ko sa sarili ko habang naghahagilap sa refrigerator.

"Ramen ttang," bulong ni Baekhyun hyung at narinig ko ang mahinang hagikgik ni Chanyeol hyung sa tabi niya. "Pffft. Grabe talaga iyong Ramen ttang na iniluto mo maknae sa Yummy Yummy. 'Wag ka na magluluto sa susunod, ha?"

"Ewan ko sa inyo," hindi ko nalang sila pinansin at nagtungo sa kinalalagyan ng microwave oven. Mabuti nalang may isang mabait akong hyung sa katauhan ni Kyungsoo hyung dahil nag-iwan siya ng Lasagna sa microwave oven namin! Hindi pa siguro nakikita ito ni Chanyeol at Baekhyun hyung dahil wala pang kabawas-bawas. "Ano nalang kayang gagawin ko sa buhay kung wala si Kyungsoo hyung sa tabi ko?"

"Waaaah!! Daddy! Lasagna po ba iyan?" Tumango ako kay Andy at kumuha ng plato para ipagtabi siya ng kaunting parte. Paborito kasi ng anak ko iyon eh.

"Gusto niyo ba?" Nakataas na kilay na tanong ko kay Baekhyun at Chanyeol hyung.

"Oo," sabi ni Baekhyun hyung.

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon